SIMULA

828 20 6
                                    

SIMULA

 AKALAIN mo nga naman, ano? May ubod pala talaga ng sungit. Akala ko sa mga pelikula at mga libro lang 'yong mga gano'ng uri ng tao, pati pala sa totoong buhay nangyayari. Nabiktima ako e. Grabe nga 'yon.

Paano ba naman kasi ako na nga ang nakikipagkaibigan, ayaw niya pa. Ewan ko may attitude problem yata ang taong 'yon. Ni wala nga yatang kaibigan 'yon, e. Pero ewan ko lang talaga sa sarili ko. May pagka-abnormal talaga ako minsan, e. Alam niyo 'yon may pagkaeng-eng ako o sobrang friendly ko lang talaga?

Ayaw niya pero sige pa rin ako. Ayaw niya ba talaga akong maging kaibigan? Mabait naman ako a. Masiyahan at ma--nah, nevermind na nga lang 'yong huli.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita kong huminto siya na nasa unahan ko. Nilingon niya ako habang salubong 'yong mga kilay niya. Ako naman todo ngiti kahit halata mong asar na talaga siya.

"Hoy, pwede ba 'wag mo akong sundan? 'Di maganda tignan, e," aniya at inis na inis na talaga sa pagkakulit ako. Halata naman kasi sa boses niya 'yon, e. Hindi naman ako tanga para hindi 'yon maramdaman pero heto ako naman ngumiti lang at lumapit pa ako ng isang hakbang sa kanya.

"Bakit pangit?" tanong ko. 'Di ko alam pero gusto ko siyang asarin ngayon. At least nagsasalita siya kesa naman puro na lang dead glare ang natatanggap ko at ilang salita lang ang ibinabalik niya sa akin.

Nalaman ko rin na pareho kaming transferee. Senior High na kami, grade 12 kung tawagin. Nag-aaral kami sa mababang paaralan ng isa sa mga probinsya dito sa Pilipinas. Kung sa dating curriculum dapat 2nd year college na kami ngayon pero dahil may K+12 nasa high school pa rin kami. Ang saklap lang pero wala naman akong magagawa, siguro mayro'n pero let it be na lang. Go with the flow ika nga.

"Ano ba talagang kailangan mo sa akin?" kaunti na lang e, sapakin na niya ako sa sobrang yamot niya. Humihinga na nga lang siya nang malalim mula sa pwesto niya at parang pinipigilan niya talaga ang sarili niya na masapok ako. Siguro, kasi babae ako. Well, hindi dapat minamaliit ang babae, pero ayaw ko rin naman masapok at baka magkabukol pa ako.

"Kailangan ko ng kaibigan," sagot ko no'n pero tinignan niya lang ako na para bang alien ako na nagmula sa ibang planeta. Tumingin ako sa salamin kanina hindi ko naman kamukha si kokey kaya ano'ng problema ni Koya?

"Are you even serious? Why would I befriend you?" sagot niya sa akin. Napataas ako nang kilay, englishin ba naman ako? Pero akala niya hindi ako handa? Syempre mag-eenglish din ako para naman malaman niya na hindi ako bobo sa english.

Ibubuka ko na talaga ang bibig ko nang tinalikuran niya ako. Tignan mo 'to di lang masungit bastos pa. Napauntong hininga na lang ako at tinignan ko siyang lumalayo.

"Hoy!" sigaw ko at sinundan ko ulit siya kahit na ang bilis nang mga hakbang niya. Sabagay ang tangkad niya kasi kaya mahaba ang mga binti. Samantalang ako, medyo kinapos sa height. Maliit ang mga binti ko pero hindi naman ako gano'n kaliit. Nasa may 5'3 pa naman ako.

"Hoy hoy hoy!"

"Lumingon ka naman, o!"

"Lilingon na 'yan! Lilingin na 'yan!"

Di naman siya no'n lumingon at mas lalong binilisan ang lakad niya. Half running na talaga siya no'n. Nakakainis na siya. Sa sobrang bilis niyang maglakad, nawala na siya sa paningin ko. 'Di ko na nga alam kung saan 'yon lumiko, e. Basta naglaho na lang siya na parang bula.

Ako naman, e, kaunting lakad na lang nando'n na ako sa bahay ng Tita ko. Tuloy-tuloy ako pumasok sa loob at medyo hinihingal pa ako no'ng puma-upo ako sa sofa.

"Pagod ka yata?" napalingon ako sa pinsan kong si Naruto. Pero joke lang, 'yong buhok niya kasi kulay orange kaya naruto tawag ko sa kanya.

Napahawak ako sa noo ko, ang pawis ko na. Ano ba 'yan, kinalkal ko yong bag ko no'n pero di ko na naman nakita ang panyo ko. Lagi ko na lang nawawala 'yon. Hinayaan ko na lang at sinulyapan ko ang pinsan ko na naka-upo sa tabi ko.

"May hinabol kasi ako," sagot ko naman habang tinatanggal 'yong itim kong sapatos.

"Sino?" tanong niya.

Sasagutin ko na sana nang makarinig kami nang ingay mula sa labas, may tao yata. Parang kinakalampag 'yong gate namin kaya't nagcreate ng ingay.Tinignan ko naman 'yong pinsan ko.

"May bisita ka?" umiling siya no'n kaya't kumunot ang noo ko. "Ikaw na magbukas no'ng pinto, akyat na ako sa taas."

Pagkasabi ko no'n patakbo na akong pumunta sa may hagdan. Siya naman no choice kun'di pagbuksan kung sino man ang istorbong 'yon.Di pa man ako nakaka-akyat sa kwarto ko no'ng tinawag ako no'ng pinsan ko. Ang bilis naman yata nito? Pinalayas siguro nito 'yong bisita, minsan talaga may pagkamasama ugali nito. Ang sarap niyo tuloy ipakagat sa mga aso na laging humahabol sa akin.

"Ano?" tanong ko pero ang ikinabigla ko bigla siyang may ibinato sa direksyon ko. Ayon sapul na sapul sa mukha ko. Bull's eye na bull's eye pa naman. Buti na lang nga malambot,e.

No'ng napagtanto ko naman kung ano 'yon. Bigla akong napasigaw na siyang ikinagulat ng pinsan ko. "Saan mo 'to nakita?!"

"Inabot no'ng lalaki--" di ko na siya pinatapos no'n at bigla ko na lang binitiwan 'yong bag ko sa tapat ng pinto ng kwarto ko at patakbong bumaba ng hagdan. Nagmadali akong lumabas ng bahay.

No'ng nakarating na ako sa labas, nagpalinga linga-linga ako sa paligid.At ayon, sa di kalayuan. Nakita ko 'yong likod no'ng taong kinukulit ako kanina.

Medyo malayo na siya no'n pero nabigla talaga ako no'ng lumingon siya.Hindi siya nakangiti. Seryoso pa rin yong mukha niya habang nakatingin sa akin.

"Panyo mo, 'wag kang burara." Imbes na mainis ako sa sinabi niya. Napangiti na lang ako na parang tanga. Sabi na sa inyo e, may pagka-eng eng ako.

END.

Teen fic it izzzzz! Thank you for reading. Be warned people. Typos, grammatical errors and such will be seen along the way. So, yeah bear with it or leave. (Taray. Bwahaha) Once a week ang update. Thanks! To God be the glory.

Vote and comments will be highly appreciated people! :-*

-Hope

Probinsya Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon