XI. Sudden pain

113 3 1
                                    

KABANATA 11.

ANG DAMI ko nang napapalang kahihiyan dahil sa kanya. Makulit ako, oo pero hindi makapal ang mukha. Pagkasabi ko no'ng bibilhin ko, biglang tumawa nang malakas 'yong babae sa gilid ko. Halos mabulunan siya ng sarili niyang laway dahil do'n pero pinipilit ko na lang na 'wag siyang intindihan hanggang sa makuha ko kung ano'ng bibilhin ko, pagka-abot ko ng bayad tumakbo na ako papunta sa bahay nina Ate Lina.

Natataranta kong sinara 'yong gate at pagkapasok ko sa loob, napatigil ako sandali habang hinahabol ang aking hininga.

That was so embarrasing, really.

Tinapos ko na ang pagtutor kay Steven ngayong araw at naglakad na ako pauwi. Sinulyapan ko muna 'yong tapat at wala na akong nakitang taong naka-upo ro'n sa may upuan sa tabi. May ilan-ilan pa ring mga tao sa daan at mga pampasaherong sasakyan.

Habang inihahakbang ko ang aking mga paa patungo sa bahay nina pinsan. Hindi ko na naman maiwasan ang mapaisip. This day was such a long day for me. I think I had enough. Pagod. Kahihiyan at... sakit? Parang nararapat lang sa akin ang matulog nang mahaba-haba lalo pa't sabado bukas at walang pasok.

I need some rest, from my thoughts and him.

Hindi ko siya susukuan pero magpapahinga lang muna ako. Tutal naman, mukhang may kaibigan na naman siya. Might as well be happy for him. Tumatawa siya kanina na para bang ang saya-saya. At sa unang pagkakataon, nasaksihan ko ang pagtawa ng isang Tomuel Jay Marquez. Dapat maging masaya ako, kasi kahit papaano pala may buhay siya. Pero, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ko kayang maging masaya nang husto dahil sa pagtawa niya.

Maybe because, until now I felt betrayed.

Ako 'yong nag-eeffort. Ako 'yong laging nangungulit. Ako 'yong laging nakatingin sa kanya dahil alam ko kailangan niya ako. Ako 'yong nandito na nag-aalala sa kanya pero ni minsan, sa mga araw na lagi ko siyang kinakausap. Sa mga araw na lagi kong isinisiksik ang sarili ko sa kanya-ni ngiti man lang hindi niya kayang ibalik sa akin.

Gusto ko lang naman marealize niya na masaya mabuhay. Dahil alam ko at napavisible sa mga mata niya, na sa kaloob-looban niya-patay na siya.

Pero, 'yong pagtawa niya kanina... baka mali ako, hindi pala talaga siya patay sa loob. Baka ayaw niya lang ipakita sa iba. Baka gusto niya sila lang dalawa no'ng taong 'yon ang makakita kung gaano niya kagustong mamuhay, kung gaano siya kasaya.

Gusto kong sumigaw. Naguguluhan ako!

"Mahal na prinsesa!" bungad sa akin ni Naruto wannabe pagkapasok ko ng bahay. Ngumiti lang ako sa kanya at tinapik siya sa braso bago tumuloy paakyat sa may hagdan. Hindi ko alam na sinundan niya pala ako kaya't nagulat na lang ako nang umakbay siya sa akin.

"Problema?" tanong niya.

Napangiti ako at siniko siya. "Wala. Pagod lang."

Pagkapasok ko ng kwarto ko, mabilis kong tinignan ang repleksyon ko sa salamin. Mukha ba talaga akong problemado? Pero, wala naman akong problema. Bakit ko ba kasi pinoproblema ang mga bagay-bagay na dapat wala naman akong pakialam?

Napangisi na lang ako. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko minsan. And, I think I really need some freshen up.

Kinaumagahan, maaga akong nagising para magjogging sa may park. Si pinsan naman gising na rin. Sabay kaming nag-almusal na inihanda niya. Himala. Sinisipag talaga 'to kapag weekends. Habang kumakain kami bigla siyang nagsalita.

"Lem."

Inangat ko 'yong tingin ko sa kanya at hinihintay 'yong sinasabi niya habang pasubo ako ng kain. Uminom muna siya ro'n sa tasa niya bago siya nagsalita muli.

Probinsya Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon