KABANATA 18.
I CANNOT. Hindi p'wede. Hindi. Hindi. Hindi. Okay, as much as possible pipigilan kong mahulog sa kahit na sino, dahil hindi p'wede. Komplikado kasi talaga. Lalo pa't may posibilidad na hindi ko siya masalo kung sino man. Pero, bakit gano'n? Si Tj ang una kong naisip? Malala na 'to. Malala pa sa utak ko. Nakakaloko. Ang hirap mag-isip. Nakakasakit ng ulo. Nakakahilo. Ewan.
May mga bagay lang kasi talaga na kahit gusto natin, hindi natin p'wede makuha. Na minsan, kahit ipaglaban pa natin, hinding-hindi mapapasaatin, dahil 'yon ang nakatadhana. Na kahit maraming pera, baliwala lang kasi hindi maari.
May bagay akong gustong-gusto. Gustong-gusto ko, pero minsan napapa-isip ako kung makukuha ko ba 'yon kahit na may pera naman ako? O baka sa bandang huli, hindi pala talaga 'yon nakatadhana para sa 'kin.
Ayos lang naman sa 'kin. Acceptance is the only key. Gano'n naman 'yon, tanggapin na lang para hindi masakit. At isang bagay siguro 'yong-magmahal, umibig. Kasi at the end of the day, okay lang na ako 'yong masaktan, 'wag lang sila.
No'ng bata ako, may mga nasaktan na ako na hindi ko naman sinasadya, may mga pagkakataon na napapa-iyak ko 'yong mga malapit sa 'kin na hindi ko naman intensyon. At ayoko namang mangyari 'yon do'n sa taong mamahalin ko, dahil alam ko, masasaktan at masasaktan ko lang siya at 'yong mga taong nakapaligid sa 'kin.
Ngayon ko lang narealize na ang selfish ko pala, ayoko silang saktan pero sa ginagawa ko alam ko masasaktan ko sila. Magulo ang nasa isip ko. Magulo ang mga bagay-bagay na iniisip ko. Pati ako, naguguluhan na sa sarili ko.
Huminga ako nang malalim at inilibot ng tingin ko sa loob ng classroom namin. Bakit pa ako nagpapakafriendly kung at the end of the day, I'm just going to betray them?
Fuck you self.
This is the first time that I curse myself. Medyo weird sa pakiramdam but at the same time, nakakatuwa lang.
Napalingon ako kay Olly nang kalbitin niya ako, "Hoy Lem, ano'ng ngisi 'yang nasa mukha mo, ha? May masamang binabalak o may censored na iniisip?"
Nagkasalubong ang mga kilay ko, bigla siyang natawa kaya't mabilis akong nagreact.
"Grabe Olly! Hindi, a!"
Tawa pa rin siya nang tawa kaya't napapa-iling na lang ako. Huminto lang siya no'ng dumating 'yong Instructor namin. Nag-ayos na rin ang mga kaklase ko at umupo sa sari-sariling pwesto. Pagkatapos ay nagsimula na ang roll call.
Napanguso ako nang marinig kong binanggit ni Ma'am Pascua 'yong apelido ni Tj nang tatlong beses.
"Wala pa si Marquez?"
Narinig ko naman na sumagot 'yong mga kaklase namin na 'wala' at 'hindi nila alam kung bakit hindi pumasok.' Kahit ako, hindi ko rin alam kung bakit wala siya. Hindi ko pa siya nakikita buong araw at papanindigan niya nga yata na umabsent, dahil last subject na 'to ngayong araw.
Lunes na lunes, absent siya.
Naramdaman ko 'yong pagdikit ng balikat sa 'kin ni Olly sa kalagitnaan ng pagdidisscuss ni Ma'am Pascua. Tapos, narinig ko siyang nagsalita.
"Bakit hindi pumasok si Tomuel?"
Nagkibit-balikat ako, "Olly, maka-ilang beses mo na 'yang natanong sa 'kin," natatawang giit ko, "Hindi makaget-over sa sagot kong 'hindi ko alam?'"
Umiling siya no'n at lumayo na. Nakita kong nakatingin na siya sa harapan bago ko siya muling narinig na nagsalita.
"Hindi kasi ako naniniwala," sabi niya, "Alam mo ba..."