KABANATA 15.
ILANG minuto akong parang tanga na nakatunganga sa harapan ng papel ko. Ni hindi ko natapos-tapos 'yong pagsulat ko ng pangalan niya o kung natapos ko man hindi ko na maintindihan. Ni pakiramdam ko hindi na ako humihinga dahil sa mga sinasabi niya.
Ano bang ginawa sa akin ng lalaking 'to?
Sigawan. Sungitan. Deadmahin. Ireject nang paulit-ulit.
Pero, bakit ganito ang epekto ng mga 'yon? Bakit biglang naging ganito? Nakakalunod mag-isip. Ang daming pumapasok sa isip ko. Nakakalula. Hindi ko kinakaya.
Hindi na ako nagsalita. Nawalan na ako ng dila. Lumipad. Pumunta ng ibang bansa. Ibang planeta. Hindi ko alam. Nakakabaliw. Nababaliw na ako.
Halos mapatalon ako nang kinuha niya 'yong yellowpad ko. Tinignan ko siya nang gulat ang ekspresyon ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang may sinusulat siya ro'n at pasilip-silip sa librong dala niya.
Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto akong nakatingin sa kanya habang busy'ng busy siya sa pagsulat sa papel ko.
Pinagmasdan ko lang ang mukha niya. Matangos ang ilong. Katamtaman lang ang kapal ng kanyang mga kilay. Mapula ng bahagya ang kanyang labi na katamtaman lang din ang laki. Muli sa kinauupuan ko, nakikita ko kung gaano kahaba ang kanyang mga pilik-mata. Nakakasilaw din ng bahagya ang percieng niya sa kanang tainga.
Nagulat ako nang bigla niyang iangat ang tingin niya sa akin, bahagya pang nanlaki ang aking mga mata dahil do'n.
Walang sabing inabot niya 'yong yellowpad ko at tumayo. Akala ko wala na siyang sasabihin pero nagsalita siya bago siya tuluyang umalis sa pwesto ko.
"Henna Lemarie Marquez, huh?"
Kumunot ang noo ko. Namula. Tinignan ko 'yong yellowpad na sinulatan niya. Napapikit ako sa kahihiyan. Nagkamali ako. Tinama niya. Dang! Ang tanga mo lang, Lem! Bakit mo pinagpalalit mga apelido niyo?!
Henna Lemarie (Marquez)Hernandez
Tomuel Jay (Hernandez)Marquez
Natapos ang mga klase ko na wala akong naiintindihan. Lalo na 'yong dalawa pang subject na kaklase ko siya. Nag-iisip ako. Pero, lumilipad ang isip ko dahil sa kanya. Dahil sa mga sinabi niya. Totoo ba 'yon? Panaginip ba 'to? Hindi ako makapaniwala!
Ilang araw ko siyang hindi pinapansin. Ilang araw ko siyang inaalis sa sistema ko. Tapos, sa isang araw lang biglang naging ganito? Ang gulo. O ako lang ang nagpapagulo? Pero, hindi ba't gusto ko 'to? 'Yong siya 'yong magkusa. 'Yong hindi ko siya pinilit na lapitan ako. 'Yong siya mismo ang mag-aapproach sa akin. Gusto ko 'to. Masaya dapat ako. Masaya naman ako pero may kakaiba pa akong nararamdaman. Higit pa sa saya. Hindi ko maintindihan. Gusto kong sumigaw. Tumalon. Pero, nanginginig ang tuhod ko. Nanginginig din ang lalamunan ko. Higit sa lahat, gusto kong magwala dahil kanina pa ako palihim na nakangiti na para eng-eng.
Seriously, is this really happening?
Kinikilig ba ako? Kinikilig dahil do'n sa ginawa niya?
This is weird, really.
Pakiramdaman ko hanggang ngayon may mga umiikot sa loob ng tyan ko. Pati ang balat ko, pakiramdaman ko nagtataasan ang mga balahibo ko kapag inaalala ko 'yong mga sinabi niya. Kapag naglalaro sa isipan ko 'yong bawat salitang binitawan niya. Hindi siya palasalita, pero halos lahat ng sinasabi niya, naiipon sa utak ko at hindi na mawala-wala.
Can somebody tell me that I'm not dreaming. Can somebody slap me, punch me or kick me. I just wanted to know if this is really happening.
Naglalakad kami sa corridor ni Olly nang hinila ko 'yong kamay niya. Napatingin siya sa akin. Nabigla pa nga yata dahil bahagyang nanlaki 'yong mata niya. Tinanong niya ako kung bakit kaya naman sumagot ako kaagad.