KABANATA 23
SABI nila kailangan muna nating isalba ang mga sarili natin bago ang iba. May kasabihin pa ngang, 'Mahalin muna ang sarili, bago magmahal ng iba' In my case, in my story, alam ko at sigurado ako na hindi love story ang kwento ko. Walang gaanong kilig. Siguro, sa realidad ganito talaga, na minsan sa buhay ng mga tao, hindi lang puro sa 'pag-ibig' iikot ang mundo natin. Na tipong hindi, 'siya at ako' lang sa mundo. Dahil sa realidad, maraming komplikasyon. Maraming mga pangyayari na hindi kontrolado.
Oo, may tinatawag na tadhana o kaya destiny, minsan pa nga fate ang term na gamit. Pero, all in all, komplikado pa rin. Nature na 'yon sa mundong ginagalawan natin. Siguro kasi, tao lang tayo. Hindi tayo Diyos. Hindi tayo Santo. At sa pagiging tao, nandyan 'yong salitang 'imperfection' Sa mundo, kaya may mga bagay na hindi ayon sa gusto natin. May mga bagay na walang tayong magagawa kun'di ang sumabay na lang sa agos, dahil kapag nakarating ka sa dulo, baka may pag-asa pang maging okay ang lahat.
Ano kaya ang naghihintay sa 'kin sa dulo?
Ano kayang magiging kapalaran ko?
Ibinuka ko ang mga kamay ko kasabay ng pagpikit ng aking mga mata. Hinayaan kong sakupin ng ulan ang buo kong pagkatao. Hinayaan kong mabasa ang buo kong katawan. Matagal ko na 'tong gustong gawin-ang maligo sa tubig ulan.
Ito ang pangalawang pagligo ko sa ulan, dahil no'ng una, 'yong kasama ko siya. 'Yong insidenteng nasaksak siya. Hindi ko na-enjoy ang ulan no'n dahil sa takot na baka mapahamak siya pero ngayon... kahit papaano, nawala 'yong bigat sa dibdib ko dahil sa ginagawa ko ngayon.
Iminulat ko ang mga mata ko at ngumiti ako.
Ngiti lang Lem. Ngiti lang.
Patangay ka na lang sa agos.
Tumigil ang ulan-ah, hindi, tumigil ang pag-agos ng tubig ulan sa katawan ko dahil sa payong na sumilong mula sa aking ulo. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko siyang hawak ang payong habang nakatingin sa malayo. Nakatayo siya sa tabi ko na walang imik.
Ngunit ang puso ko... parang tinatambol sa ingay.
Ingay na tulad ng pagpatak ng ulan.
Ingay na hindi ko gusto na nasa loob ko.
Gusto ko ng mawala 'yon. Sana nga nawala na lang sa ilang araw na hindi niya ako pinapansin. Sa ilang araw na galit siya sa 'kin. Sa ilang araw na wala kahit hindi siya magsalita o hindi ako kausapin ramdam na ramdam ko pa rin 'yong galit niya.
Pero, hindi.
Hindi na yata mawawala.
Isasama ko na yata sa hukay.
Nakakatawa lang isipin na nauwi sa ganito ang lahat. Gusto kong matawa sa sitwasyon, pero hindi ko magawa. Wala akong magawa. Kun'di ang lumayo. Lumayo sa kanya. Mula sa ilalim ng payong na hawak niya.
Inihakbang ko ang paa ko.
Isa. Dalawa. Tatlo.
Tuloy-tuloy. Walang hinto.
Patuloy ang paglakas ng ulan at ang pag-ihip ng hangin.
Pero, bakit gano'n? Wala na akong maramdaman.
Nahinto ako nang higitin niya ang kamay ko at pinaharap sa kanya. Nagmata ang mga mata namin at nakita ko na seryoso ang kanya. Samantalang 'yong sa 'kin, natutubig na hindi halata dahil sa pagkabasa ko.
"Gusto kitang saktan. Gustong-gusto kong makitang nasasaktan ka. Pinilit kong 'wag makialam. Pinilit kong kalimutan ka at ituring na isang masamang ala-ala. But fucking hell, I can't! I'm tired pretending that I loathe you so much...." humigpit ang hawak niya sa braso ko. "Dahil akala ko galit ako sa 'yo, pero... nagkamali ako. Hindi pala."