XIII. Aches

102 4 2
                                    

KABANATA 13.

"NARUTO WANNABE! C'mon don't be such a kj!" Niyuyugyog ko 'yong braso niya habang naka-upo kami sa kama niya. Samantalang siya, pokus na pokus lang sa pinapanuod niyang cartoons. Err, anime pala. Ni hindi niya ako binibigyan kahit isang sulyap lang. Ang gara!

"Lem, 'wag maingay baka itape ko 'yang bibig mo," sabi niya habang nakatingin pa rin sa screen ng laptop niya. Napanguso ako pero napalitan din ng pagngisi sabay sara ko sa laptop niya. Mabilis na nabaling sa akin ang tingin niya habang nanlalaki ang mga mata at tila hindi makapaniwala sa ginawa.

Ngumiti ako sabay belat. "Success!"

Ginulo niya 'yong buhok ko pero nakasimagot pa rin siya. "Ang kulit ni mahal na prinsesa," pang-aasar niya kaya'y pinalo ko 'yong braso niya.

"Che, alipin!" pagbibiro ko pero natawa lang siya.

"Wow, maka-alipin? Nahiya naman ako sa buhok kong cool."

Natawa na lang ako. Nag-asaran pa kami ng kaunti hanggang sa napapayag ko na siya na sumama sa akin. Alam ko naman na hindi ako nito matatanggihan. Good mood na good mood ako no'ng hinihintay ko siya sa may sala. Magbibihis muna daw siya.

Nakita ko si Tita na nagluluto sa kusina kaya't nilapitan ko na. Binati ko siya at nagpa-alam sa kanya at pumayag naman lalo pa't kasama ko si Naruto wannabe.

"O, Laurence, ingatan mo 'yang pinsan mo," habilin ni Tita nang makababa na si pinsan. Tinignan ko 'yong porma niya. Peryahan lang kami pupunta pero kung makaporma kala mo runaway model, e. Nahiya naman ako sa longsleeve polo niya at board short. Isama mo pa 'yong pabango niyang abot hanggang labas amoy na amoy at 'yong kulay orange niyang buhok na hindi yata sinuklay.

Tinignan ko si Tita at inakbayan si pinsan. "Tita, don't worry. Ninja ang anak niyo remember?"

Natawa lang si Tita sa akin tapos hinala na ako ni Naruto wannabe palabas. Magkokotse pa sana kami kaso sabi ko 'wag na lang at magcommute na lang pero mapilit talaga siya. Para raw ihatid 'yong mga kaklase ko pauwi mamaya. Pumayag na ako sa gano'ng set-up at minsan lang magpasakay ng ibang tao si pinsan sa kotse niya. Maarte kasi 'yan minsan.

Habang nagdadrive siya bigla siyang nagtanong sa akin na ikinakaba ko. Hanep. Ang ganda ng timing. Hindi ko na nga iniisip ang taong 'yon pero palagi nilang binibring up sa akin. Seryoso, what's up with these people? Bakit hindi nila magets na napagod na ako sa kakakulit. Na natalo na ako sa sarili kong laro. Na sumuko na ako. Hindi pa ba nila mabasa sa body gestures ko na tapos na ako sa kanya?

Inulit ko 'yong tinanong ni pinsan sa akin sa isip ko. Bakit hindi si Tomuel ang niyaya mo. Friends na kayo 'di ba?

Kinagat ko 'yong ibabang labi ko at nag-isip bago ko siya sinagot. Pinark na niya 'yong sasakyan sa gilid. Bumaba na kami ng sasakyan. Maraming ng tao kahit na mag-aala sais pa lang ng gabi. Maingay. Pero, mukhang masaya. Maraming ilaw at tila buhay na buhay ang buong lugar dahil sa makukulay na ilaw mula sa mga rides.

Ngayon lang ako nakapunta sa ganito. Usually, sa Echanted Kingdom ako madalas o kaya sa mga theme park sa Manila na mayroon mga rides. Napangiti ako at mabilis na umusbong sa dibdib ko ang excitement. Panibagong experience na itatanim ko sa buong pagkatao ko. Panibagong karanasanan na hindi ko makakalimutan panigurado.

Ngunit mabilis na nawala ang ngiti sa labi ko nang magsalita si Naruto wannabe sa gilid ko. Akala ko nakalimutan na niya 'yong tanong niya. Pero, hindi. Nakakamatay talaga ang akala. Kung p'wede lang 'wag ng mag-assume para hindi na madissapoint pero nature na ng yata ng tao ang mag-isip ng mga 'akala' na 'yan.

"Lem, ano na? 'Di ba pumayag na siyang maging kaibigan mo? Tawagan mo kaya? Tahimik siya pero mukhang cool naman si Tomuel."

Tinignan ko si pinsan. Pinanlakihan ko siya ng mata pero parang wala lang sa kanya. Bakit gano'n? Hindi niya na magets?

Probinsya Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon