XIV. His words

117 4 4
                                    

KABANATA 14.

CURIOUS lang ako. Curious lang ako 'di ba? Curious lang ako sa kanya. Pero, bakit gano'n? Parang below the belt na. Nacross na 'yong line dire-diretso sa puso. Tumagos. Masakit. Boom. Boom boom lang talaga. Bakit ganito?

Huminga ako nang malalim at pilit na pinakalma 'yong puso. Pilit na pinapakalma 'yong sistema ko. Hinarap ko sina pinsan na kanina pa ako tinatanong kung ayos lang daw ba ako. O kung bakit daw ako nanahimik.

Ngumiti ako. Ayoko ng pilit pero wala akong magagawa ngayon. Hindi ko kayang ngumiti na hindi pilit. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Normal lang dapat ang lahat. Gano'n naman 'yon, e. Dapat sanay na ako na hindi niya ako pinapansin. At dapat wala na nga siya, hindi na dapat siya nag-exist sa mundo ko rito sa probinsya.

Pero, bakit pakiramdam ko simula no'ng lumipat ako rito, sa kanya na umikot ang mundo ko. Na tipong araw-araw iniisip ko kung paano ko siya mapapa-oo na maging kaibigan ako. Iniisip ko palagi kung ano ba talaga ang problema niya sa buhay. At kahit hindi niya sabihin o hindi niya ako kailangan, willing na willing akong tumulong.

Para sa akin challenge siya bukod sa kuryosidad. Hindi siya bumigay sa pangungulit ko, nabaliktad pa nga yata dahil mukhang ako ang bumigay.

Masasaktan ba ako kung hindi ko siya... hindi. Hindi. Umiiling ako at inalis 'yon sa isip ko. Imposible. O denial lang ako? Hindi ko alam. Magulo. O baka nasaktan lang talaga nang husto ang ego ko?

Sabi ko nga, what Lemarie wants, Lemarie gets.

Pinilit ko na lang alisin ang lahat ng 'yon sa isipan ko para makapag-enjoy pa rin ako sa mga rides na sinasakyan namin. Lumayo na rin kami sa kanila. Buti naman baka magwala lang nang husto 'yong puso ko.

Sigaw nang sigaw ang mga tao na nakasakay sa mga makalaglag pusong rides na 'yon. No'ng inaya nila sa do'n sa rides na pangalan ay 'octupos' 'yong umiikot sa ere, hindi kaagad akong nagdalawang isip na pumayag.

Kailangan kong sumigaw. Kailangan kong isigaw ang lahat ng nasa dibdib ko. Dahil kung hindi ko magagawa ngayon. Sasabog na talaga ako.

Naging masaya naman kami. Inaliw ko na lang ang sarili ko sa mga pinupuntahan namin. Hindi ko na muling nagkita pa ang mga landas namin nang gabing 'yon. Buti naman. Ayoko muna siyang makita. Baka atakihin lang ako sa puso.

Hinatid namin sina Olly at Rhannalyn nang mapagod na kami. Si Jona, hinatid ni Mark. Inuna namin si Olly na hinatid dahil malapit lang 'yong bahay nila sa peryahan na 'yon. May dala-dala pa nga siyang plato at baso na napalanunan namin do'n sa isang laro.

Nagpa-alam na siya no'n at binabagtas na namin ang bahay nila Rhannalyn. Nagkukulitan na naman sila ni pinsan habang ako tahimik. Hindi ko magawang sumali sa tawanan nila. Wala ako sa mood. Tapos.

"Bye. Salamat ulit. Oy, Laurence, text mo ako, a?" sabi ni Rhannalyn. Kumaway na lang ako bago siya bumaba ng sasakyan.

Nang kaming dalawa na lang ni pinsan, tahimik kami sa byahe. Hindi na rin siya nagsalita. Siguro, alam niyang wala ako sa mood at hindi ko siya masasagot nang matino kahit pa magtanong siya o magsalita.

Pagkarating namin sa bahay nagmadali akong umakyat sa itaas pero bago pa ako makapasok sa kwarto ko hinila na ako ni Naruto wannabe.

Tinignan ko siya. Nakatingin siya sa akin ng seryoso. Ngumiti siya na hindi ko kayang gawin man lang ngayon. Hindi na rin ako sumubok dahil baka maging ngiwi ang kalabasan.

"Dalaga ka na," sabi niya na ikinabigla ko. "Tao ka na. May crush ka na," tuloy niya pa. Alam kong nagbibiro lang siya para patawanin ako pero hindi ko kayang tumawa. Maging siya hindi natawa sa sinabi niya.

Probinsya Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon