KABANATA 24
MAY mga bagay na hindi talaga p'wede. Kahit ano'ng pilit, hindi maari. Kaya ang tangi na lang magagawa ay ang lumayo. Duwag na kung duwag. Pero, nakakatakot kasi na baka kapag minahal niya ako, lalo ko siyang mawasak. Baka hindi na siya mabuo pa at ayokong mangyari 'yon.
Wala akong nagawa kun'di ang itulak siya pero hindi ko rin gusto na mapalapit siya kay Patricia ulit. Ayoko nang makita siyang miserable pero ako mismo alam ko na sa gagawin ko magiging miserable pa pero hindi lalala.
"Wait, bakit kayo nagyayakapan?!" medyo malakas ang tono ni Patricia pagkarating niya sa tabi namin ni Tj. Pinagtitinginan na kami ng iba pero para walang kaming pakialam sa paligid.
Hindi ako kaagad nakapagsalita nang makitang pinasadahan ako ng tingin ni Patricia.
"Lemarie, ano 'to? Mang-aagaw ka na ba?"
Napalunok ako sa tinanong niya pero hindi ako kaagad naka-imik.
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Tj dahil bahagya akong nakaharap sa kanya. Tinignan niya si Patricia nang masama.
"Stop it."
Nagtaas ng kilay si Patricia. "Bakit? Ano 'to? Ahasan?!"
Magsasalita na sana ako nang may nagsalita sa likuran namin ni Tj na ikinabigla ko... o naming lahat?
"Kung may ahas man dito, malamang ikaw 'yon. Mapagbalat-kayo ka kasi."
Naglakad siya palapit sa 'min at nakita ko siyang ngumiti sa 'kin. Isinabit niya 'yong kamay niya sa akin at tinapik naman si Tj sa braso.
"Just visiting Tomuel. Let's go? I'm hungry." At hinila na ako.
Wait... what was that?
Naramdaman ko ang pagsunod ni Tj sa likuran namin pero hindi rin nakataas sa pandinig ko ang boses ni Patricia.
"Jay, wait! Pinuntahan kita rito tapos iiwan mo ako?" Wala akong narinig na sagot mula kay Tj pero kinakahaban ako samantalang si Jhonalyn parang wala lang sa kanya.
"Hindi mo na ba ako mahal?!" narinig ko pang muling sigaw ni Patricia at sabay kaming napahinto ni Jhonalyn nang marinig naming sumagot si Tj.
"I hate you."
"You hate me? Edi mahal mo pa ako!"
At bigla na lang nagtubig ang mga mata ko sa hindi ko malamang kadahilanan. Narinig ko ang pagmura ni Jhonalyn at mabilis siyang napabitaw sa 'kin para puntahan si Tj o para sabunutan si Paticia? Hindi ko alam. Nawala na naman ako sa wisyo.
"Hoy! P'wede ba? Tigilan mo na ang pinsan ko? Gold digger!"
"Excuse me?!"
Hindi ko na pinakinggan pa ang usapan nila o ang away nila. Hindi ko alam kung bastos pa na umalis na lang ako ro'n basta-basta. Pakiramdam ko kasi hindi ko kinakaya. 'Yong katotohanan pa lang na minahal ni Tj si Paticia, parang ang sakit na. Paano pa kaya kung mahal niya pa rin 'yon hanggang ngayon? Mas masakit. Pero, gaya ng sinabi ko, wala akong magagawa.
Kung sana hindi ganito ang sitwasyon ko ngayon baka ipinagsigawan ko pa sa mukha ni Patricia na hindi na siya karapat-dapat para kay Tj. Pero, baka tanungin niya lang ako kung ako ang deserve kay Tj, baka wala akong maisagot, dahil alam ko, hindi ko rin ang taong para sa kanya. Masakit pero 'yon ang totoo.
Naniniwala na talaga ako sa kasabihing, 'Truth really hurts' Dahil sa kaso ko, it is indeed... hurt. Hindi ko alam kung makaka-ahon pa ako sa sakit. Wala na rin akong ibang magawa kun'di ang maglakad palayo. Literal. Emosyonal.