KABANATA 10.
TO BE HONEST, hindi ko naman talaga siya kailangan. Hindi ko kailangan ng isang Tomuel Jay Marquez sa buhay ko. Pero, may kung ano'ng pwersa na nagsasabi sa akin na siya-kailangan niya ako. Kailangan niya ng isang tao, ng isang kaibigan at akala ko magiging ako 'yon.
Ilang akala na nga ba ang nasabi ko? Sa dami na hindi ko na mabilang-bilang. Sa dami ng mga unexpected na pangyayari, hindi ko na alam kung makakapaghanda pa ba ako sa mga p'wede pang mangyari.
Sabi niya wala siyang pakialam sa kahit na sino-pero ano 'to? Bakit siya may kasama? At nagtatawanan sila? At mukha siyang masaya at bakit mas lalo akong nabobother sa nakikita ko? At bakit gano'n, pakiramdam ko nabetray ako. Ginawa ko naman lahat para maging kaibigan niya. Kahit na sinisigawan niya ako, dinedeadma, wala akong pakialam. Siguro, mayro'n pero binabalewala ko lang 'yon kasi may goal akong gustong managyari. Ang maging kaibigan siya. Masama ba 'yon?
O, baka tama nga siya sa sinabi niya no'ng isang araw nang sinubukan ko siyang kausapin?
"Tj! Tj! Tj!" sunod-sunod ang pagtawag ko sa pangalan niya habang nakita ko siyang naglalakad pauwi. Nasa likuran na naman niya ako at hinahabol siya. Hinila ko 'yong strap ng bag niya para mapaharap sa akin.
"Ano ba?!" inis niyang sagot pero ngumiti lang ako.
"Tj," pagbanggit ko ulit pero mas lalong sumama ang tingin niya sa akin.
"'Wag mo akong tawagin sa pangalan 'yan," puno nang inis ang boses niya pero ngumiti lang akong muli.
Ngiti lang Lem, ngiti lang.
"'Yon ang gusto kong itawag sa iyo. Bear with it," nakangiti ko pa ring sagot na para bang boss niya ako. "Atsaka gusto rin kitang maging kaibigan."
Naningkit ang mga mata niya pero nakakunot pa rin ang kanyang noo, akala ko aalis na siya pero nagsalita siyang muli. "Ganyan ka ba talaga? Hindi mo ba alam ang salitang 'ayoko' at 'hindi ko gusto' Mahirap bang tanggapin ng utak mo?"
Napalunok ako sinabi niya at biglang may kumirot sa puso ko. Hindi ko alam kung napangiwi na ba ako pero pinilit ko pa ring ngumiti. Pasok sa isang tainga, labas sa kabila. Ganyan nga Lem, magbingibingihan ka.
"Hindi. Pero, gusto talaga kitang maging kaibigan," matapang kong sagot sa kanya.
"Hindi lahat ng gusto mo mangyayari. Stop acting like a spoiled brat."
Spoiled brat? Baka tama nga siya. Spoiled brat ako. Na lahat ng gusto ko kailangan matupad. Na lahat ng gusto ko kailangan mangyari. Buong buhay ko, halos lahat ng gusto ko mabilis na naibibigay sa akin. Pero, sabi ko nga 'halos' ibig sabihin hindi lahat. Pero, gano'n pa rin 'yon. Pinilit kong ngumiti, kahit na nasasaktan ako sa mga katotohanan sa mga salitang binitawan niya no'ng isang araw na ngayon ko lang napagtanto. Tama siya.
Akala ko mabuti na akong tao dahil hindi ako nangmamaliit ng kapwa ko. Na kahit na ano'ng estado ko sa buhay hindi ako tumingin sa iba, na nasa itaas ako, sila hindi. Pero, nagkamali ako. At tama siya, na sa ibang anggulo at aspeto, mali na pala ang ginagawa ko.
'Wag pilitin ang ayaw. Kailangan ko 'yan itatak sa isip ko simula ngayon.
Pero, kailangan ko 'tong gawin. Kailangan ng matapos 'to para makabalik na ako kay Steven sa loob ng bahay nila Ate Lina. Naglakad ako palapit-sa kanya- sa kanila. Humakbang ako hanggang sa makarating sa mismong pwesto nila. Tumabi 'yong kasama niya samantalang nakita ko siyang napasulyap sa akin pagkatapos ay ibinaling na ro'n sa kasama niya.
This is freaking hard and I don't know why!
Lumunok ako habang naririnig ko pa rin ang pagkukwentuhan nila sa gilid ko. Tila, may sarili silang mundo at sila lang ang nag-eexist sa lakas ng mga boses nila. Ayokong maging istorbo pero kailangan kong magsalita para hindi ako magmukhang tanga rito sa gilid nila.
"Hm, excuse me," halos pabulong kong sabi na hindi ko alam kung narinig pa niya - nila. Nang mukhang ako lang ang nakarinig, inulit kong muli ang sinabi. "Excuse me," sabi ko sa mas malakas na boses. Bakit ganito? Pakiramdam ko nauubos ang kaluluwa ko tingin nila. Nang nakita kong naghihintay sila ng susunod kong sasabihin nagsalita akong muli. "Pabili po." Sabay tingin ko sa mga tindang nasa harapan.
Nakita kong hindi inaalis ni Tj ang tingin niya sa akin kaya't mas lalo kong pinukos ang paningin ko sa harapan, sa mga tinda nila. Pakiramdam ko nahihilo ako na hindi ko alam kung bakit. Mabilis din ang tibok ng puso ko, kinakahaban ako pero bakit? Alam ko sa sarili ko na mabilis akong nerbyosin pero parang iba 'to. Mas mabilis. Mas intense. Hindi ko alam pero baka sa mga tingin niya? Naiintimidate pa ako? Hindi ko alam. Nabablangko ako.
"Ano?" Mabilis akong napalingon nang nagsalita siya. Nakita niya siguro ang pagkabigla sa mukha ko dahil parang nakita ko siyang napangisi, maliit pero visible. Napalunok akong muli.
Lem, nasaan ang dila? Magsalita ka!
Kinakapos ako ng hininga. Huminga ako ng malalim at pinilit ang sarili kong ngumiti. "Ikaw.." halos pabulong kong sagot at kampante ako na hindi niya narinig pero halos sumabog ang mukha ko sa hiya nang magsalita 'yong kasama niyang babae."Tomuel, ikaw daw o, selos ako!" Natatawa niyang giit. "'Di ba akin ka lang?"
"No!" mabilis at medyo malakas kong giit na ikinabigla nila. Tinignan ko 'yong babae at ngumiti sa akin. Nakasuot siya ng crop top, skinny jeans at vans. Napangiti akong lalo, she's pretty lalo na sa hair style niya na kulot-kulot sa dulo. "Sorry, baka nagkamali ka lang ng dinig."
Nakita kong biglang nanliit ang mata niya at tila sinusuri ako kaya't bahagya akong napa-urong dahil sa atensyon na ibinibigay niya sa akin.
"You look familiar," bigla niyang giit.
Napalunok akong muli habang hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa akin. Gusto ko ng tumakbo. Gusto ko ng umalis dito. Gusto kong takpan ang mukha ko. Pamilyar ako sa kanya? Paano at bakit? Hindi kaya... Hindi. Hindi p'wede. Hindi maari.
"Marami talaga akong kamukha," giit ko sabay baling muli ng paningin sa mga tinda. "Pabili na ako, pakibilisan lang kung p'wede, nagmamadali lang."
Tila nanigas ako nang magsalita si Tj bigla.
"Paano ko bibilisan kung hindi ko naman alam ang bibilhin mo," sabi niya at naglakad papasok do'n sa gate nila at pumasok na ng tuluyan sa kanila. In no seconds, nakita ko na lang siya na nasa loob na ng tindihan.
"Pabilhan ako ng-"
Nabigla ako nang isara niya 'yong butas gamit muli 'yong karton no'ng una akong napunta rito. Kumunot ang noo ko.
"Sarado," rinig kong sabi niya.
Napangiwi ako at hindi ko alam kung bakit ko sinuntok 'yong karton, nayupi 'yon na ikinagulat namin. Maging 'yong babae kanina gulat na gulat na hindi inaasahan ang ginawa ko. Maging sarili ko hindi ko maintindihan.
"Hayan bukas na. Pabili!" halos pasigaw kong giit.
Hindi ko alam kung bakit umiinit ang ulo ko ngayon. Nakakainis. Naiinis ako. Bakit ganito? Yumuko ako at tinignan ko do'n sa may butas.
"Pabili na ako. At 'wag ka ng magtakha, ikaw na mismo ang nagsabi na spoiled brat ako. Na lahat ng gusto ko kailangan mangyari. You get me? What Lemarie wants, Lemarie get," punong tapang kong sabi at muli kong inilibot ang paningin sa mga tinda. Wala na akong pakialam. Kailangan ko talaga mabili no'n. Nang ibaling ko ang paningin ko sa kanya nakita ko lang 'yong seryoso niyang ekspresyon. "Pabili ako ng... pabili ng napkin with wings."
PL 10 END.