XX. The warning

94 2 3
                                    

KABANATA 20

SANA madali na lang para sa mga taong may sakit na sabihin sa mga taong nakapaligid sa kanila ang mga salitang... 'I am dying' Sana gano'n na lang kasimple ang lahat. Sana hindi natin silang makitang umiyak. Sana kahit iwanan natin sila magagawa pa rin nilang mga masaya na para bang walang nangyari. Sana gano'n na lang, ang kaso sa realidad, hindi gano'n kadali. Hindi gano'n kasimple. Dahil ang mga tao, likas na emosyonal.

Na kahit pa sabihin sa kanila na masaya sa langit—o kung sa langit man mapupunta ang lahat, hindi pa rin nila kaagad matatanggap. Hindi pa rin nila tayo kaagad bibitawan kahit 'yong buhay natin unti-unti ng nabuubos na para isang kandila.

Nong bata ako nadiagnose ako dahil sa sakit ko—brain tumor. Akala ko maayos na ang lahat. Akala ng mga magulang ko, okay na. Not until months ago—bumalik ulit 'yong tumor sa utak ko. Gusto nilang pagamot ako ulit, ako lang ang may ayaw. Dahil gusto ko si Daddy ang gumamot sa 'kin, dahil alam ko hindi niya ako papabayaan. Kaso hindi pa siya liscense na nuerologist, kaunting panahon pa bago niya makuha ang lisensya niya kaya't nasa amerika siya.

Hihintayin ko naman siya, e.

Hindi naman ako susuko.

"Pakiramdam ko buong buhay ko para akong nasa isang adventure. Kailangan makasurvive araw-araw. Kailangan hindi ako sumuko para sa sarili ko at para sa kanila. Pero, alam mo minsan nakakapagod din, e. Kahit ayokong mapagod, napapagod ako." Tinignan ko siyang seryosong nakatingin sa kalangitan, "Naranasan mo na ba 'yon?"

Dahan-dahan siyang tumingin sa 'kin. "Naranasan ko ng mapagod."

"Mapagod tungkol saan?"

Inalis niya muli 'yong tingin niya sa 'kin at tumingin ulit sa palubog na araw. "Sa mga tao. Sa mga taong nakapaligid sa 'kin. Pakiramdam ko kasi lahat sila niloloko ako."

"Tj..." 'Yon lang ang tangi kong nasabi. Natahimik ako. Napalunok habang nakatingin lang sa kanya. Habang naka-upo siya sa tapat ko. At kung paano niya ibinaling sa 'kin ang paningin niya. Tagos sa puso. Biglang nangilid ang luha sa mga mata ko. Dahil pakiramdam ko--- niloloko ko siya.

"Sawang-sawa na ako sa mga taong manloloko Lemarie. I had enough. Dahil 'yong mismong taong minahal ko, niloko ako."

Pinigilan ko 'yong pagpatak ng mga luha sa mata ko—kahit mahirap, kinaya ko. Ayokong umiyak sa harap niya. Ayokong ipakitang naguguilty ako. At ayokong ipakita na nasasaktan ako sa mga sinasabi niya.

Kinagat ko 'yong ibabang labi ko at tumayo na mula sa pagkaka-upo ko sa bench sa gilid sa may tindahan nila. Nagpa-alam na ako sa kanya at hindi naman niya ako pinigilan. Pumunta lang naman ako ro'n kanina para magpa-alam kay Steven. Pinagreresign na kasi ako ng mga magulang ko sa pagtutor dahil sa nangyaring pagkahimatay ko no'ng isang araw.

Wala naman na akong nagawa kun'di ang umoo.

Lumipas ang araw medyo naging mahigpit sa 'kin si Pinsan. Hatid-sundo niya ako. Maging si Rhannalyn, binabantayan ako sa school.

"Rhannalyn, ayos ako. Please, let's get back to normal."

Kanina niya pa tinanong kung ayos ba ako, kung may gusto ba ako at ibibili niya raw ako ng pagkain kapag break time. Honestly, I appreciated her and her efforts, pero hindi niya kailangan gawin 'yon at ayaw ko ng gano'n lalo pa't nakakahalata na sila Olly at Jona sa pagbibigay sa 'kin ni Rhannalyn ng special treatment.

"Lem, nag-aalala lang kami sa 'yo-"

"Alam ko. Thank you. Pero, Rhannalyn sana maintindihan mo naman na gusto kong maging normal 'yong buhay ko. Ayokong maging VIP, kaya nga ako nandito para maging simple lahat, e." Hinawakan ko 'yong kamay niya at pinisil. "'Di ba? Please... tigilan mo na."

Niyakap niya naman ako at niyakap ko rin siya pabalik.

"Lem," pagtawag sa 'kin ni Olly habang nagkaklase. Tinanong ko siya kung bakit pero wala siyang sinabi at binigay lang sa 'kin 'yong isang papel na nakatupi. Tinignan ko siya pero nakangiti lang siya.

Umiling ako at binuksan ko na lang 'yong papel.

'Can I borrow you?'

Kumunot 'yong noo ko at tinignan ko lang si Olly habang busy sa pagsusulat. Hindi ko na lang muna siya kinausap at nagsulat na lang din ako. Pagka-alis ng instructor namin, tinanong ko kaagad si Olly habang nagliligpit ng gamit.

"Kanina galing 'to?" sabay pakita ko ng papel na binigay niya kanina.

Ngumiti siya ulit, at tinapak ako sa braso. "Una na ako Lem. Good bye. Ingat ka." Sabay takbo niya palabas ng room. Nabunggo niya pa nga 'yong iba naming kaklase habang palabas sa kakamadali.

Napa-iling na lang ako at itatapon ko na sana 'yong papel sa tabi trash bin sa may tabi ngunit nagulat ako nang may sumakop sa kamay ko. Para akong nakuryente dahil do'n at nang tinignan ko kung sino.

"Itatapon mo na lang ba?" tanong niya.

"H—Ha?"

Ngumiti siya pagkatapos ay binuksan ang palad ko na hinawakan niya kanina, kinuha ang papel sa loob at siya na ang nagtapon no'n sa may basurahan.

"The letter, it's from me."

Napatango ako at nailang na kinuha ang bag ko at isang libro ko. Lunch break na namin ngayon at medyo nagugutom na ako dahil kumakalam na 'yong sikmura ko.

"A, okay," 'yon na lang 'yong nasabi ko dahil hindi ako sanay na kinausap niya ako kapag nandito kami sa school. Usually, tango lang no'ng mga nakaraang araw pero iba ngayon. Hindi ko alam kung bakit.

"Can I borrow you?"

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Nabigla din ako nang kinuha niya ang libro ko. At hinawakan ako sa may pulsuhan. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Dahil sa mga oras na 'to, alam ko nararamdaman niya ang malakas na pintig ng puso ko.

"S-Saan ba?" tanong ko pagkalabas namin ng classroom.

Napatingin na rin sa 'min ang iba at binigyan nila kami ng makahulugang tingin na hindi naman pinapansin ni Tj.

"Someone wants to meet my friend," sabi niya habang naglalakad kami palabas ng school.

Tinanong ko siya nang nasa labas na kami ng school premise. Huminto siya no'n at tumingin sa 'kin.

"Sino naman ang gusto akong makilala?"

Hindi ko alam pero para akong hihimatayin sa kaba habang nakatingin sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong natatakot sa sasabihin niya.

"The one I loved." Shit. Napamura ako kaagad sa isip ng sinabi niya 'yon. Para akong naistatwa sa narinig ko at pumasok sa isip ko ang mukha ng babae na nakita ko na katawanan niya sa may tindahan nila no'n at kasama niya sa may perya noon kina Olly. Bakit ganito? Parang pinapatay ang puso ko. Parang mauuna pang malibing ang puso ko kesa sa 'kin.

Not until he continue talking.

"...back then. The one I loved back then."

Para akong tanga na hindi ko na alam ang ginagawa ko dahil bigla ko na lang siyang niyakap. At ang hindi ko ineexpect sa lahat ng yakapin niya ako pabalik. Para kaming magboyfriend-girlfriend na nagPPDA sa harap ng school.

"Tj..." sambit ko habang nakayakap pa rin sa kanya.

"Why?" he asks me.

Ngumiti ako kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata ko. "Sabihin mo ng feeling ako. Pero may gusto sana akong hilingin."

"Ano?"

Humigpit ang yakap ko sa kanya at alam kong naramdaman niya 'yon. "This may sound cliche' but please... don't you fall for me because if you do, I might break you and I don't want that to happen."

I just gave him a warning.

For what? Para ipahiya ang sarili ko o para magkahint siya sa kung ano'ng mayro'n sa buhay ko?

Gusto ko na lang matawa sa sarili ko. Para akong tanga. Ano ba 'tong mga pinagsasabi ko? Hindi ko na maintindihan maski ang sarili ko. Can't I just take a rest from all these thoughts? Can I?

PL 20 END.

Late update. Sorry. Just busy on school stuff. Happy september. It's my month. Yeeeeey. <3

Probinsya Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon