KABANATA 21
LIFE is something that we are so blessed to have and experienced. But being alive is something we have to work hard for. In this world, sometimes we may think life is unfair, but it isn’t. Nasa tao lang naman ‘yan kung paano ihahandle ang mga struggles at obstacles na paparating. Nasa tao lang naman kung paano papagaanin ang pamumuhay sa mundo.
Minsan kasi ang mga tao, kaunting problema lang bibigay na kaagad o kaya magagalit sa sa mundo. Hindi tulad ng mga taong sobra-sobra ang problema pero nagagawa pa ring lumaban. I’m not saying that I am brave enough o kaya iboost ang ego ko na—may sakit ako, e, pero nagagawa ko pa ring ngumiti at mamuhay na para bang wala.
I’m just looking at the positive sides at good vibes lang.
Kasi gano’n naman talaga dapat.
Pero, siguro, hindi lang talaga pare-pareho ang mga tao sa mundo.
Me and Tj is different. Very different indeed to the fact that I yelled at him. For the first time. Nainis ako pero hindi galit.
“Bakit mo ginawa ‘yon?” tanong ko habang tinitignan ang batang itinayo ko sa pagkakatumba dahil sa pagtulak ni Tj. Umiiyak na ‘yong bata. Kakatapos lang namin kumain and supposedly, imemeet ko ‘yong taong minahal niya no’n. Pero, hindi nakapunta sa kadahilang hindi ko alam at hindi na importante sa akin ngayon.
Tinignan langa ko ni Tj na para bang hindi makapaniwala.
“I hated that kid. Manloloko.”
Kumunot ang noo ko at tinignan ‘yong bat na umiiyak pa rin. Halos magtago na nga sa likod ko dahil sa takot kat Tj. Pinagtitinginan na nga kami ng iba dahil sa ginagawa naming eksena. Lumuhod ako nang matapos bumunot ng pera sa wallet ko at binigay ro’n sa bata. Nagpasalamat siya at nagtatakbo na palabas.
“Tj, hindi mo dapat sinigawan at tinulak ‘yong bata dahil lang sa hindi mo gustong bigyan ng tulong. P’wede mo namang daanan sa magandang paraan hindi sa gano’n.”
Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya habang nakatingin sa ‘kin. Nakatayo kami sa gilid ng kalsada. Papasok na sana kami nang lumapit ‘yong bata at nanghihingi ng tulong.
“Ba’t ka ba nagpapaniwala sa gano’n? Lemarie, ‘yong mga batang gano’n. Manloloko sila. Lalapitan ka dahil may gusto sila!”
Umiling ako at napa-urong. “Why are you so judgemental?”
“Base from experienced,” sagot niya at diretsong tumingin sa mga mata ko.
Dahan-dahan akong napangisi at tumango dahil sa sinabi niya. “I get it.” Nakita ko ang pagtatakha sa mukha niya dahil do’n kaya’t nagsalita akong muli, “Siguro, ganyan din tingin mo sa ‘kin noon kaya ka lumalayo sa tuwing kakausapin kita. Na tuwing lalapit ako sa ‘yo sisigawan mo na ako kaagad, dahil akala mo may kailangan ako sa ‘yo kaya kita gustong maging kaibigan. Gano’n ‘yon.”
Gusto kong maiyak sa sagot niya. “Hindi ba?”
Pero, pinigilan ko ‘yong luha ko sa pagpatak. “Ano bang akala mo sakin mang-gagamit?” tanong ko na hindi niya nasagot, “Ano bang mapapala ko sa ‘yo? Ano bang mapapala ko sa mga sigaw at sakit ng pananalita mo? Wala. Gusto kitang maging kaibigan. Tapos. No hidden agenda.”
Nakita kong ibinuka niya nang bahagya ‘yong bibig niya at tila may sasabihin ngunit isinari rin kaya’t nagsalita akong muli.
“Siguro may mga bagay na hindi ako sinasabi. May mga bagay na hindi mo alam tungkol sa ‘kin. Pero, sana... itatak mo sa isip mo na lahat tayo rito, may sari-sariling pinagdadaanan. Kung may problema ka ‘wag kang mandamay ng iba dahil hindi lang ikaw ang may problema.”