KABANATA 8.
KUNG p'wede lang mabura sa mundo, ora mismo, nagvolunteer na ako. Mabilis ang pagtibok ng puso ko. Sana nakagat na lang pala sana ako ng aso na 'to kesa sa mga titig ni Tj na para na akong sinesentasyahan dahil sa hindi ko sinasadyang pagsipa sa ulo no'ng aso na 'yon. Pakiramdam ko kakailangan ko ng abugado para ipagtanggol ako.
Krimen ang saktan ang mga hayop, alam ko 'yon. Pero, hanep lang. Self-depense ang ginawa ko. Against sa human rights ang basta-basta ka na lang atakihin ng wala ka namang ginagawa.
Huminga ako nang malalim nang tuluyan ng nakalapit sa amin si Tj. Maingay pa rin ang aso na tila mas nagalit pa sa akin.
Yumuko siya at kinuha ang aso na ngayon ay biglang tumahimik na. Hanep, ano'ng akala ng aso na 'to kay Tj? Anghel? Pero, sabagay mukha nga naman siyang anghel basta 'wag na lang siyang magsalita.
Tatalikod na sana siya no'n nang magsalita ako.
"S-Sorry," giit ko at dahan-dahan nang bumaba mula sa pagkasabit ko sa gate nina Ate Lina. Inayos ko 'yong sarili ko bago ko siya muling tinignan, nakatalikod siya pero nakahinto mula sa pwesto niya kanina.
Halos tatlong hakbang lang ang layo namin sa isa't-isa.
"Hindi ko sinasadya, a? 'Yong aso mo kasi bigla na lang akong sinugod-"
"Why so defensive?"
Napahinto ako at kumunot ang noo sa sinabi niya. Pero, hindi ko napigilan ang magulat dahil ang hinahon niyang magsalita ngayon. Hindi na siyang sumisigaw. Hindi rin galit ang boses niya. Infact, it was so nice to hear his voice. Bakit parang ngayon ko lang na-aappreciate ang boses niya?
This time around, his voice is so calm.
Akala ko magsisigaw na naman siya dahil sa nangyari pero hindi. Kabaliktaran ang nangyari. Hindi siya galit. Himala.
"Hindi ako nagiging defensive, nag-eexplain lang ako-"
"Yeah, right," putol niyang muli atsaka na siya naglakad papunta sa tapat. Do'n sa may tindahan, do'n sa bahay nila.
Spell Tj? Oh, God... I can't! Ang hirap niyang espelelingin. I can't really get him. Pero, on the brighter side, 'yong suspense mood kanina naging light. I think, It was a good thing. Siguro, napagod na siya sa pagiging halimaw dahil sa pagbabantay sa sari-sari store nila. Naubusan ng energy.
Sana pala lagi na lang siyang pagod.
Naging okay naman ang mga sumunod na araw ko. Nagsimula na rin akong magtutor kay Steven. Tuwing WTF ako pumupunta sa kanila pagkatapos ng klase ko. Sa bawat araw na 'yon, hindi ko nakikita si Tj na lumalabas ng bahay nila. Which didn't surprised me bigtime, sa school pa lang halata ng ilag siya sa mga tao. And that fact making me curious, as in. Bakit siya gano'n? May parte sa akin na gusto kong malaman pero may parte sa akin na 'wag na lang.
Sometimes, I really don't understand myself.
Pero, masyado siyang introvert and-wait, bakit ko ba kais pinoproblema?
Napalingon ako nang may kumulbit sa akin. Nakangiti siya no'n tapos pinakita niya 'yong notebook niya. May drawing na hindi ko maintindihan kong ano. Pero, may pakpak. Ipis siguro 'to. Pero, bakit naman magdo-drawing si Steven ng ipis?
"Ate! Ate! Look at my drawing. It's a dragon." Halos maduling ako nang inilapit niya pa sa mukha ko 'yong notebook na may nakaguhit na 'dragon' daw. Akala ko talaga ipis 'yon. Ngumiti ako kay Steven at pinat 'yong ulo niya.
"Very good Steven. Keep it up," sabi ko. "But for the meantime, you have to practice the letter A." Kinuha ko 'yong notebook niya tapos nagsulat ako ng malaking letter A. "You get me?"
"Yes po! Yes po!"
Napangiti na lang ako sa boses niya. Lalo na kapag nag-eenglish siya, hindi pa siya gano'n kagaling sa pronouncation pero maiimprovement naman 'yon sa mga susunod na araw. Sabi ni Ate Lina, turuan ko na rin daw mag-english para madaling na lang makacope-up paglaki. Wala naman akong nakitang mali ro'n.
Sabi nga nila, 'You have to be globally competitive'.
Nang matapos na kami sa pang-limang session namin. Pina-uwi na ako ni Ate Lina. Binabaunan niya pa nga ako ng biko gawa niya. Syempre, hindi na ako tumanggi. Nagbabye na sa akin si Steven. Madali kaming nagkapalagayan ng loob no'ng bata na 'yon. Pareho kasi kaming makulit.
Paglabas ko ng gate nila habang hawak-hawak ang isang tupperware. Tumingala muna ako, tinignan ko 'yong kalangitan. Napangiti ako nang makitang madaling kumikinang na bitwin sa langit. Sounds cliche' but I love stars. Para kasing sinasabi ng mga bitwin na 'yan, na may pag-asa pa. It feels good to believe, really.
Maglalakad na sana ako nang mapatingin ako sa tapat. Nakabukas pa 'yong tindahan nila. Pinagmamasdan ko lang at hindi ko alam kung bakit ako naglakad palapit-palapit nang palapit hanggang sa hindi ko namalayan na nasa gitna na pala ako ng kalsada at halos mamatay ako sa kaba nang may bumusina na lang nang sunod-sunod sa akin at nasisilaw ako sa ilaw na nanggagaling sa sasakyan na 'yon.
Hindi ako makalagay sa sobrang gulat, may komusyon akong narinig, hanggang sa maramdaman ko na lang na may humila sa akin at halos tumilapon kami ro'n sa gilid sa lakas ng impact. Hindi ko na rin maramdaman 'yong tupperware sa kamay ko.
I'm trembling. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari kahit na nagsisigaw na 'yong may-ari ng sasakyan. Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan. Basta ang alam ko lang mabilis ang pintig ng puso ko. Sa takot? Siguro.
Nang tila bumalik na ako sa wisyo may humila sa kamay ko para tumayo. Nang iangat ko 'yong tingin ko nakita ko siya- si Tj.
"Akala ko ba mas may kwenta ang buhay mo sa akin? Bakit ka nagpapakamatay?!" mariin niyang giit at hinawakan ang braso ko. "Nababaliw ka na bang babae ka?" Mas humigpit ang hawak niya sa braso.
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nabablangko ako. Hanggang sa namalayan ko na lang na walang humpay ang pagragasa ng luha sa mata ko. Hindi ko mapigilan. Hindi ko alam kung paano pipigilan.
Nang nakita ko 'yong mukha ni Tj, 'yong ekspresyon niya, bigla akong nasaktan. Nasaktan na nakikita ko na naman ang gano'ng ekspresyon. Nakakatakot.
Huminga ako nang malalim at pinilit na magsalita kahit na garalgal ang boses ko. Kahit na nahihirapan ako.
"I-I'm sorry," mahina kong giit at kinagat ang ibabang labi.
Nabigla na lang ako nang bigla niyang hawakan ang bewang. Nanlaki ang mata ko nang makitang ang lapit ng mukha niya. Hanggang sa maramdaman ko na lang na may kinuha siya sa bulsa ng pantalon na suot ko.
Panyo.
Inilahad niya 'yon sa kamay ko at walang pasabing naglaka pabalik sa kanila. Nang pasadahan ko ng tingin ang bahay nila, naguluhan ako sa nakita. 'Yong yero sa tindahan nila, may yupi na ngayon ko lang nakita.
Napansin ko rin ang paglalakad niya na tila nahihirapan.
What... what just exactly happened?
Naglakad na lang ako palayo kahit na ramdam na ramdam ko ang tingin sa akin ng mga taong nakakita ng insidenteng 'yon. Hanggang sa may narealize ako.
Shit. He saved me!
Why I didn't thank him?!
PL 8 END.