KABANATA 16
KINABUKASAN, paggising ko nang umaga mag-isa na lang ako sa loob ng kwarto ko. Inilibot ko paningin ko bago ako tumayo. Humikab pa ako ng kaunti bago naglakad patungo sa may aircon, pinatay ko ‘yon at ang electricfan na nasa gilid ng kama ko.
Bumaba ako na ako pero habang nasa hagdan pa lang ako rinig na rinig ko na ang tawa ni Naturo wannabe kasama ng magulang ko. Nando’n din sina Tita at Tito. Day off niya ngayong sabado. Nakangiti ako pero hindi ako kaagad na lumapit sa kanila habang nasa sala.
“Toothbrush muna po ako, nakakahiya, e,” sabi ko at natawa sila.
Mabilis akong naghilamos at pagbalik ko naman ay nakisalo na ako sa kanila.
“How’s your sleep?” nakangiti kong tanong sa kanila pagka-upo ko sa tabi ni pinsan. Binigyan niya ako ng plato kaya’t mas lalo akong natuwa. “Bait, a?” pagbibiro ko.
“Nandyan parents mo, e,” sagot ko kaya’t inirapan ko na lang siya. Nabaling ang atensyon ko nang magsalita si Daddy.
“Great honey,” sabi niya habang nakangiti at kitang-kita ko sa mga mata nila na masaya silang makasama akong muli.
To be honest, these past few months lang naman sila medyo naging busy nang sobra. Kaya nga ginusto kong rito muna magstay kina pinsan, dahil may inaasikaso sila, hindi naman ako nagrereklamo dahil do’n kasi para sa akin naman ‘yon.
Nang magtanghalian na umuwi na rin sila dahil hindi naman gaanong maluwag ang schedule nila. Babalik pa sila ng States, dahil hindi pa rin tapos ang inaasikaso nila ro’n. Bukod sa bussiness mayro’n pang iba.
Inalala ko pa ang sinasabi sa akin ni Daddy kanina.
“Honey, when we get back here, you’ll be going with us. Alright?”
Pinilit kong ngumiti sa akin at gusto kong makita niyang naiintindihan ko ang sinasabi niya. “When?” mahina kong tanong.
Niyakap niya naman ako, “Soon. After that everything will be alright, just trust me my princess. And please take care of yourself.”
Hindi lingid sa kaalaman ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko, sa tuwing pag-uusapan ang bagay na ‘yon hindi ko magawang hindi maging emosyonal. Hindi ko alam kung tama pa ba ang mga naging desisyon ko nitong mga nakaraang buwan na pananatili ko rito. Pero, isa lang ang alam ko, nag-eenjoy ako. At alam ko na isa ‘yon sa mga kailangan ko.
“I trust you Dad, I trust you very much,” suminghap ako at pinilit na ngumiti. “I love you both. Take care!” kumaway pa ako bago sila sumakay sa van na pinadala nila kahapon do’n sa isang driver namin.
“Hey!” napalingon ako kay pinsan nang tawagin niya ako nang paakyat na ako sa loob. Hinintay ko ‘yong sinasabi niya sa akin. “Someone’s back.”
Kumunot ang noo ko at nilapitan siya. “Who?”
“Patricia,” tipid niyang giit.
“Patricia?”
Tumango naman siya at inalala ko ang nagmamay-ari ng pangalan na ‘yon. At nang maalala ko kung sino siya, ‘yong kaklase ko sa dati kong school sa Manila. Hindi ko namalayan na napa-ikot na pala ‘yong mga mata ko, sa inis siguro?
Napatingin ako kay Naturo wannabe nang matawa siya. Nakita niya siguro ang reaksyon ko.
“Hindi mo man lang ba igegreet ang favorite friend mo?” nang-aasar niyang tanong kaya’t umismid akong muli.
“Nah, I won’t waste my time on her.”
Natawa na naman siya lalo. “Ang taray mo.”
“Hindi ako mataray. Makulit ako, sa sobrang kulit, mali ang kinaibigan ko noon. Gets? Akyat na ako. Umiinit ang ulo ko, baka kumulo at hindi mo magustuhan.”