VI. That one word

125 5 2
                                    

KABANATA 6

KUNG MAGKAKAROON man sa school ng award para sa pinakatahimik na tao, malamang si Tj na 'yon. Hindi ko rin talaga siya makuha, hindi ko rin alam kung bakit pinoproblema ko pa 'yong buhay niya. When in fact, I don't have to. Wala na nga raw kaming dapat pakialaman kaso hindi ko maiwasang mapa-isip kung ano 'yong mga pinagdadaanan niya sa buhay.

Para siyang galit sa mundo. Kung p'wede na lang niya sigurong kitilan 'yong buhay niya baka matagal na niyang ginawa.

"Lem, una na ako, a? Thank you talaga!"

Uwian na namin at nabigla ako ng halikan ako sa pisngi ni Olly pagkatapos nagtatakbo na siya roon sa sakayan ng dyip patungo sa kanila. Napangiti na lang ako dahil ilang araw na siyang nagpapasalamat sa akin dahil doon sa sapatos. Medyo nahirapan pa akong magpaliwanag sa kanya kung paano ko 'yon nabili, kasi ang mahal daw at sa manila pa 'yon available. Gumawa na lang ako ng kwento, buti hindi na siya masyadong nagtanong kasi sobrang natuwa siya.

Medyo madilim-dilim ang paligid dahil mukhang uulan pa kaya't hindi na ako nagsayang pa ng oras at naglakad na ako pauwi sa bahay nina pinsan. Kaso nahinto rin ako nang may makita akong taong naka-upo ro'n sa gilid ng daan at mga lalaking nagtatakbo palayo. Nang makilala ko kung sino 'yon, nanlaki ang mata ko.

Tahimik siyang tao, pero bakit napapatrouble pa rin siya?

Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ko at nilapitan ko siya. Inangat niya 'yong ulo niya at nakita kong nagdurugo 'yong gilid ng mata niya. Pinagtulungan ba siya no'ng mga tumakbo kanina?! Pero, bakit hindi siya lumaban? Hindi niya ba kayang ipagtanggol ang sarili niya?

Mabilis kong inilabas sa bulsa ko 'yong panyo ko. Medyo, unfair kasi kapag kailangan ko 'yong panyo nawawala na lang bigla pero kapag iba ang nangangailangan hindi nawawala. Inilahad ko 'yon sa harapan niya pero tinabing lang niya.

"'Wag ka ngang maarte!" giit ko. "Dumudugo mukha mo! Concern lang ako kahit masama ugali mo," sabi ko at napakagat na lang ng ibabang labi.

Tinignan niya ako ng masama at tumayo kaso nabigla ako nang natumba siya bigla. At doon ko lang napansin na may bahid ng dugo 'yong uniform niya sa bandang tyan. Mabilis ko siyang nilapitan at pinilit na ginising pero hindi niya minumulat 'yong mata niya. Sobra-sobra ang kaba sa dibdib ko at takot. Hindi ko alam ang gagawin ko, nagpapanic na ang sistema ko hanggang sa maramdaman ko ang patak ng ulan.

"Tulong! Tulungan niyo po kami!" sumigaw na ako at nakita kong nagsisitakbo na ang ibang tao para may masilungan. Palakas nang palakas ang ulan, kumukulog na rin nang sobrang lakas pati ang manaka-nakang kidlat. Sigaw lang ako nang sigaw pero parang hindi ako naririnig ng mga tao dahil sa ingay ng ulan. Basang-basa na kami pareho at nakikita kong nahahaluhan ng kulay pula ang tubig ulan sa pwesto namin.

Malamig ang malakas na patak ng ulan pero parang hindi ko maramdaman dahil sa sobrang kaba sa dibdib ko. Nakakatakot ang ganitong pakiramdam, ayoko nang ganito.

Malapit na akong mawalan ng pag-asa nang may isang tricycle driver ang lumapit sa akin. Tinanong niya ako kung ano'ng nangyari pero hindi ko siya masagot. Ang tanging nasabi ko na lang ay...

"Tulungan niyo po kami." Gamit ang nanginginig kong boses.

At hindi ko maiwasang maiyak sa sitwasyon. Hindi kami close ng taong 'to dahil ayaw niya sa akin. Ayaw niya sa lahat. Ayaw niya sa mundo pero kahit na gano'n hindi niya pa rin deserve ang ganito. Hindi siya p'wedeng mamatay. Hindi ko alam kung oa ba ako o paranoid pero ang daming dugo, pati ang kamay ko may bahid na ng dugo na nanggaling sa kanya.

Nakakatakot ang ganitong sitwasyon. Paano na lang kung hindi ko siya nakita? Sa ugali niya alam kung hindi siya hihingi ng tulong sa iba. Pakiramdam ko wala ng halaga sa kanya ang buhay niya kung kaya't hahayaan na lang niya 'yong sarili niya.

"M-Manong salamat po, a?" sabi ko roon sa nagmamaneho ng tricycle driver na nagdala sa amin sa pinakamalapit na ospital. Nasa loob na ng operating room si Tj. Basang-basa pa rin ako pero binigyan ako ng kumot no'ng isang nurse nang makita niya ang istura ko. Nakabalot ito ngayon sa katawan ko habang naka-upo sa may bench sa gilid.

Ngumiti sa akin ni Manong at naalala ko na kailangan ko siyang bayaran, malamang nasira ang pasada niya dahil sa amin. Kinuha ko 'yong bag ko na basa na rin, buti na hindi gano'ng nabasa 'yong sa loob. Waterproof kasi ang bag ko binili ni Mommy galing sa states. Bag ko pa 'to sa dati kong school. Hindi na kasi ako nagpabili ng bago pa. Kinuha ko 'yong wallet ko at naglabas ng limang daan. Inabot ko 'yon kay Manong. No'ng una ayaw niya pa ngang kunin pero pinilit ko siya. Kung hindi siya huminto sa harapan namin no'n baka ano ng nangyaring masama. O baka tuluyan ng maubusan ng dugo si Tj. Nakakatakot lang. Nakakatakot isipin.

"Lemarie!" napalingon ako sa pangalang tumawag sa akin. Halos patakbo siyang lumapit sa akin at hindi ko na napigilan ang sarili ko nang niyakap ko siya. Niyakap ko si pinsan nang mahigpit at naiyak na lang ako bigla.

"Kuya I'm sorry... ngayon alam ko na kung ano'ng-" hindi ko matuloy-tuloy ang sinasabi ko dahil sobrang emosyon. Naramdaman ko na lang na hinagod niya 'yong buhok ko at paulit-ulit niya akong pinapatahan.

Tinawagan ko siya kanina dahil alam kong nag-aalala na sya dahil hindi pa ako umuuwi. Pero, hindi ko nagamit 'yong telepono ko dahil hanggang ngayon hindi ko pa nachacharge, kaya't 'yong telepono ni Tj ang ginamit ko. Kinuha ko roon sa bag niya pero binalik ko rin naman matapos kong tawagan si pinsan. Akala ko nga sira kasi basang-basa na rin 'yong bag niya pero gumana pa naman. Hindi naman din siguro siya magagalit dahil do'n.

Minsan nakakabwisit talaga ang buhay pero marerealize mo ang halaga nito kapag muntik ng mawala. Sana.. sana lang marealize 'yon ni Tj. Pero bakit gano'n? Parang wala namang epekto sa kanya. Ilang linggo na ang nakalipas simula no'ng nangyari 'yon. Ilang linggo rin siyang hindi nakapasok sa school dahil doon pero ngayon namang nandito na siya ulit at okay na. Parang dumoble 'yong pagiging tahimik niya at ilag sa mga tao. Sabi nga nila, live your life to the fullest 'di ba? Pero, parang hindi niya alam ang kasabihin na 'yon.

At isa pa, nakulong na 'yong mga sumaksak sa kanya. It turned out na, 'yong mga lalaking 'yon napagtripan siya pero hindi siya lumaban. Hindi ko alam kung bobo ba siya o ano. Pero, siguro nga masyadong malakas 'yong mga lalaking 'yon kaya wala na siyang nagawa pa. Hindi naman kasi gaanong malaki ang katawan ni Tj, normal lang para sa edad namin.

Kinamusta siya ng iba pero dalawang salita lang 'yong binibigkas niya. 'Ayos lang' Ayos nga ba siya? Mukhang hindi, e. Hindi ko rin siya binalak na kausapin dahil alam kong hindi siya sasagot o pagtatabuyan na naman niya ako.

"Tomuel, kumusta ka na? Sama ka samin mamaya kung gusto mo. Birthday ko kasi, kaunting kasiyahan ba," rinig kong aya ng kaklase namin sa kanya.

Nasa may bandaling likod sila, nakikinig ako pero hindi ako lumilingon. Pinilit kong pakinggan 'yong sagot niya pero wala akong narinig. Deadma na naman siguro siya. Wala na naman siyang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanya.

"Olly, bakit kaya may mga taong gano'n, 'no?" bigla kong sabi kay Olly habang hinihintay namin 'yong Instructor namin sa last subject. Tinignan niya naman ako nang may pagtatakha no'n.

"Ang alin ba?"

"Hindi marunong mag-aapreciate," sabi ko.

Ngumisi siya no'n. "Si Tomuel ba ang tinutukoy mo? Ilang araw mo na 'yang pinoproblema. Move on na girl."

"Alam mo kasi may mga bagay na dapat ipinagpapasalamat, hindi 'yong tipong-" Nahinto ako sa pagsasalita nang may bigla akong narinig sa may likuran ng upuan namin. Kumunot pa nga ang noo ko dahil hindi ko alam kung kanino boses 'yon, parang madalang ko lang marinig at nang marealize ko kung sino 'yon dahil naglakad siya sa harapan namin palabas ng pinto.

Pakiramdam ko nahulog ako sa kinauupuan ko.

Did he... just thanked me?! As in, si Tomuel Jay Marquez, nagpasalamat sa akin?

That one word!

'Thanks.'

Parang paulit-ulit na nagpaplay sa utak ko 'yong isang salitang 'yon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hahabulin ko ba siya? Susundan ko ba siya sa labas para magsabi ng... 'Welcome?'

PL 6 END.

Probinsya Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon