XVII. Breathe

98 6 4
                                    

KABANATA 17.

"FUCK this shit life!" Nabigla ako nang isigaw niya 'yon na may kasamang pagsipa pa sa lupa. Hindi ko inaasahan pero nakikinig na lang ako sa mga sinasabi niya. Sa lahat ng mga hinaing niya. This is really new.

There are times that we need to be alone para makahinga -sa mga taong nakapaligid sa atin, sa mga problema na tipong wala ng katapusan, sa mga pagkakataon na tila nanadya ang tadhana, sa mundo. In short, sa lahat. Minsan ang sobrang pag-iisip ng mga 'yon, nakakasakal. Tipong tayo naman ang may hawak ng buhay natin pero somehow, nasasakal pa rin tayo. Weird but true. That's why there are times that we need to breathe it all out. Sige, hindi na lahat, kahit kaunti lang, basta umaandar. Basta may patutunguhan. Because at the end of the day, we still need to live.

"B-Bakit?" tanong ko.

Naramdam ko ang paglingon niya kahit hindi ko siya tinitignan. Katamtaman lang ang ihip ng hangin at presyo sa balat. Parang lahat ng bad vibes itatangay ng hangin. Sana gano'n na lang kadali. Na dapat sa isang iglap, wala ng negative vibes.

Madilim ang paligid ngunit may liwanag na nanggagaling sa sinag ng buwan at sa isang poste sa 'di kalayuan. Bilog na bilog 'yong buwan. Kitang-kita ko mula sa swing na kinauupuan namin, nasa may public playground kami sa may bayan. Another cliche' scene. Pero, ayos lang. Kahit na kanina pa nagbavibrate 'yong cellphone ko dahil sa pagtawag at pagtext ni pinsan, ayos lang. Ayos lang kahit mapagalitan ako.

As if end of the world naman kung masermonan ako ng kaunti pagka-uwi ko. Feeling ko kasi, itong kasama mo, emo ngayon, or emo na talaga siya noon pa lang? Hanggang sa may bigla pumasok sa isip ko.

"Ang weird. Bakit ngayon ko lang naisip?" sabi ko ulit nang hindi siya sumagot sa tanong ko.

"Alin?"

Ngumiti ako nang bahagya habang sinuswing ko 'yong sarili ko. Mahina lang. Tapos, nagsalita na ako.

"Kasi hindi ko talaga alam kung bakit gusto kong mapalapit sa iyo no'ng una pa lang, alam mo 'yon? Clueless ako sa mga dahilan ng mga action ko. Feeling ko tuloy nasasaniban ba ako?" tapos tumawa ako pero hindi siya nakisabay. Panira ng joke si Koya.

Inihinto ko 'yong pag-galaw ng swing.

"So, what's your point?"

"Ang point ko ay pointless. Clueless nga ako 'di ba?" sabi ko pero nakita ko sa gilid ng mata ko na umiling siya kaya nagsalita ako ulit. "Hindi mo ba gets?"

Tumingin siya sa akin, "Paano ko magegets kung wala naman sense sinasabi mo?"

Hindi ko alam kung matutuwa ako kasi sobrang honest niya o masasaktan sa pagkaprangka niya.

"Ouch ah," biro ko, "Ganito kasi 'yan, sabi ko 'di ba no'ng una 'di ko talaga alam 'yong dahilan kung bakit gusto kitang maging kaibigan. Hanggang sa dumating 'yong point na, parang alam ko na kung bakit. Pero, 'yong weird do'n kasi, gusto kita... I mean, gusto kong mapalapit sa iyo pero hindi naman kita talaga kilala. Gets mo na?"

Natahimik siya no'n, tapos sumagot din, "Oh, tapos?"

Oh, tapos?

Oh, tapos?

Oh, tapos?

Seryoso ba siya? Ang haba no'ng sinabi ko, a! Tapos 'yon lang sagot niya? Sabagay, si Tomuel Jay Marquez 'yan! Ilag sa tao. Tamad magsalita. Laging galit at syempre kaibigan ko. Wow. Kinakarir ko na talaga. Hanep.

"Ako 'yong oxygen mo," medyo malakas kong sabi na parang ikinabigla niya. Kumunot 'yong noo niya pero nakatingin pa rin sa gawi ko. "Kasi alam ko na gusto mong huminga tungkol sa mga bagay-bagay, sa paligid mo, sa buhay mo, sa lahat, sa mundo. Pero, wala ka ng oxygen kasi naubos na. Nagsawa na. Nababasa ko 'yon sa mata mo, e. Kaya siguro hindi kita mapakawalan kahit na ang hirap mong maging kaibigan. Minsan, naisip ko baka kailangan ko pa talagang magpasa ng bio data para lang masabi ko mismo mo mukha mo na 'Hoy Tj! Qualified kaya ako!' Gano'n!"

Probinsya Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon