XXII. Irony

101 5 1
                                    

KABANATA 22

IRONIC. Nag-uumpisa pa lang pero nawala na kaagad. Tipong palabas sa telebisyon na kapag hindi pumatak sa manunuod, ititigil na kaagad. Magkakaro’n na kaagad ng ending. Hindi ba’t nakakaloko? Hindi ba’t nakakasakit ng loob? Sabi nga nila, happy lang walang ending. Paano kung hindi na happy? Paano kung masyadong ng masakit? Mas mabuti na lang bang itigil para hindi lumalim ‘yong sugat?

In my case, hindi pa man lumalalim ‘yong pagkaka-ibigan na mayro’n ako sa kanya—sa kanila, masakit na. Paano pa kaya kung mas malalim ‘yong pagsasamahan namin? Baka hindi na ako makabangon sa sakit.

Nakakatawa lang, literal akong mas masakit at mayro’n pang isa. Hindi ba talaga ako tatantanan ng pasakit? Hindi ba ako p’wedeng mamuhay ng normal sa mundo ng matagal? Do I really deserves this? As far as I remember, wala akong ginagawang masama. Wala akong ginagrabyado pero nagkaganito ang lahat.

Pero, hindi ko rin naman maitatanggi na may kasalanan ako kahit papaano. ‘Yon nga lang, naging iba ang interpretasyon nila. Masakit na talikuran ka ng mga taong pinagkakatiwalaan mo base sa pagtimbang nila sa mga bagay-bagay.

“Naglihim ako. But it doesn’t mean, I am a bad person.” Pinunasan ko ‘yong luha sa mga mata habang nakatingin kay Olly, “You know me. Olly, kung sino ‘yong nakilala mong Lemarie, ‘yon ako. Estado lang ‘yong pinagbago pero hindi ko intensyon na iparamdam sa ‘yo kung ano man ‘yong naramdaman mo. Hindi ko ginusto na maging gano’n ang dating sa ‘yo.”

Blanko ang mukha niya habang na sa ‘kin ang direksyon ng mukha niya. Nakita ko na dahan-dahan siyang ngumisi.

“Wala akong panahon para sa mga dramang ganito Lem. Mas mabuti pa na ‘wag mo na lang akong kausapin. Nakakarindi na. Nakakasawa. Hindi rin naman ako makikinig, e.”

Napakagat ako ng ibabang labi nang tinalikuran niya ako. Halos ilang araw ko ng sinusubukang makipag-ayos sa kanya. Siya lang ‘tong lumalayo. Siya ‘yong ayaw na. Nakakalungkot lang talagang isipin na, siya ‘yong una kong naging kaibigan dito tapos biglang nagkagano’n.

Sa bawat pagpasok ko sa klase para akong nasa gubat at nawawala. Nangangapa ako. Hindi ko na alam kung paano pa ako gagalaw kung dalawang tao galit sa ‘kin. Pakiramdam ko ang sikip-sikip na ng mundo ko.

Nang matapos ang klase, nagmadali akong lumabas ng classroom dahil hinihintay na ako ni Pinsan sa may labas ng school. Si Rhannalyn naman natanaw ko na sa labas ng classroom ko. Kumaway siya sa ‘kin nang nakita ko siya sa corridor. Ngumiti ako. Pero, hindi ko lang alam kung totoo pa ba o pinepeke ko na lang ang sarili ko.
“Ay putek.” Halos masubsob ako sa mukha ni Rhannalyn nang may tumulak sa ‘kin. Paglingon ko nakita kong naglalakad na si Olly paalis. Tinignan ko si Rhannalyn nang maramdaman ko ang pagmura niya. Akmang susugurin si Olly buti na lang nahawakan ko ‘yong kamay niya.

“Rhanz, kalma.”

Lumingon siya sa ‘kin, “Kalma? Lem! Paano ako kakalma? Tinulak ka niya! Paano kung naalog na ang utak mo nang sobra-sobra? Edi disgrasya ang abot ko kay Laurence?!”

Hindi ko alam kung sinabi niya ‘yon para matawa ako pero effective kasi kahit papaano. May kaunting tawa na nagpakawala sa labi ko.

Pinigilan ko na lang siya no’n at sabay na kaming naglakad palabas ng Campus. Kahit papaano kumalma na siya pero hindi pa rin mapigilan ang bibig niya sa pag-rant.

“Nakakainis lang kasi. Parang hindi totoong kaibigan ‘yon, e!” sabi niya nang nakasakay na kami sa kotse ni Naruto wannabe. Pareho kaming nasa likuran habang si pinsan ang nagdadrive.

“Hayaan mo na Rhanz, galit pa rin sa ‘kin, e,” sagot ko at nakita ko siyang napabuntong hininga.

Samantalang tahimik lang si Naruto wannabe habang nagdadrrive habang papunta kami sa bahay nila Rhannalyn para ihatid siya. Palaging ganito ang scenario namin ilang araw na rin ang nakalipas.

Probinsya Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon