IV. The City Girl

190 7 2
                                    

KABANATA 4.

"HOY SANDALI!" habol kong sigaw kay Tj nang makita ko siyang naglalakad. Sige na nga, hindi ko siya nakita talagang sinundan ko siya. Pero hindi rin, pareho lang naman kami ng direksyon, e.

Patakbo akong palapit sa kanya. Nauuna na naman siya sa akin, maglakad. Tinawag ko pa siya ng ilang ulit pero hindi naman siya lumilingon. Nagbibingi-bingihan ba siya o talagang deadma lang siya. Wala na naman siyang pakialam sa mundo.

Nang maabutan ko na siya hinila ko 'yong braso niya at pwersahan kong pinaharap sa akin. Una kong napansin 'yong iritable niyang reaksyon at biglang sumama ang tingin niya sa akin kaya't iniwas ko 'yong tingin ko.

Hindi ko pa rin talaga siya magawang titigan nang matagal sa mata.

"'Wag mo nga akong hawakan," mariin niyang giit sabay alis ng kamay ko sa braso niya nang marahas. Maglalakad na sana siyang muli nang hawakan ko siya ulit pero nabigla na lang ako nang naitulak niya ako kaya't mabilis akong napa-upo sa lupa.

Nakita kong napahinto pa ang ilang tao sa daan nang makita ang pagbagsak ko. Napapikit ako nang makaramdam ako ng pagkahilo. Ang lakas naman nitong manulak. Kulang na lang magkandalasog-lasog ang katawan ko.

"Sinabi ko sa iyong 'wag mo akong hawakan, e," rinig kong sabi niya kaya't napa-angat ako ng tingin.

Hindi ko inasahan ang mga sumunod na nangyari. Bigla na lang din siyang bumagsak sa tabi ko at nang tignan ko pumutok ang labi niya. Mabilis akong napatayo nang may humila sa akin.

"Ayos ka lang ba?"

"Ayos lang ako, 'no! Ano'ng ginagawa mo rito? Bakit bigla ka nalang nanununtok d'yan, a!" bulyaw ko kay pinsan nang bigla na lang siyang nag-ala Manny Pacquiao.

"Pinagtatanggol lang kita. Ano ka ba naman Lem, babae ka! Hindi ka dapat sinasaktan. Hindi nga kita pinapadapuan ng lamok, e," sabay tingin niya kay Tj na ngayo'y nakatayo na rin. Nakita kong may kaunting dugo sa labi niya.

"Hoy, ayos ka lang ba?" tanong ko pero hinila na ako ni Naruro Wannabe papunta roon sa nakapark na sasakyan sa di kalayuan. Ito 'yong kotse niya, pinilit niya akong pumasok sa loob. Magpupumiglas pa sana ako kaso wala na akong nagawa nang tignan ako nang masama ni pinsan.

Pina-andar na niya 'yong sasakyan no'n pero ako nakatingin lang kung saan namin iniwan si Tj.
"Bakit mo pa tinitignan 'yon? Pasalamat siya 'yon lang ang natanggap niya sa akin. Kung may nangyari sa iyo-"

"Okay, Kuya tama na! Salamat," pagputol ko sa kanya. "Pero, seryoso 'di mo naman kailangan suntukin 'yon, e. Ako naman may kasalanan, kinukulit ko kasi siya."

"Kasalanan mo man o hindi, hindi dapat siya nanakit ng babae," sagot niya sa akin.

"Hindi niya 'yon sinasadya," giit ko.

"Teka nga, crush mo ba 'yon?" bigla niyang tanong kaya't mabilis akong umiling.

"Hindi 'no!" sabay irap ko. "P'wede ba, tigil-tigilan niyo na ako sa crush crush na 'yan. Alam mo namang hindi p'wede, masasaktan lang ako."

Ngumisi siya no'n pero parang may ibang kahulugan. Hindi ko na lang masyadong pinansin nang magsalita siya.

"Aysus, nagdrama pa!" aniya sa akin. "Pero seryoso, 'wag kang papayag na inaapi ka. Dapat ako lang nang-aapi sa iyo," sabay tawa niya ng mahina.

Ngumiti na lang ako pero parang naging ngiwi ang kinalabasan no'n. Akala ko uuwi na kami kaso iniliko niya 'yong sasakyan. Tinignan ko siya na puno nang pagtatakha ang ekspresyon ng mukha ko.

"Where are we going?" bigla kong tanong.

Sinulyapan niya ako pagkatapos ay natawa siya nang bahagya. "Adventure?" patanong niyang sabi kaya't nanlaki ang mga mata ko. Mabilis akong umiling nang paulit-ulit sa kanya.

Probinsya Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon