VII. Genre of her life

137 5 5
                                    

KABANATA 7.

NASABI ko na ba na maraming namamatay sa maling akala? Akala ko 'yong pagpapasalamat niya sa akin, magiging okay na kami. Pero, hindi, e. Assuming din ako minsan. Nag-assume na ako kaagad, 'yon na ang pagsisimula ng pagkakaibigan namin. Pero, wala, e. Maybe... just maybe he doesn't really need anyone.

Pero, kung titignan sa ibang anggulo, no man is an island. So, hindi rin 'yon. Baka naman ayaw niya lang talaga? Ayaw niya ng kaibigan pero bakit? Isang malaking bakit ang naglalaro sa isipan ko ngayon. Kahit ano'ng isip ko ng mga posibleng sagot hindi pa rin ako sigurado. Tanungin ko kaya? Pero, asa naman ako na sasagutin niya ako.

Sandali, nagugulo na naman ang isip ko sa kanya. Bakit ko ba siya iniisip? May sarili pa akong problema pero nag-iisip ako ng bagay na hindi ko naman dapat problemahin. Tama... tama, 'wag muna siyang isipin. Alam kong mahiwaga siya pero hindi naman siya puzzle na kailangan kong isolve.

"Lem, sigurado ka ba?" tanong sa akin ni Naruto Wannabe habang nakatingin sa akin na para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ko sa kanya.

Binigyan ko muna siya ng isang ngiti bago tumango. "Oo, mukha ba akong nagbibiro?"

"Pero, ikaw? Magtatrabaho? Bago 'yon!" sabi niya kaya't napasimangot ako kaagad. "Alam mo naman sa bahay niyo, prinsesang-prinsesa ka! Hindi talaga kita magets minsan, alam mo 'yon? Ano'ng klaseng isip mayro'n ka ba?"

Tinignan ko siya. "Alam mo Naruto Wannabe, kung ikaw 'yong mga nakaranas ng mga pinagdaanan ko. Maiintindihan mo rin ako."

Biglang nagseryoso 'yong mukha niya no'n. "Gusto mo ba talagang humanap ng part time?"

Mabilis akong napangiti at tumango. Sabi na, e. Hindi ako matitiis nito. Binigyan niya ako ng isang papel na may address ng isang bahay. Doon daw may trabaho na available. Puntahan ko na lang. Hindi ko pa alam kung ano pero isa lang ang alam ko hindi ako magrereklamo kung ano'ng trabaho ang ibigay sa akin dahil gusto ko 'to.

Buong buhay ko hindi ko naranasan magtrabaho. No'ng bata pa ako hindi gaanong normal ang buhay childhood ko dahil home study ang pag-aaral ko no'n. Hindi ako pinapalabas, muntik pa akong mahuli sa pag-aaral buti na lang nakahabol ako. May mga pangyayari lang kasi talagang nagpabago ng pananaw ko sa buhay kaya ganito siguro ako mag-isip.

I want to try something different. And that different thing will leave a lesson that I won't forget. Gusto kong sumubok ng bago. Gusto kong magkaroon ng maraming experience sa buhay. Gusto kong lumalim ang kaalaman ko sa iba't-ibang bagay sa mundo.

And, it already started when I moved here in province. Ilang buwan pa lang ako rito marami na akong natutunan. Marami na akong naexperienced. Masarap mamuhay ng simple 'yong tipong pantay-pantay. Walang lamang o walang nasa ilalim. Wait, why I'm so deep?

Kinabukasan hawak-hawak ko 'yong papel na binigay ni pinsan habang naglalakad-lakad. Sabi niya pa nga sasamahan niya ako pero humindi ako. Hindi na ako bata 'no! Pero, kahit na sobrang protective sa akin ang mokong na 'yon, mahal ko 'yon! Iisa lang yata sa mundo si Naruto Wannabe.

Diretso lang naman 'tong address na nakasulat sa papel sa may bahay nila pinsan. So, nilakad ko na lang at magtatanong-tanong na lang ako sa mga tao ro'n kapag hindi ko nahanap 'yong mismong bahay.

Huminto ako ro'n sa tabi no'ng isang tindahan, sari-sari store. Medyo malaki nga sa pangkaraniwang tindahan.

Itinapat ko 'yong mukha ko ro'n sa butas, err.. 'yong square na butas, parang window. Kung saan idadaan 'yong bayad at binili. Hanep. Ganito lang 'di ko maexplain nang maayos.

Magsasalita pa lang sana ako no'n kaso nabigla ako nang biglang sumara, tinakpan 'yong butas ng karton. May nakasulat pang 'close' ro'n gamit ang marker.

Probinsya Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon