KABANATA 25
SABI nga sa kanta ni Ed Sheeran, loving can hurt sometimes. Hindi naman kasi ‘yon maiiwasan. Pero, sa mundo... hindi lang pag-ibig ang p’wedeng makasakit. Kun’di ‘yong mga desisyon na hindi firm. Hindi pinag-isipang mabuti. Tulad ng mga salita—na basta na lang lumabas sa bibig. Hindi iniisip kung may masasaktan ba o ano.
Siguro, dahil sa galit? O sa sobrang emosyon?
Siguro nga gano’n ‘yon.At siguro nga ganito ‘yon. Sa mga masasakit na salita, mauuwi ang lahat. Sa mga salitang hindi masyadong pinag-isipan pero isinasigaw ng emosyon.
“I told you to save me, but you didn’t.” Seryoso ang ekspresyon ng mukha niya. “Nakiusap ako pero hindi mo ako pinakinggan. Ano’ng klase kang kaibigan?”
Kinagat ko ang ibabang labi ko.
Hindi ako iiyak. Sawang-sawa na akong umiyak.
Huminga ako nang malalim, pero hindi pa rin ako nakapagsalita.
“Naisalba mo na ako kahit papaano noon, humawak ka sa ‘kin nang mahigpit kahit hindi ko gustong kumapit sa ‘yo. Ngayon naman nakikiusap ako na higpitan mo pa ang kapit sa ‘kin, kabaliktaran ang ginagawa mo.” Tumigil siya at tumingin sa mga mata ko. “Binibitawan mo ako.”
Huminga muli ako nang malalim at hinanap ang boses ko.
“Because I can’t hold you anymore. Trust me Tj, kapag napalapit pa ako sa ‘yo nang sobra, mas lalo kitang hindi maisasalba.”
Ngumisi siya. Isang sarkastikong ngisi.
“You can’t hold me anymore?” medyo lumakas ‘yong boses niya, “So why did you fucking held me in the first place?!” Nanlalaki ang mga mata niya at the same time, nakita kong bahagyang may namumuong tubig sa mga ‘yon. “Hindi mo naman pala mapaninindigan pero bakit mo pa pinilit nang sobra? Nakakagago.”
Hinawakan ko nang mahipit ang lalaylayan ng damit ko bago sumagot sa kanya.
“Kasi makasarili ako. Kasi hindi ako nag-iisip. Kasi pakiramdam ko kailangan mo ako no’n at oo tama ka nga siguro Tj... hindi ko kayang panindigan. Bago pa lumlalim ‘yong attachment natin sa isa’t isa. Bibitawan na kita.”
Pakiramdam ko nanghina ako nang may makitang butil ng luha na pumatak sa mata niya. Bahagya pang nanlaki ang mata ko at tila na-istatwa sa kinatatayuan ko.
“Alam mo ba kung bakit ayokong makipag-kaibigan sa ‘yo no’ng una? Because I knew this day will come.” Tumalim ang tingin niya sa ‘kin. “But I took a risk. Dahil nakikita ko kung gaano ka katyaga sa ‘kin. Dahil akala ko iba ka. But I was wrong, wala kang pinagka-iba sa kanya.” Kahit hindi niya sabihin alam kung si Patricia ang tinutukoy niya. “Pareho niyo lang akong sinaktan.”
At para akong binuhusan ng malamig na tubig sa huli niyang sinabi. Ang puso ko, pakiramdam ko nawasak dahil do’n.
“Pero mas masasaktan ka kung-“
“Fuck! Stop saying it. Paulit-ulit. Nakakarindi.” Napa-atras ako nang bahagya dahil sa sigaw niyang ‘yon. Nanginginig na rin ang sistema ko at gusto ko na lang humagulgol ng iyak pero ayokong ipakita sa kanya. “Hindi ka na lang sana nagpumilit na pumasok sa buhay ko kung wawasakin mo rin ‘yong katiting na pag-asa ipinaramdam mo sa ‘kin.” Tinignan niya ako nang matamnam bago niya ako tinalikuran.
Gusto ko siyang habulin. Gusto kong magpaliwanag sa kanya. Gusto kong sabihin lahat, pero hindi ko magawa dahil wala naman akong karapatan. Galit siya sa mundo no’ng una. Binigyan ko siya ng pag-asa para makita na masaya mabuhay pero sa bandang huli, babawiin ko rin pala ang pag-asang ‘yon.
BINABASA MO ANG
Probinsya Love (Completed)
Novela JuvenilIt's not a love story. It's Probinsya Love.