EPILOGUE

207 6 4
                                    

PROBINSYA LOVE

Nagtatakbo ako palabas ng sasakyan para salubungin siya. God knows that this scene is really cliche' pero kahit na gano'n, masaya pa rin ako. Hindi ako makapaniwala na hahabulin niya ako. Hindi ako makapaniwala na pinapahalagahan niya pa rin pala ang pagkakaibigan namin.

Niyakap niya ako kaagad pagkalapit ko.

"Lem, sorry. Lemarie sorry talaga." Iyak lang siya nang iyak sa balikat ko.

Niyakap ko siya pabalik at ngumiti kasabay ng pag-agos ng luha sa mga mata ko. "Okay lang Olly. Naiintindihan ko. Sorry rin a?"

"Hindi ko kasi alam na... ganyan ang kalagayan mo. Hindi na sana kita inaway. Ang childish lang ng ginawa ko. Kairita."

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko naman sinabi sa kanya ang tungkol sa sakit ko at rason ko kung bakit ako nandito, pero bakit...

"Alam mo?" tanong ko.

Tumango siya habang nakayakap pa rin sa kanya. "Sinabi ni Rhanna... sinampal pa nga ako. Ayun nagising." Tapos tumawa siya. "Atsaka, pagkakamali ko naman kasi talaga. Sorry ah? Kumukulo lang kasi dugo ko sa mga mayayaman dahil may history sa pamilya namin na minaliit ng mga katulad niyo."

Hinawakan ko 'yong magkabila niyang balikat nang kumalas na kami sa pagyayakapan namin. Pinunasan ko 'yong mga luha niya.

"Gaya ng sabi ko sa 'yo dati Olly, hindi lahat ng mamayan gano'n ang ugali." Ngumiti. "Pero, masaya talaga ako at napatawad mo na ako." Ako naman ang yumakap sa kanya. "Thank you Olly, a? Ikaw ang kauna-unahan kong kaibigan dito. Hindi kita makakalimutan."

"Kainis. 'Wag kang magsalita na para bang namamaalam kana." Hinigpitin niya ang yakap sa 'kin. "Ipagdadasal kita Lemarie. Pangako 'yan."

Napangiti ako at tumingin sa kalangitan.
I guess, this is really it.

Nagpa-alam na kami sa isa't isa at sumakay na ako sa sasakyan ni pinsan. Kinawayan ako ni Olly at tinanguan ko naman siya.

"Baka naman may hahabol pa?" biglang sabi ni pinsan kaya't napalingon ako sa kanya. "Maghintay muna kaya tayo rito ng lima pang minuto?" pagbibiro niya.
Ngumiti ako. "Hindi na 'yon."

Naningkit ang mga mata niya. "Paano mo nasabi?"

Pinanatili kong nakangiti ang sarili ko. "Nararamdaman ko." Huminto ako at bumuntong hininga. "Nararamdaman ko na rito na natatapos ang lahat." Tumingin ako kay pinsan na diretso sa mga mata. "Ang pagsusungit. Ang panyo. Ang bola. Ang pagkakaibigan. Ang playground. Ang Probinsya." Ngumiti akong muli at inaya ko na siyang umalis.

Endings aren't really an ending. It's a new beginning. It's a new hope. New hope for new life and love. Staying here in Probinsya is something I will treasure. I've learned a lot and that's the most important matter: learning and growing in own mistakes, because it will make us a better person someday.

Probinsya...
Wala man love story na naganap at wala man masyadong kilig moments gaya ng ibang kwento.
This Probinsya is indeed a LOVE.

It's Probinsya Love.
Dahil nag-uumapaw ang pagmamahal nila sa 'kin. Ang magulang ko, si Tita Laura, si Naruto Wannabe, si Olly, si Rhannalyn.... at si Tomuel? I don't know. But I guess, malalaman ko rin 'yan kapag okay na ang lahat.

Basta ngayon... haharapin ko muna ang pilit kong tinatakasang sitwasyon ko.
I'm a positive kid. I'll continue being postive until the end.

TOMUEL'S POV

"You've got to be kidding me!" I shouted, full of annoyance. Napatayo pa ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya.

Ako? Sa probinsya? Fuck. Katapusan na ng mundo!

Probinsya Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon