II. Tomuel Jay Marquez

244 10 7
                                    

KABANATA 2.

SABI NILA tayong mga tao, lalo na ang mga babae, madaling magpatawad. Madaling maawa at kaagad na lumalambot ang puso kaya hindi tayo gaano nagtatanim ng galit sa iba. Sandali, applicable pa 'yon sa lahat? Siguro hindi, pero at least 'di ba? Ang kaso paano naman 'yong mga taong nasaktan ka pero hindi ka man lang nakarinig sa kanila ng sorry? Instead sasabihan ka pa ng tanga at kasalanan mo pa raw.

Seryoso ba siya? Si Koya kasi... galit na naman. Well, ano'ng bago 'di ba? Pero, hindi ko kasalanan! Sinipa niya 'yong bola patungo sa direksyon ko kaya tumama sa mukha ko. Pero ano'ng ginawa niya? Nagalit pa. Bakit kaya gano'n? Hindi makatarungan ang mundo minsan.

Pinunasan ko 'yong ilong ko gamit ang likod ng palad ko dahil naramdaman ko ang pagdugo no'n. Dahan-dahan din akong umupo mula sa pagkakahiga ko sa lupa at puma-upo. Napapikit pa ako nang kaunti dahil nakaramdam ako ng pagkahilo pero pinanatili kong mulat ang mga mata ko at tinignan ko siyang nakatayo sa tabi ko.

"I won't say sorry! I didn't do anything wrong! Ikaw 'tong lapit nang lapit sa akin. Kasalanan mo! Tanga ka! Ikaw ang may gawa n'yan sa sarili mo. Kaya p'wede ba? 'Wag ka ng lumapit-lapit sa akin kasi hindi ako papatol sa mga manlolokong gaya niyo!"

Mariin ang pagkakasabi niya 'yon pero halata sa boses niya ang galit. In no seconds, tinalikuran na niya ako at naglakad palayo. Tinignan ko na lang siya habang palayo. Hanep. Hanep talaga. Niloko ko ba siya? O sadyang may problema lang siya? Kung may problema siya bakit siya nandadamay? Hindi pa ako tinulungan. At isa pa, ano'ng patol-patol pinagsasabi niya? Wala akong balak na gawin siyang boyfriend, no! Medyo feeling si Koya, kailangan ko lang naman ng kaibigan dito sa bago kong school. Masama ba 'yon?

Okay fine, suko na ako.

Ayaw niya? 'Di 'wag. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa taong ayaw sa akin. O, well.... sino'ng niloko ko? Sa kulit kong 'to? Pero... basta. Bahala na.

Sa rest room ako kaagad pumunta para maghilamos matapos akong magtampisaw sa lupa kanina. Tampisaw? Seryoso Lemarie? Tampisaw? May ilan-ilan nang tao sa loob pero hindi naman crowded.

Humarap ako kaagad sa may lababo at binuksan ang gripo. Itinapat ko ang dalawang kamay ko sabay pahid sa mukha ko. Namumula ang ilong ko! Nang matapos na ako kumuha ako ng tissue sa gilid at pinunasan ang mukha ko para matuyo. Hindi ko na naman kasi makita 'yong panyo ko. Napapikit ako kasi nakaramdam na naman ako ng pagkahilo, pakiramdam ko namamaga buo kong mukha dahil doon sa nangyari.

"Ang pogi no'n transferee, 'no? Sayang hindi ko siya nakaklase man lang kahit sa isang subject."

"Oo nga friend! Makalaglag panty ang kagwapuhan, 'yong maamo 'yong mukha pero dahil sa peircing sa tainga at messy hair nagiging bad boy ang dating."

"Oo, kaso mukhang 'di nagsasalita. Tipid na tipid daw bawat pakikipag-usap, e. Minsan deadma pa, maswerte ka na raw kapag naka-abot ka ng dalawang salita."

"Baka mahiyain?"

"Ewan ko, tanong ko na lang do'n sa kaibigan kong kaklase siya sa College Algebra mamaya."

Sinundan ko lang ng tingin 'yong mga babaeng 'yon nang lumabas na sila ng rest room. Ang aga e, chismisan nang chismisan. Pero sandali... medyo cliche' na 'yong mga ganitong scenes, e. Transferee, tapos masungit siya ako makulit, tapos magkaka-inlaban kami? Hanep Lem! Ang lawak ng imaginations ko, ano? Pero seryoso, maswerte na raw kung makatanggap ng dalawang salita mula sa kanya.

So, ibig sabihin maswerte ako? Naka-ilan kaya siyang sentence kanina. Pero sandali, it doesn't make any sense.

Natapos na lahat ng klase ko ngayong araw pero hindi ko na man lang nakita si Koya. Hindi siya pumasok, e. Magkaklase kami sa College Algebra, Effective speech at Debate pero ni anino niya hindi ko nakita. Gano'n ba siya kabadtrip sa akin kanina? Ako nasaktan, o! Ako nakipaghalikan doon sa bola pero kung magdissappear naman siya akala mo siya napagsamantalahan no'ng bola na amoy lupa na 'yon.

Probinsya Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon