KABANATA 5.
HINDI ko alam kung maguguilty ba ako o hindi. Hindi ko alam mararamdaman ko, may parte sa akin na gusto ko na lang ipukpok 'yong ulo ko sa pader, pero may parte pa rin sa akin na kasalanan niya. Sana sinabi niya, na may pakialam pa pala siya. Sana nagsalita siya no'ng mga panahon na tinatanong ko siya. Pero, at the end point, kinakabahan ako.
Magagalit ba siya? Aawayin niya ba ako? Sisigawan? Hindi ko alam.
Pagkapasok ko no'ng lunes, hindi ako mapakali. Parang gusto ko ng umuwi pero wala akong laban na sinusukuan well- baka siya ang una sa listahan ng uurungan ko. Pakiramdam ko hindi ko siya kaya. Masyado siyang matigas, parang bato.
Nang pagpunta ko sa classroom ko hindi pa nakabukas 'yong pinto. Asual, maaga na naman ako ngayon. Naglakad na lang ako palayo sa classroom kaso nahinto rin nang may makasalubong ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko dahil sa kanya. Mabilis akong kinabahan sa tingin niya.
Walang ekspresyon ang mukha.
Walang kahit ano'ng nababasa sa mukha niya.
'Yong mga mata niya hindi ko matignan ng diretso kahit na parang nakatuon lang 'yong atensyon ko sa kanya.
Nakasabit 'yong bag pack niya sa likod habang gulo-gulo ang buhok. Kumikintang rin 'yong piercing niya sa kaliwang tainga.
Napalunok ako at umurong nang humakbang siya palapit. Palapit na siya nang palapit at handa na akong masigawan dahil hindi ako nakapasok no'ng byernes. Hindi ko maimagine na siya lang 'yong mag-isang tatayo roon o kung itinuloy niya pa ba kahit mag-isa lang siya.
Pero nabigla na lamang ako nang lagpasan niya ako. Nilapagpasan niya ako na tipong hindi ako nag-eexist sa mundo. Hindi ko alam pero napangiwi ako dahil do'n. Pakiramdam ko nararapat na magalit siya sa akin. Kaya't umikot ako mula sa pwesto ko at hinila ang braso niya.
Otomatiko siyang napalingon sa akin na may gulat na ekspresyon. Iritable niya akong tinignan at tinignan ang kamay ko sa braso niya.
"What?" tanong niya.
Huminga ako nang malalim kahit tinatambol ang puso ko sa kaba. Mabilis akong kabahan sa mga bagay-bagay, hindi ko alam kung bakit. Pero, kahit noon pa ganito na ako. Napaparanoid na naman siguro ako.
"I'm sorry," mahina kong usal pero hindi niya 'yon pinansin. Naglakad na naman siyang palayo kaya't sumunod ako. Wala pang ibang tao rito kun'di kaming dalawa lang. "Sana sinabi mo," giit kong muli pero parang wala siyang narinig. "Sorry kasi hindi ako nakapasok-"
"Shut up," bigla niyang sabi pero tinatagan ko na 'yong loob ko at naglakad ako palapit sa kanya. Nakasandal siya roon sa may corridor, sa harap ng pintuan ng classroom namin. Tumayo ako sa gilid niya at nagsalitang muli.
"Naguguilty lang kasi ako-"
"Bingi ka ba?!"
Naputol na naman ang sinasabi ko dahil sa sinabi niya pero hindi ako nagpasindak kahit mabilis ang tibok ng puso ko. "Kung sa ating dalawa lang naman palagay ko ikaw 'yong bingi. Ilang araw kitang kinukulit 'di ba? Ilang araw kitang tinatanong kung may balak ka pa ba sa activity na 'yon pero nagbibingi-bingihan ka. Sana sinabi mo na may pakialam ka pala-"
Nabigla ako nang humarap siya at marahas niyang hinawakan 'yong magkabila kong braso at parang gigil na gigil.
"'Wag ka feeling, wala akong pakialam sa kahit ano. Wala akong pakialam sa iyo o sa kahit na sino."
Pilit kong tinatanggal 'yong pagkakahawak niya sa akin kasi nasasaktan na ako. Tinatapangan ko lang 'yong ekspresyon ng mukha ko pero gusto kong umiyak. Hindi ko alam kung bakit ngayon pa ako naiiyak.
BINABASA MO ANG
Probinsya Love (Completed)
Ficção AdolescenteIt's not a love story. It's Probinsya Love.