Kabanata 9

47 3 0
                                    

Why?

Why is he doing this??

He is making me confused more. I understand why my friends is actually reminding me to be caution because it can make me feel -- I don't know the word na dapat kong gamitin.

"Bakit ka tulala?" Tanong ng pinsan ko tsaka napatingin sakanya.

"Wala. May nakita lang ako." Palusot ko.

"Tara na. May nakita akong magandang pwede paglaruan doon." Turo nya sa isa pang game dito.

Naglaro sya ng basketball at pinapanood ko lang sya. Pareho kaming nakasuot ng jacket dahil malamig na at mag aalas dose na kaya mas okay kapag naka jacket.

"Tara na balik na tayo." Pang aaya ko sakanya at sumang ayon naman agad sya.

Pagkarating namin ay nag doorbell nalang kami dahil pareho kaming di sigurado kung anong password buti nalang ay may tao pa sa living room.

"Mga lakwatsera at lakwatsero talaga." Natatawang sabi ni tito at dumiretso na ako sa kwarto.

Nagpalit na ako ng damit at pumunta sa kwarto namin ni ate, pinsan ko sa mother side. Humiga na ako tsaka kinuha ang cellphone ko.

Martha:
Nakauwi na kami.

Aerol:
Para lang kayong nasa pilipinas kung maka gala kayo.

Nagtuloy ang usapan namin hanggang sa hindi na sya nag reply mukhang nakatulog na sya tsaka nagbasa nalang ako ng wattpad pero wala pang trentang minuto ay inantok na din ako kaya hindi ko na nilabanan pa.

Mga bandang 7 am ay nagising ako dahil sa mga ingay na hula ko ay galing sa kusina. Hindi muna ako tumayo dahil sinusubukan ko ulit hanapin ang aking antok pero hindi na talaga kaya tumayo na ako.

"Anong oras kayo nakauwi kagabi?" Tanong sakin ni tita.

"12 na din po" Magalang kong sabi at umupo na upuan.

Pagkatapos namin kumain ay nag ayos na dahil may susundo samin na van. Nalate nga lang ng kaunti dahil nagkamali ang driver kala nya ay nandoon na kami sa place na pupuntahan but we are here at the hotel pa.

"My friend, I told you to fetch us to the hotel." Sabi ni tita pagkapasok nya sa passenger seat.

"Yeah, sorry." Paumanhin ng driver na hinire nya.

Nakarating na kami sa burj khalifa not exactly the place pero malapit doon kaya bumaba na agad kami tsaka pumasok sa loob. Expected ko naman na maraming pila pero iba pa rin pala kapag ikaw na mismong nakaka experience. Mga 15 minutes lang kami naghintay dahil dalawang elevator naman ang gamit.

Sumilip agad ako sa labas pagkarating namin sa labas tsaka ako napangiti dahil kitang kita mo talaga ang maraming buildings.

"Tayo ka diyan picturan kita." Sabi ni mommy at sinunod ko agad sya.

Maya maya ay nag ikot na kami at natuwa naman ako sa isang parte dahil glass lang ang inaapakan at kitang kita ang ilalim.

"Mommy dito ka lakad." Natatawa kong pang aasar sakanya.

Well may takot si mommy sa heights kaya kahit tumungtong dito ay di nya talaga kaya.

"Manahimik kaya dyan." Mataray nyang sabi sakin at ngumisi.

Umupo na kami at nag aya sila na i-try ang glass slide kaya hindi ko na ito inatrasan dahil sayang naman ang experience minsan lang.

"Medyo nalula ako." Sabi ko kay daddy.

"Tumingin ka ata kasi sa baba." Sagot nya sakin.

"Ganda kasi."

Pagkatapos namin pumunta ng burj khalifa ay dumiretso kami sa Mall of Emirates para mag miryenda at mamasyal.

"Sis wait lang ah bibili lang ako ng chocolate." Paalam ni mommy at sumama ako sakanya.

Naglalakad kami hanggang sa hindi lang chocolate ang aming nabili pati na rin ang sapatos para kay mama at tito.

"Mas mura pala dito." Rinig kong sabi ni daddy habang nag iikot ako.

Ala singko ng matapos kami sa mall tsaka dumiretso sa yatch. Ito ay pinareserve ni tita para ma experience namin. Habang nakasakay kami ay sumalubong agad ang malamig na hangin.

"Grabe ang saya pala dito." Wala sa sarili kong sabi.

"Taray naka yatch na ngayon." Sabi ni daddy habang naka crossed legs pa.

Pumunta kami sa harapan ng yatch para makita ang dinadaanan. Ang ganda ng mga buildings tapos sinamahan pa ng sunset. Hindi ko sinayang ang pagkakataon at kinuhanan ko ito ng litrato.

Tumagal ito ng mahigit dalawang oras kaya dumiretso na agad kami pauwi dahil 7pm na rin naman kaya maghahanda na kami para sa noche buena.

"Ninang nandyan na po yung order mo." Sabi ko at lumabas naman si ninang sa loob ng kanyang kwarto.

"Sige 'nak, ako na ang bahala dito." Sagot nya tsaka dumiretso sya sa pinto.

Tumambay ako sa veranda kung saan kita ang firework na nanggagaling malapit sa restaurant kung saan kami kumain. Maya maya ay biglang tumunog ang aking cellphone.

Aerol:
Merry Christmas Martha!

Martha:
Merry Christmas din pero mamaya pa ang christmas samin pag 4 na dyan.

Aerol:
Edi babatiin ulit kita mamaya.

Napailing ako sa nabasa pero hindi ko napigilan na ngumiti kasi bago palang sakin yung gumagawa ng effort.

"Kain na tayo." Pag-aaya ng pinsan ko.

Ganon nga ang ginawa namin kumain kami pagkatapos ay naghugas ng pinggan habang ako ay nanonood ng netflix. Bigla naman akong tinawag ni tita, ang panganay sa magkakapatid kila mommy.

"Ano mas magandang sayaw? Papasayaw natin sa tito mo." Tanong nya sakin.

"Spaghetti pababa, spaghetti pataas." Suggestion ko at ayon naman ang sinulat nya.

Hindi ko aakalain na ganon pala ang resulta. Sumayaw talaga si tito kaya tawa ako ng tawa. Pagkatapos ay naglaro kami ng hephep hooray with a twist kaya mas masaya. Sunod ay ang bring me.

"Bring me walis." Sabi ni ninang at nag unahan na agad sila.

Napacross arm nalang ako sa gilid habang pinapanood sila at ang pinsan ko sa sobrang competitive ay muntikan pang madulas kaya natawa ako.

Iba pa rin talaga ang saya kapag marami kayong nag cecelebrate ng pasko at sa ibang bansa pa. Pagkatapos nun ay naghintay nalang kami ng ilang minuto.

"Martha, magpalit ka na ng damit mo kailangan red dahil ayon ang color natin." Sabi ni mommy at nagpalit na agad ako ng t shirt ko na red.

Pagkalabas ko ay nandoon na silang lahat.

"10..9..8..7..6.."

"5..4...3..2..1"

"MERRY CHRISTMAS!"

Sigaw namin at nagyakapan tsaka ko pasimpleng binuksan ang phone ko pagkatapos ng yakapan.

Aerol:
Merry Christmas ulit.

Saktong 12 am nya ako binati dito kahit 4 am na sakanila. He is treating me the way na hindi naman dapat.

Staining your Confused Emotions (Holding You Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon