Hindi ko alam kung anong sumapi sakin pero inistory ko din kaya maraming nag send ng message sakin pero syempre hindi naman lahat inentertain ko. Kaso sila Arwen hindi nagpapigil tumawag pa talaga sa messenger.
"Porket lumipat ka na ng school huli na kami sa balita?" Tampo na sabi ni Arwen.
"Hindi na tayo love nyan." Nagtatampong sabi ni Lauv.
"Kinakalimutan na tayo." Gatong ni Precious at natawa na talaga ako.
"Chill guys. Friends lang kami nun." Pag coconfirm ko sakanila.
"Friends pero may "my girl" pa na nalaman?" Nakataas na kilay na sabi ni Precious.
"Special friend sila." Sagot naman ni Lauv.
"Tama lang yan Kristel, wag kang mag- aassume. Remember what happened last time hmm?" Pagtatanggol sakin ni Arwen.
Pagkatapos kong makipag usap sakanila ay sila Dhanise naman ang kinausap ko. Ganito pala feeling kapag maraming group of friends kailangan hindi sila huli sa balita. Katulad ng sinabi ko kila Arwen ay "friends" lang kami. Kinabukasan naman ng umaga ay kumakain kami biglang lumapit saakin si mommy.
"Nakita ko yung story mo." Sabi ni mommy at napalunok agad ako sa kinakain ko.
"Friends lang po kami." Sagot ko sakanya.
"Pero bakit ganon?" Tanong nya kaya napatingin na ako sakanya.
"Baka naman nagagandahan sya sa teddy bear kaya nya pinicturan." Lame excuse na binigay ko sakanya.
"Nako alam ko na yan." Tsaka sya nag cross arm.
"Papunta ka palang, pabalik na ako." Sabay namin sabi at nag flip hair pa.
"Alam mo naman na hindi kami mahigpit sa iyo diba kasi malaki ka na pero sana i-priority mo muna ang pag aaral mo pero pwede ka naman magkaroon ng manliligaw kung kaya mo talaga pagsabayin kasi ayoko na mangyari sayo yung katulad dati and I saw all your midterm grade. Ang tataas." Nakangiti nyang sabi sakin kaya tumango ako.
I know where she is coming from at naiintidihan ko lahat ng iyon. Pagkatapos kumain ay kumuha ako ng notes tsaka bumaba para mag aral dahil wala naman akong gagawin. Well, mayroon pa akong pinapanood na series pero baka tamarin ako kapag tinuloy-tuloy ko ito.
"Information comes into the neuron through the Dendrites from other neurons. It then continues to the Cell Body – (soma) which is the main part of the neuron, which contains the nucleus and maintains the life sustaining functions of the neuron. The soma processes information and then passes it along the Axon. At the end of the axon are bulb-like structures called Terminal Buttons that pass the information on to glands, muscles, or other neurons."
Kung kaya ko talaga mag aral ginagawa ko. Well ginawa ko kasing hobby na ang pag aaral tutal ay napagod na ako sa puro pahinga.
"Ate, aalis daw tayo sabi ni mommy." Sabi ng kapatid ko.
"Saan daw pupunta?" Tanong ko sakanya.
"Sa Trinoma daw kasama sila tita at ninang." Sagot nya kaya inayos ko na ang mga gamit ko.
"Sige. Hintayin mo na ako. Ayusin ko lang ito."
Pagkaakyat ko ay naligo na ako at nag ayos na ng mabilis para wala na akong gagawin. Nag book na rin sila nung nasigurado na nila na okay na ang lahat. Pagkarating namin sa trinoma ay nandoon na silang lahat. Bumeso ako sa tita at ate ko tsaka pinuntahan ang pinsan ko.
"Tagal na natin hindi nagkita ah." Sabi nya sakin.
"Bebetime kasi kami ng mga readings ko. Hindi na matapos-tapos." Sagot ko at bumuntong hiniga.
My cousin took computer science at PUP well dapat ayon rin kukunin ko kaso trisem pala sa FEU Tech kaya hindi ko na tinuloy pero okay lang kasi nag eenjoy na ako sa psychology.
"Buti pa kami chill lang." Yabang nyang sabi
"Palit nga tayo ng 1 day pa experience kung hindi scam." Suggest kong sabi sakanya
Pumuta na kami sa kakainan namin at magkatabi kami ng pinsan ko well wala namang bago don kaya nagkwentuhan lang kami hanggang sa napagtripan ko ang instagram ko.
"Picture tayo dali." Pag aaya ko sakanya pero umayaw sya.
"Ikaw nalang." Sabi nya pero sinamaan ko sya ng tingin.
Alam naman nya na di sya mananalo sakin kaya nag picture kmi at pinost ko sa dump ko. Well, naka follow sakin ang girlfriend nya pero alam naman nyang mag pinsan lang kami kaya okay lang. Pagkatapos namin kumain ay umuwi na kami at tinignan ang convo namin ni Kaiden at last chat ko ay kanina pero hanggang ngayon ay di pa rin sya sumasagot so iniisip ko na baka may ginawa lang sya.
Pero kinabukasan ng linggo ay wala pa rin akong natatanggap na mensahe kaya inignore message ko nalang sya at nakakasama ng loob pero on the other thought may ginagawa nga pala kaming project baka may itanong sya. Nag aral lang naman ako buomg araw at eto na ang hinihintay ko ang lunes.
"Himala di kayo sabay ni Kaiden." Sabi ni Riana
"Oo nga." Sagot ni Jax.
"Baka maaga pumasok or mamaya pa." I shruggle my shoulder.
"Tara na nga baka malate pa tayo." Sabi ko sakanila.
Natapos ang sunod sunod naming klase at oras na para pumasok sa laboratory namin sa kaklase ko si Kaiden, Harry at Sebastian. Nagbigay ng instruction ang prof namin tsaka ito ginawa pero ramdam ko na umiiwas sakin si Kaiden.
"Ba't kayo nag iiwasan ni Forrest?" Tanong ni Harry.
"Di ko alam sa kaibigan nyo kung bakit ako iniiwasan. Bahala sya." Sagot ko at sinusundan ng tingin si Kaiden habang gumagawa ng experiment.
"Syempre kung ako makakita ng picture na kasama ang babaeng gusto ko tas may kasamang lalaki, magseselos talaga ako." Gatong ni Basti at inakbayan ako.
"Bakit naman sya magseselos? Basti, tanggalin mo nga yung braso mo mabigat." Reklamo ko at sinubukan tanggalin ang braso nya.
"Ayoko nga, pilitin mo ako." Makulit na sabi ni Basti.
"Sebastian, you heard her." Sabat ni Kaiden habang nakatingin pa rin sa ginagawa nya.
"Okay okay." Sabi nya at tinaas pa ang dalawang kamay nya na parang sumusurrender na.
Pagkatapos ng laboratory ay nauna nang lumabas ang tatlo habang nag aayos ako ng gamit.
"Ingat, Martha!" Sabi ng kaklase ko.
"Saan kayo?" Tanong ko sakanila.
"Sa kabila pa kami sasakayan pero diba doon ka?"
"Oo." Sagot ko.
"Kaya mo ba?" Alinlangan nilang tanong.
"Kaya ko ako pa ba." Pero sa loob-looban ko hindi talaga.
Pagkalabas ko ay wala na ang tatlo kaya naisipan ko na umuwi dahil mag 7 pm na at nakakatakot maglakad dito sa recto. Binansagan kasi itong maraming magnanakaw. Sumasabay ako sa maraming estudyante dahil doble ang aking kaba kapag mag isa lang ako lalo na umuwi na sila Riana pati Basti tas yung kasama ko pa ay sa kabila pa ang sakay kasi taga QC pa.
Habang naglalakad ako ay feeling kong may sumusunod sakin kaya binilisan ko hanggang sa may tumutok ng kutsilyo sa tagiliran ko.
"Holdap 'to." Sabi nya at nagsimula na akong manginig sa takot.
BINABASA MO ANG
Staining your Confused Emotions (Holding You Series #1)
Genç KurguHolding You Series #1 Kristel Martha Regacion is a college student. Ang goal lang naman ay makagraduate ng mapayapa pero may di inaasahang dadating sa buhay niya. Malayo sa standard niya. What if pakitaan siya ng motibo or let's just say mixed signa...