Kabanata 23

41 2 0
                                    

Tumayo na ako at tumakbo palabas habang isa-isang tumutulo ang luha ko. Oo nga naman bobo ako minsan na rin naman sinabi sakin yan ni daddy pero sobrang sakit pala kapag sa ibang tao na. Pumunta ako sa garden at umupo doon.

"Bakit ba kasi hindi ako pinanganak na katulad ng tatay ko na matalino talaga atsaka bakit mga kaklase ko naman kaya bakit ako hindi. Ano bang problema sakin? tinatry ko naman best ko." Umiiyak kong sabi.

Okay naman na ako ngayon ah. Umabot na nga ako sa dean lister pero parang kulang pa rin. Parang di pa rin sapat. Maya maya ay tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag na si Kaiden pero hinintay ko lang itong mamatay.

Martha:
Puntahan mo ko sa garden.

Michelle:
Papunta na.

Pagkatapos ng limang minuto ay nakita ko ng papalapit si Michelle at niyakap ko sya ng mahigpit na parang handa ng magsumbong sakanya.

"Anong nangyari?" Concern nyang sabi sakin.

Kinwento ko sakanya lahat ng detalye at wala akong iniwan.

"Bakit akala ba nya perfect sya ah? Nasaan na yun?" Matapang nyang sabi habang nakayuko ako.

Panay panay ang tawag sakin ni Kaiden kaya sinilent ko na ang phone ko.

"Bakit ayaw mong sabihin sakanya?" Tanong nya sakin.

"Ayokong mag away sila ng mommy niya." Sagot ko sakanya.

"Ikaw na pinagsalitaan ng masama pero iniintindi mo pa rin ang kapakanan ng iba." Iling nyang sabi at inangat ko ang ulo ko.

" May point naman kasi atsaka motivation ko yun para makatapos." Natatawa kong sabi at tinitigan lang nya ako.

Nakatingin lang ako sa kalangitan habang dinadama ang malamig na hangin pero maya maya ay nakarinig ako ng yabag kaya napatingin kaming dalawa ni Michelle doon.

"Kanina pa kita hinahanap. Bakit ka umalis? Kakarating mo lang." Mahina nyang sabi at tinitigan ko lang sya.

"Uhmm.. pwede bang bukas nalang tayo mag usap?" Sagot ko sakanya at napakunot ang noo nya.

"Why? Masama ba ang pakiramdam mo?" Nag aalala nyang tanong sakin.

Napatingin naman ako kay Michelle at nakaisip naman ako ng ideya.

"May pag uusapan kasi kami ng kaibigan ko. Diba, Michelle?" Pasaklolo ko sa kaibigan ko.

"Oo. Okay lang bang hiramin ko?" Tanong naman ng aking kaibigan.

"Sure. Balik na muna ako doon pagkatapos ay magpapahinga na rin ako. Answer my call later, okay?" Awtoridad nyang sabi.

"Baka tulog na sila mommy pag uwi ko." Palusot ko.

"Then, answer my texts atleast." Hindi nagpapatalo na sabi kaya tumango ako.

"Nangangamoy iwasan ah pero sino ba yun?" Nakangising sabi ni Michelle habang pinapanood namin si Kaiden paalis.

"Manliligaw ko pero baka patigilin ko na." Walang emosyon kong sabi at buntong hininga nalang ang ginawa ng aking kaibigan.

Kasalungat naman ang nangyari. Hindi ko sinasagot ang mga calls at texts nya. Sinisigurado ko din na maaga ako makakaalis ng bahay at sa school naman sa ibang pwesto ako umuupo at nagpatuloy iyon ng isang linggo sakto ay finals na kaya may dahilan na.

"Nag iiwasan kayo?" Tanong ni Riana.

"Hindi. Kailangan ko kasing mag focus sa finals kasi mag 2nd year na tayo." Pagrarason ko.

Staining your Confused Emotions (Holding You Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon