"Saan po ang certificate of registration mo?" Tanong sakin ng guard.
"Eto po." Sabi ko at inabot ko ang papel.
Pagkatapos ay binalik nq nya sakin ulit at naglakad na papasok pero tumigil ako maya-maya. Nakakapanibago parang bumabalik ako sa pagiging freshman pero parang ganon din naman.
Freshman season 2.
Bagong course. Panibagong tatahakin.
Pagkarating ko sa room ay marami ng estudyante. Madalas nga ay may kausap na yung iba. Sana hindi ako mahirapan na magkaroon ng friends.
"Good morning class, I am Ms. Caroline Jersey Lim your professor in introduction to psychology for this semester. So I know that this sounds so high school but I want you to introduce yourself." Sabi nya at umupo sa upuan nya.
Ganon nga ang nangyari. Nakinig ako sa mga pangalan nila pero nalilito pa rin ako.
"Uhmm.. I am Kristel Martha Regacion. Transferee." Alinlangan ko na sabi.
"From what school?" Tanong ng prof ko sakin.
"Pamantasan ng Lungsod ng Maynila po." Sagot ko agad.
"That is a good school. What did you take from your previous school?" Tanong nya ulit.
"Biology po."
"I bet you are smart because biology to psychology." Nakangiting sabi nya
Kung alam lang talaga nya yung dahilan kung bakit ako nandito sabi ko nalang sa isip ko.
Pagkatapos ng mahihit labing limang minuto ay tapos na mag introduce yourself kaya diniscuss na nya ang syllabus namin.
"We will not start our lecture today but I will give you some basic information. The word 'psychology' is derived from two Greek words, 'psyche',
meaning the mind, soul or spirit and 'logos', meaning to study. These words combined produce the 'Study of the mind'." Pag didiscuss nya habang nakaupo.Nagsulat naman ako agad sa notebook ko dahil bagong buhay na atsaka aim ko din talaga na walang pasang awa na grade para naman worth it yung binabayaran na tuition.
Next naman ang subject namin ay speech communication kaya lumipat na ako ng room dahil transferee ako ay mga subjects na cinredit sakin.
"Speech communication refers to the use of the oral medium of passing information, whether formally or informally, by a speaker to an audience. The information could be a speaker's way to be understood on a topic, building an argument, and evoking emotions among the audience. This type of communication is instrumental to public speaking as it enhances engagement with a live audience regarding a specific topic or a set of topics. Therefore, speech communication is useful in delivering real-time communication to a live audience."
Nakinig lang ako sakanya pero minsan ay inaantok ako pero nilalabanan ko talaga kasi nagbabagong buhay na ako. Pagkatapos ng class ko ngayong araw ay feeling ko deserve ko magpahinga ng isang linggo.
"How's your first day?" Tanong sakin ni mommy.
"It is good po." Sagot ko agad sakanya.
"So may friends ka na?" Sabi nya sakin.
"Uhmm.. may mga nakakausap lang po ako."
"It's okay kasi first day mo palang naman maraming pang araw atsaka ikaw pa ba syempre magkakaroon ka ng maraming friends. Friendly ka remember?" nakangiting sabi sakin ni mommy.
"Syempre ako pa ba." Confident kong sabi.
Kinabukasan naman ay may pasok ulit pero parang mas okay ngayon kesa nung nag aaral ako ng biology kasi mas na eexcite ako ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/355513800-288-k62875.jpg)
BINABASA MO ANG
Staining your Confused Emotions (Holding You Series #1)
Teen FictionHolding You Series #1 Kristel Martha Regacion is a college student. Ang goal lang naman ay makagraduate ng mapayapa pero may di inaasahang dadating sa buhay niya. Malayo sa standard niya. What if pakitaan siya ng motibo or let's just say mixed signa...