Kabanata 31

44 2 0
                                    

Nagtititigan lang kaming apat dito na naghihintay ng may sasagot. Hindi ko naman kasi alam kung anong sasabihin if aaminin ko ba na boyfriend ko sya or kaibigan lang. Tutal naman alam nila na friendly akong tao.

"This is Forrest po, my..." Sabi ko at nilingon ko si Kaiden.

"My?" Tanong naman ni mommy.

Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Kaiden at malapit ko na i-sampal sakanya yung flowers na bigay nya saakin. I swear!

"My boyfriend po." Magalang kong sabi at napapikit tsaka ko naramdaman ang pagdausdos ng kamay ni Kaiden sa bewang ko.

"I think this is not the right place to talk about this." Strict na sabi ni daddy.

"Should we talk it about over lunch?" Tanong ni mommy.

"I am sorry ma'am but I can't come because I have class." Magalang na sabi ni Kaiden na parang nahihiya pa sya.

"Dinner?" Pilit na sabi ni daddy.

"I can come po, sir." Seryosong sabi ni Kaiden.

"It is settle then."

After nga ng ceremony ay kumain kami sa labas habang si Kaiden naman ay sumama na kila Sebastian. Sinadya lang talaga nya ako dito para mabigay ang flowers. Nandito na kami sa SM North Edsa para kumain sa favorite restaurant ko.

"Kaya pala motivated ka mag-aral ah. I see." Pang aasar ni mommy sakin katabi ko kasi ang kapatid ko.

"Matagal na akong motivated mag aral." Pagpapalusot ko kahit totoo naman sinabi nya.

"Hindi. Kilala kita. Mukhang good influence yung guy na yun ah." Ayaw pa rin tumigil ni mommy kung hindi lang talaga sya sinaway ni daddy.

"Anyway, as my gift for you. You can buy shoes, bags, dress or book that you want." Sabi sakin ni daddy at napangiti ako.

"Really?" Masaya kong tanong sakanya.

"Yes, kaya choose wisely."

Ganon nga ang nangyari pagkatapos syempre tumingin muna ako kung may magandang damit kaya ayon ang inuna ko. Good thing that I found one.

"Thank you!" Masaya kong sabi at hinawakan ang paper bag.

After nun ay nag aya naman si mommy na kumain ng dessert, which is my favorite, crepe! I think this is one of my core memories. Marami kaming ginawa sa SM at sobrang nag enjoy talaga ako.

Mabilis lumipas ang oras at malapit na mag dinner kaya medyo kinakabahan na ako sakanya.

"Text mo yung boyfriend mo sabihin mo sa SM San Lazaro tayo sa may Max. " Utos ni daddy kaya tumango ako.

Martha:
Babyyy, sa SM tayo sa Max.

"Okay na po." Sagot ko sakanya at tinago ko na ang cellphone ko.

Alam ko kasi mga alas sais pa ang tapos ng pasok nya kaya sakto lang na dinner. Nauna na kami doon at naghintay.

Honeybunch sugarplum:
Okay baby. Papunta na ako. Love you mwa!

"Papunta na daw po." Sabi ko sakanila at nag order na kami.

Dumating na si Kaiden na naka white uniform kinilig naman ako kasi matchy matchy kami well di ko kasi masyadong napansin kanina.

"Good evening po!" Bati ni Kaiden.

"Sit down." Awtoridad na sabi ni daddy.

"I assume that you have a same course?" Nakangiting sabi ni mommy.

"Yes ma'am, fourth year na po." Magalang na sabi niya.

"Don't call me ma'am, tita nalang. Paano kayo nagkakilala? I mean kahit alam ko naman dahil may tinetake si Martha na subject na advance." Sabi nya.

Staining your Confused Emotions (Holding You Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon