Kabanata 36

58 3 0
                                    

"Ahhh!! Mommy baba mo na po ako dito. Ayoko na!"

"Kukunin mo na po ba ako Lord? Wag muna please."

"Dito pala ako mamamatay. Wow imported."

Tawang tawa naman si Kaiden sakin. Nakasakay kasi kami sa extreme ride na roller coaster na hindi ko naman sinasakyan dahil takot ako sa heights pero dahil mapilit ang fianće ko ay sumakay kami dito. Pagkababa naman namin ay inalalayan naman nya agad ako.

"Okay ka lang ba?" Tanong nya pero visible pa rin sa mukha nya na natatawa.

"Di tayo bati." Pagmamaktol kong sabi at nag walk out.

"Natuwa lang ako kasi sumakay ka kahit natatakot ka. I appreciate it so much." Mahina nyang sabi at hinalikan nya ang noo ko.

Wala na. Marupok na ulit ako. Sinakyan namin lahat ng rides dahil sa pang uuto sakin ni Kaiden pero sobrang nag enjoy ako kahit feel ko ito na yung last day ng buhay ko. Pagkatapos namin sa disneyland ay pumunta naman kami sa disneysea. Hindi sya sobrang crowded kaya nakasakay agad kami sa gusto kong ride.

"And at last I see the light
And it's like the fog has lifted
And at last I see the light
And it's like the sky is new
And it's warm and real and bright
And the world has somehow shifted"

Nakasakay kami sa boat habang umaadar ito at narinig namin ang tugtog. Mayroong scene dito kung saan nakaupo si Rapunzel at Eugene sa bangka at hinihintay yung lantern na pakawalan. Ginagawa ito tuwing kaarawan ni Rapunzel. Pagktapos namin dito ay nakangiti akong lumabas.

Nag-stay kami ng hanggang gabi at inaya nalang syang mag dinner sa labas. Saktong sakto naman dahil yung katapat na store na kakainan namin ay isang sikat na jewelry shop.

"Tingin lang ako sandali ng mga bracelet doon." Pagpapaalam ko kay Kaiden.

"Balik ka agad baka dumating ang pagkain natin." Sabi naman nya agad sakin tsaka ako tumango.

Pumunta na ako doon at tumingin ng mga rings balak ko kasi syang supresahin ng kasal kasi sinupresa nya ako ng engagement.

"Can I look at this?" Tanong ko sa babaeng nag aasist sakin.

"Okay ma'am." Sabi nya at kinuha naman nya.

Ang ganda ng singsing at pair na silang dalawa kaya ayon na ang kinuha ko. Binayaran ko na at nilagay ko sa bag para hindi nya malaman. Baka kasi tanungin nya kung para saan edi malalaman nya.

"Nakakita ka?" Tanong nya sakin pagkaupo ko.

"Sobrang mahal" Natatawa kong sabi.

"I will pay it nalang." Agad-agad nyang sabi kaya napailing ako.

"Masyado mo akong iniispoil. Sa pilipinas nalang." Sabi ko sakanya.

"Hindi nga kita mabilhan kasi tumatanggi ka kaya madalas suprise nalang para di mo na matanggihan."

Totoo iyon. Ayoko nagpapabili sakanya ng gamit kasi hindi ko naman sya human ATM kaya palagi ko syang tinatanggihan pero sadyang makulit lang talaga itong lalaki na 'to kaya maraming nirarason kapag sinusuprise ako.

Sa 2 araw na remaining namin dito sa japan ay pinuntahan talaga namin lahat ng nasa itenerary ko kaya syempreng sobrang saya ko. Syempre hindi mawawala ang picture dyan pero sobrang haba ng patience nya kahit madalas ay paulit-ulit kami. Nandito na kami sa airplane at pauwi na, kinuha kong flight ay 8pm kaya mga 12 or 1 am nasa manila na kami dahil bukas ang plano kong kasal. Yes, naplano ko na.

"Good Afternoon, Ladies and gentlemen this is Captain Kylo Adair speaking. I would like to welcome you to AR Airlines . This is flight number 1582 heading to Manila, Japan we will be in the air for a total time of 4 hours and 35 minutes. Please be sure you are seated and your seatbelt is fastened.... Get ready for takeoff."

Staining your Confused Emotions (Holding You Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon