Tama nga ang sabi nila kapag sobrang saya sa kaganapan ng buhay ay mabilis itong matapos. Nakauwi na kami galing sa 6 days trip namin sa Dubai at ngayon ay hawak ko naman ang reviewer ko para sa nalalapit kong finals sa wednesday well may class kami sa tuesday pero mas gumagana kasi sakin kapag maaga nag aaral.
Infrared (IR) spectroscopy measures the bond vibration frequencies in a molecule and is used to determine the functional group.
Mass spectrometry (MS) fragments the molecule and measures the masses.
Nuclear magnetic resonance spectroscopy (NMR) detects signals from hydrogen atoms and can be used to distinguish isomers.
Ultraviolet (UV) spectroscopy uses electron transitions to determine bonding patterns.Minememorize ko ang apat na terminologies na iyan kasi feel ko lalabas sya kung hindi sa multiple choice baka magkaroon ng indentification.
"Kawawa ka naman ate nagrereview ka." Pang aasar ng kapatid ko kaya napatingin ako sakanya.
"Hindi ata ito christmas break kundi study season." Sabi ko at ninext ang slide na binabasa ko.
Dahil december 28 palang ay di ako masyadong naprepressure na mag aral like 2 hours per day lang ginagawa ko para kahit papaano ay hindi ako na ooverload na information.
"Bully talaga ito, nag aaral yung ate nya ng tahimik." Sabi ni daddy kaya natawa ako.
"Nagpapanggap lang yan si ate." Pang babash sakin ng kapatid ko.
"Ingay naman." Pagpaparinig ko sakanya at inirapan nya ako.
"Whatever."
Mabilis lumipas ang araw at di ko napansin na mag new year na pala kaya tinigil ko muna ang pag rereview ko at tinulungan si mommy sa pag preprepare ng pagkain.
"HAPPY NEW YEAR!"
Kinabukasan naman ay breakfast namin ay spaghetti na niluto ni mommy kanina sa media noche at imubos ang lahat ng ulam pagdating tanghali pero syempre ay binigyan namin sila tito kasi sa sobrang dami baka di na kami makahinga.
"So how's your christmas break?" Tanong ng prof namin samin habang nakangiti at sabay sabay silang sumagot.
"Sir, christmas break po ba yun kala namin study week."
"Noche buena at media noche po namin reviewer."
Sabi nila kaya natawa nalang ako. Nag start na kami para sa last laboratory activity namin which is skinning ng frog at makuha yung spinal cord at brain may plus points daw kapag nakuha ng buo. Isang oras bago namin natapos kaya natuwa kami dahilmay thirty minutes pa bago matapos ang klase namin.
"Alam nyo naman na yung coverage ng exam kaya good luck at mag aral ng mabuti."
Pagkababa namin sa gazebo ay nakita namin si Arwen tsaka Lauren at nag aaral para sa STS nila kasi feeling daw nila magkakaroon sila ng quiz kaya sinamahan na namin.
"In game ka nanaman sa laro na aral-aralan." Pang aasar ni Precious sakanya.
"Guys be proud kasi nag aaral ako kesa mag tetris." Sabi nya tsaka ako napa irap sakanya
Umupo na ako sa tabi nila habang nagbabasa ng wattpad pero maya maya ay may biglang tumabi sakin kaya napatingin ako si Aerol lang pala kaya binalik ko na ang tingin ko sa binabasa ko.
"Arwen nag aral ka na sa STS?" Tanong ni Aerol.
"Ngayon palang bro." Sagot agad ni Arwen.
Nakikinig lang ako habang nagchichismisan sila pero minsan ay sinasabay ko rin naman. Malapit na mag 10 am kaya nagpaalam na kami ni Michaela para umakyat sa taas. Pagkarating ko ay nandoon na rin si Dhanise at Mae. Si Twinkle kasi ay nasa kabilang class kaya hindi namin sya kasama.
BINABASA MO ANG
Staining your Confused Emotions (Holding You Series #1)
Novela JuvenilHolding You Series #1 Kristel Martha Regacion is a college student. Ang goal lang naman ay makagraduate ng mapayapa pero may di inaasahang dadating sa buhay niya. Malayo sa standard niya. What if pakitaan siya ng motibo or let's just say mixed signa...