Kabanata 25

41 2 0
                                    

It is our routine to watch the stars at night kapag wala kaming requirements na gagawin. Even we are busy in our own life, we don't forget to spend time together.

"By the way." Sabi ko sakanya at tumingin sya sakin.

"Hmm?" Sagot nya kaya napatitig ako sakanya.

"Wag ka ngang tumitig." Naiilang kong sabi at kinurot sya ng mahina.

"What? May sasabihin ka diba?" Tanong nya.

"Iniinvite ako ng friend ko sa birthday nya and sabi ko may kasama ako." Kwento ko sakanya.

"Sino ba kasama?"

"Syempre ikaw." Irap kong sabi sakanya.

"When?" Tanong nya.

"Do you have plans tomorrow?" Sabi ko sakanya.

"Wala naman. I plan to study lang." Sagot nya sakin.

Ganyan talaga sya kapag may free time and mag medical school na din kasi sya.

"It's settle then. You will be my date." Kindat kong sabi.

"Sabi ko na patay na patay ka sakin." Pang-aasar nya.

"Hangin mo." Bulong kong sabi.

Ganon nga ang nangyari kinabukasan. Pumunta kami sa birthday ni Arwen syempre may dala akong regalo. Pagkapasok namin ay kumaway agad si Lauviah saamin.

"Huy, may bebe na dala. Required pala?" Pang aasar ni  Lauren.

"Nanlalamang na talaga kala ko ba study first tayo?" Sabi naman ni Micha.

"Sorry sa mga kaibigan ko. Mga walang bebe kasi." Bulong ko kay Kaiden pero sa dulo ay nilakasan ko ang boses ko.

"Wow nakakahiya naman sayo." Sagot ni Lauren.

"This is Lauren and Micha." Pagpapakilala ko sa mga baliw kong kaibigan.

"Nice to meet you. I am Forrest." Pormal na sabi ni Kaiden at humawak sa bewang.

"You two can join us in the table. Sila Dhanise at Aerol lang ang kasama natin." Sabi ni Micha.

"Hanapin muna namin si Arwen. Babati lang." Paalam ko sakanila

"Okay pero mag sasave na ako ng seats para sayo." Sagot ni Lauren.

Hinahanap ko si Arwen at nakita ko syang kausap sila Jake, mga kaibigan ng boyfriend nya na si Jeremy.

"Arwen!" Sigaw ko sa kaibigan ko at natawa naman ang katabi ko.

"Halatang extrovert ka talaga. You have many circle of friends."

"Of course. Ang boring kasi ng tahimik lang." Sagot ko kay Kaiden

Maya maya ay sumulpot na sa harapan namin si Arwen

"Happy birthday marupok!" Natatawa kong sabiz

"Nung sinabi mo sakin na magdadala ka ng kasama. Na excite agad ako." Sabi nya sakin.

"This is Forrest and this is my best friend, Arwen. Introvert pero naimpluwensyahan ko." Pagpapakilala ko at natawa sila.

"Happy Birthday!"Bati ni Forrest at binigay nya ang regalo na binili namin.

"Boyfriend?" Tanong agad ni Arwen.

"Hindi pa. Pinapahirapan ko pa manligaw." Sagot ko at tumawa.

"Don't believe her. Nagselos nga yan kay —" Buko na sabi ni Kaiden kaya kinurot ko ang singit.

"Selosa naman talaga yan kahit walang label." Sabat naman ng kaibigan ko.

"Sasabunutan talaga kita." Hahablutin ko na sana ang buhok ng aking kaibigan pero hinapit agad ako sa bewang ni Kaiden.

Staining your Confused Emotions (Holding You Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon