Nakatitig lang ako sa mensahe nya hindi ko alam if magrereply ba ako or hindi. Pero sa dulo ay nag reply pa rin ako sakanya.
Kristel Martha Regacion:
Baka pag tsismisan yung shared post ko.Aerol Jazper Macaraig:
Sayang naman hays.Nag react nalang ako sa chat nya tsaka nag scroll sa facebook pagkatapos ay nagbasa nalang ako ng wattpad. Wala din naman pasok bukas kaya okay lang pero kailangan kong mag aral sa chemistry kasi may quiz sa thursday. Kinabukasan naman ay dala ko ang notebook, ipad at ballpen tsaka nag aral sa study room.
"Tapos ka mag aral?" Tanong ni mommy pagpasok ko sa bahay.
"Opo." Sabi ko tsaka minasahe ang noo ko.
"Sakto kakain na tara na." Pag aaya nya tsaka nilagay ang giniling sa lamesa.
Naupo na agad ako tsaka hinintay ang tatay at kapatid ko na samahan ako kumain at ako na rin ang naghugas ng pinagkainan namin.
"Huy naintindihan mo ba yung solving solving sa chemistry?" Tanong ni Precious na ang daming hawak na papel.
"Prayers nga lang dala ko ngayon." Natatawa kong sabi sakanya.
"Ikaw pa prayers, takot ka nga bumagsak." Sabi ni Lauv.
Kala mo sila hindi takot bumagsak. Pare pareho lang naman kami ditong kinakabahan para sa quiz sa chemistry. Napatulala ako sa exam nya sa 3rd part di ko alam kumg anong kailangan nyang equation.
"Mamaya talaga mag shashared post ako." Sabi ni Arwen habang umiinom ng iced tea.
"Ano naman?" Tanong ko sakanya.
"Grade is just a number. It doesn't define me." Sagot nya sakin.
"Pero syempre kapag mataas edi ang galing ko naman." Pagtutuloy ni Precious kaya sumimangot si Arwen sakanya.
"Anyway nakita nyo na ba? May event bukas." Kwento ko sakanila.
"Anong meron?" Sagot ni Lauv.
"Edi CS Days." Sabi naman ni Arwen.
"Excited talaga ako kasi syempee tatlong araw din na walang klase nun." Sabi ko sakanila.
Ganon nga ang nangyari kinabukasan, maaga kaming pumunta ng school kasi kailangan mag attendance kaya tumambay nalang muna kami sa walls.
"Third, fourth and fifth wheel nanaman kami." Reklamo ko tsaka tumayo.
"Wala masyadong ganap sa CS Days." Sabi bigla ni Precious at bumuntong hininga.
"Sabi daw nila bukas marami kasi may banda." Sagot naman ni Lauv.
"Nood tayo." Pag-aaya ko sakanila.
Kumain na din kami tsaka bumalik sa school kasi kailangan pala ng afternoon attendance mas marami ng pila sa mga booths.
"Tara, photo booth." Pag-aaya ni Arwen kaya sumang ayon naman kami.
Habang naglalakad kami nakita pa namin ang iba naming kaklase katulad ni Ali, Sofia, Twinkle, Jeremy, Carl.
"Huy saan kayo?" Masaya kong tanong sakanila tsaka niyakap si Sofia.
"Papunta sa photo booth." Sagot ni Ali kaya tumango ako.
"Doon rin naman kami patungo gusto nyo sabay sabay na tayo?" Pag-aaya ko.
"Tama habang wala masyadong pila." Sabi ni Precious.
"Pero hinihintay pa namin si Aerol nag restroom lang." Singit naman ni Jeremy.
"Okay na 'ko. Tara na." Sabi ni Aerol na kakarating lang at nakatingin sya sakin.
BINABASA MO ANG
Staining your Confused Emotions (Holding You Series #1)
Novela JuvenilHolding You Series #1 Kristel Martha Regacion is a college student. Ang goal lang naman ay makagraduate ng mapayapa pero may di inaasahang dadating sa buhay niya. Malayo sa standard niya. What if pakitaan siya ng motibo or let's just say mixed signa...