Hindi naman kami agad-agad nagpakasal gusto namin yung pareho na kaming doctor. Atsaka yung galing talaga samin yung ipon para sa kasal at hindi rin biro ang mga iimbitahan sa sobrang friendly ko ba naman pero sabi ko sakanya kahit intimate wedding lang pero ayaw nyang pumayag.
Nandito kami ngayon sa condo nya dahil hinihintay namin ang result ng PLE or Physician Licensure Exam. Well, nasa harapan namin ang laptop nya habang nakaupo ako sa hita nya at pinaglalaruan ang daliri ko. Tinitignan ko naman ang group chat nila para makakuha ng update kung meron na ba.
Patrick: Congratulation, guys!
Tyrone: Sabi sainyo makakapasa tayo.
Sebastian: Inom na tayo sa bahay nila Harry!
Harry: Sige ba. Basta sainyo ang alak
"OMG BABY! THE RESULT ARE OUT!" Excited kong sabi at bigla naman syang nanlamig.
"Paano mo nalaman?" Tanong nya at pinakita ko ang phone nya sakanya.
Nirefresh ko ang site at di naman ako binigo nito dahil nakita ko ang mga list ng names at zinoom ko para naman may thrill.
"My girlfriend always love the thrill."Naiiling nya na sabi.
Parang ako yung kinakabahan para sakanya dahan-dahan ko itong iniscroll pero nakakaisang scroll palang ako ng makita ko ang pangalan nya.
"Number 3, Forrest Kaiden Craig. Far Eastern University. 97.90%" Masaya kong sabi at niyakap sya.
"You look happy." Sabi nya at tumingin ako sakanya.
"Of course. I am proud of my fiance." Sagot ko sakanya.
"You are my inspiration my love."
"It makes my heart flatter, Dr. Craig." Malambing kong sabi.
"Uhuh. You will be the next." Sabi nya sakin at kinindatan ako.
Kinabukasan naman ay pinagbigyan sila na maaga umuwi dahil celebration dahil nakapasa sila sa board exam at hindi naman masyadong maraming pasyente.
Honeybunch sugarplum:
Dito na kami, baby.Ako:
Enjoy baby. Love you.Honeybunch sugarplum:
Where is my baby? Nasaan yung "I" sa love you?Napairap naman ako dahil sa kaartehan ng fiance ko.
Ako:
I LOVE YOU BABYYY MWAA!!Napahagikgik nanaman ako sa kalokohan ko. Tinago ko na ang phone ko dahil kailangan ko na ulit mag rounds.
"Hindi ka po muna masyadong pwedeng magalaw kasi bagong opera ka pa po. Babalik balik nalang po ako." Sabi ko sa pasyente ko at nagpaalam sakanila.
"Salamat po." Nakangiting sabi ng guardian ng lalaki.
Napakunot naman ang noo ko ng makita ang dami ng tao sa labas ng office namin.
"Diba kabilin bilinan ko magkaroon ng presence of mind kasi buhay ng tao ang nakasalalay dito." Si Riana habang nakatingin sa mga bagong salang na intern.
Lumapit na ako sakanila at nakita kong mga nakayuko na ang mga bata kaya hinawakan ko ang likod ni Riana.
"Anong nangyari dito?" Curious kong tanong sakanya.
"Muntik na kasi mamali yung dosage na mabibigay sa pasyente kung hindi pa ako tumingin kung anong ginagawa." Sabi nya at sinenyasan sila na umalis na.
"Ikain nalang natin yan." Pag aaya ko sakanya kaya tumango sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/355513800-288-k62875.jpg)
BINABASA MO ANG
Staining your Confused Emotions (Holding You Series #1)
Teen FictionHolding You Series #1 Kristel Martha Regacion is a college student. Ang goal lang naman ay makagraduate ng mapayapa pero may di inaasahang dadating sa buhay niya. Malayo sa standard niya. What if pakitaan siya ng motibo or let's just say mixed signa...