"Ang sweet nyo naman." Kilig na sabi ni Riana.
"Nakatayo lang naman tayo anong nakakakilig?" Patay malisya kong sabi.
Tama naman kasi na nakatayo kami pero ang kamay ni Kaiden ay nakapulupot sa bewang ko at medyo nakalapit ako sakanya pero hindi ko nalang pinapansin kasi bibilis lang lalo tibok ng puso ko.
"Kunwari pa kayo pasimpleng bebetime pa kayo." Singit ni Jax.
"Picture nga kayo." Sabi ni Riana kaya humarap kami sakanya.
Hinila naman ni Kaiden ang bewang ko kaya parang nakasandal ako sa balikat nya.
"Sweet sweet naman. Walang forever." Bitter na sabi ni Riana.
Mabilis natapos ang gabi at may fireworks pang pasabog ang FEU kaya pinanood ko talaga ito ng mabuti.
"To more fireworks with you." Bulong nyang sabi sakin at napapikit nalang ako.
"Umamin nga kayo ano ba talaga yan. Landian without label or nagliligawan na kayo hanggang sa maligaw na?" Tanong ni Harry.
"I am courting her" Sagot ni Kaiden agad wala ng isip-isip kaya napatili ang dalawa kong kaibigan.
Inaantok na ako kaya ayon na ang cue namin para umalis. Nagpaalam na kami sa isa't isa at kasama ko naman si Kaiden. Habang nasa jeep kami ay medyo nalalaglag na ang ulo ko sa balikat nya pero pinipilit ko talaga imulat ang aking mata.
"We are here na."!Sabi nya kaya bumaba na kami.
"Di ko alam bakit inantok na ako agad 8pm palang naman." Mahina kong sabi at humikab na.
"Rest ka na agad. Wag mo ng pilitin sarili mo mag aral." Paalala nya sakin.
"Ikaw din. Pahinga ka. Good night." Sabi ko at ngumiti sakanya.
"Good night, baby. I am lucky to have you!" Masayang sabi nya and he kissed my forehead.
Pag uwi ko sa bahay ay nakangiti ako at nahalata ni mommy iyon pero wala naman syang sinabi. I guess hinihintay lang nya ako na mag open up sakanya. I do my night rountines at yung mga ginagawa ko palagi. Kinabukasan naman ay nag aya sila tita na maglaro ng bingo pero tinignan ko muna ang study schedule ko ng saturday and I can have my leizure time naman.
"Okay, bingo na." Sabi ni tita at shinake shake na ang pang bingo.
"Anong laro ito?" Tanong ko sakanya.
"Malaking square." Sagot naman nya kaya tumango ako.
"Blackout?" Tanong namanng pinsan ko.
"Mamaya nalang iyon. Maaga pa naman."
Naglaro kami ng hanggang 5pm at hindi ko binubuksan ang aking phone dahil nag eenjoy pa ako sa kakalaro. I think luck is on my side kasi nanalo ako ng 800 kaya masaya ako pagkatapos.
"Mahahalata talaga sa mukha kapag nanalo." Parinig sakin ni mommy habang binubuksan ko ang phone ko.
Kaiden:
I will buy some clothes. Can you accompany me?Kanina pa nya sinend yan mga 3 pm kaya napakagat ako ng labi habang nagtitipa ng irereply sakanya.
Martha:
Sorry, I didn't saw your message kasi naglalaro kami. Did you buy na ba?Nagulat naman ako dahil na seen na nya agad ang message ko.
Kaiden:
Hindi pa. I am waiting for you. Can you come with me?Martha:
Okay magpapaalam lang me.Kaiden:
I'll wait for you in the lobby.Kinakabahan ako habang nagpapaalam kasi baka tanungin pa ako ng kung anu-ano.
BINABASA MO ANG
Staining your Confused Emotions (Holding You Series #1)
Teen FictionHolding You Series #1 Kristel Martha Regacion is a college student. Ang goal lang naman ay makagraduate ng mapayapa pero may di inaasahang dadating sa buhay niya. Malayo sa standard niya. What if pakitaan siya ng motibo or let's just say mixed signa...