"Kristel Martha Regacion, please stand up." Sabi ng prof namin at nagkukusot pa ako ng mata.
"Yes po?" Sagot ko.
"Dahil natutulog ka I guess you can answer my question so what do you call the flowerless plants that produce cones and seeds?" Tanong nya sakin at tinaasan pa ako ng kilay.
Nabasa ko to kagabi basta may letter G sa una. Gymo? Gyno? Gymno? The terms are mixing in my mind.
"You don't know?" Tanong nya sakin at iiling na sana ako ng nakita kong nagsulat si Arwen sa gilid ko.
"Gymnosperm po ma'am." Confident kong sagot kahit di ko naman talaga sure.
"Good. Next time, don't sleep in my class and I want to remind you na 2nd year ka na kaya take this seriously." Sabi nya tsaka sya tumalikod.
Naupo naman ako agad at naglabas pa ng notebook. Pakitang tao talaga. Parang ang tagal nga ng oras kasi kanina pa kami nandito.
"See you on our online next meeting." Pagpapaalam nya kaya tumayo na ko tsaka nag ayos ng mga gamit.
Paglabas ko ay naka abang na sakin sila Precious at Lauviah habang nakikipag usap sa isang kaklase namin.
"Saan tayo mag lu-lunch?" Tanong ko sakanila.
"Gusto nyo mag SM?" Suggest ni Lauvy.
"Pwede naman kasi matagal pa naman breaktime natin mamaya pang 5 pm." Sagot naman ni Precious.
Pagdating namin sa mall ay kumain kami sa Mcdo at kasama namin ang boyfriend ni Precious na taga ibang school.
"Nakakapagod ngayong week." Pagrereklamo ko pero nagtawanan ang dalawang gaga.
"Napagod ka pa nyan. Tulog nga lang ginawa mo kanina sa evolutionary biology." Panlalalaglag sakin ni Lauvy.
Kabaliktaran nga ang nangyari pag uwi ko kasi halos madaling araw ay gising pa ako pero okay lang naman kasi hapon pa naman ang pasok ko bukas. Kinbukasan, mga 10am na ako ng umaga nagising buti nalang nag pa alarm ako kundi malalate nanaman ako sa 1pm kong class para sa laboratory.
Pagdating ko sa school ay nakita kong may kausap si Precious at Lauvy na alam ko na hindi ko masyadong ka close kasi marami kami more than 60.
"Kala ko malalate ka." Sabi ni Precious.
"Hindi, nag alarm ako." Sagot ko agad sakanya pero di ko tinitignan ang taong nasa harap ko.
"I think you know each other kasi magkaklase naman tayong apat." Alanganin pa na sabi ni Lauvy.
"Pero I'll introduce you nalang sa isa't isa. Aerol Jazper Macaraig then si Martha nga pala walang jowa, listener and palaging nag cocommunicate." Nakangising sabi ni Precious kaya kinurot ko sya ng mahina at natawa naman ang nasa harap ko.
Please lupa sana kainin mo na po ako ngayon. Kakapasok ko lang ng school ganito agad. Pagkatapos ng eksena na yun ay dumating na din ang Kaiden.
"Kumukulit nanaman kayo ah." Sabi ko sakanila at natawa pa.
"We are just helping you para naman magkaroon ka na ng lovelife." Pagtatanggol ni Precious sa sarili nya.
"I can handle myself girls. Wag na kayong mag alala para sakin." Confident kong sabi sakanila.
Feeling ko dahil sa araw na yan may biglang nalang nagbago syempre not me. It is just that palagi na namin nakakasama. Anyway, midterms week namin next week kaya last na tong day na ito para pumasok.
"Shocks, nakalimutan ko dalhin labgown ko." Bulong ko sa sarili ko.
"Dapat kasi palaging nasa bag mo yun. Alam mo naman yung prof natin na yun ayaw na walang labgown tas nag miminus pa." Iling na sabi ni Lauvy.
"Gagawan ko nalang ng paraan pag nasa loob na." Sagot ko kahit di naman ako sigurado.
Pagkarating namin sa room ay ginawan ko ng paraan para lang hindi ako mapansin ng professor namin. Pagkatapos na maicheck ni Precious ay hiniram ko naman agad ang kanya.
"Start working with experiment 10, 14 and 18." Pag iinstruct nya kaya napatulala kami sakanyang lahat.
"Paano naman natin matatapos yun?" Sabi ni Almira.
"Ang haba pa ng mga procedure ng iba." Dagdag naman ni Angela.
Pinaghati hati naming anim ang gagawin na experiment pero natapos lang namin ang dalawang experiment. May isa pa kasi kaming klase sa isa pang laboratory kaya nakakapagod. Sabay sabay kaming naglakad sa underpass hanggang sa makarating sa LRT.
"Mag aaral nga ako ng maaga sa analytical chemistry." Sabi ko.
"Oo nga pala sa thursday exam nya kasabay ng ecology." Sagot ni Precious at sabay sabay kaming bumuntong hininga.
"Bye, ingat kayo. Mag chat if nasa bahay na kayo." Paalala sakin ni Lauvy.
Nakarating na ko sa bahay at inuna ko muna ang pagkain ko pagkatapos ay nag ayos muna ako bago nag chat na nasa bahay na. Dahil gabi naman kaya di na muna ako nag aral kasi may bukas pa naman.
Dalawa kasi account ko sa facebook para yung isa para sa family and yung isa naman para sa other personality para walang magsumbong. Nag share ako ng isang post at dumagsa iyon ng maraming pang aasar kaya pinatay ko ang comment section.
"Ate, tawag ka ni mommy." Sabi ng kapatid ko kaya pinatay ko ang cellphone ko.
Pinaghugas muna ako ng dinner na pinagkainan tsaka humaga at kinuha ang cellphone ko. Pagbukas ng messenger ay bumungad ang isang mensahe sa hindi inaasahang tao.
Aerol Jazper Macaraig:
Aerol Jazper Macarig sent a photo.Aerol Jazper Macaraig:
Bakit mo tinurn off mo yung comment section nito?
![](https://img.wattpad.com/cover/355513800-288-k62875.jpg)
BINABASA MO ANG
Staining your Confused Emotions (Holding You Series #1)
Novela JuvenilHolding You Series #1 Kristel Martha Regacion is a college student. Ang goal lang naman ay makagraduate ng mapayapa pero may di inaasahang dadating sa buhay niya. Malayo sa standard niya. What if pakitaan siya ng motibo or let's just say mixed signa...