Trigger Warning: Language and suicidal thoughts
"Dismissed na po ako." Mahinang sabi ko pagkatapos ko kausapin ang prof ko.
Tumingin agad sila mommy sakin ng sinabi ko iyon.
"Paano mo nalaman?" Tanong ni mommy.
"Nakalagay po sa ilalim ng GWA ko." Sagot ko.
"Ano bang GWA mo?" Tanong agad ni daddy.
"3.016." Maikli kong sabi.
"Patingin nga ako."
Binuksan ko ang CRS ko at pinakita sakanya ang grades ko.
GWA: 3.016
DISMISSED"Sayang yung art appreciation mo, may nabasa ako sa group chat nyo kanina sabi ng kaklase mo pwede daw pumunt sa school kanina para mag pa grade consultation edi sana kung pumunta ka para pakiusapan if pwede bang taasan yung art app mo kahit dos lang." Sabi ni mommy.
"Di ko naman po expected." Sagot ko.
"Sumasagot ka pa. Masyado ka kasing naging kampate atsaka alam mo napapansin ko sayo parang di mo sineseryoso yung pag aaral mo palagi kang tutok sa social media mo puro ka chat. Nag aaral ka lang kapag kinabukasan exam mo na." Pagpapatuloy nya at nakikinig lang ako.
"Hindi mo sineseryoso yung pag aaral mo. Sayang naman yung libreng tuition." Panghihinayang na sabi ni daddy.
And here I am speechless. I don't know how to defend myself because they are right.
"Pumunta ka na bukas sa school mo tas ayusin mo na yung mga kailangan mong documents para makalipat ka na." Pag iinstruct nya sakin tsaka ako tumango.
Tahimik akong kumakain habang dinidigest lahat ng nangyari at ganon lang kabilis. Kinabukasan naman ay pumunta na ako sa school at dumiretso sa registrar para mag request ng honorable dismissal tsaka nag request ng mga kailangan na documents.
"Magbayad ka muna sa cashier tsaka ka bumalik dito." Sabi sakin ng babaeng nasa front desk tsaka ako tumango.
Pagkarating ko sa cashier ay medyo mahaba ang pila pero buti nalang ay nakaupo ako kaya inabala ko muna ang aking sarili para maglaro ng offline games. After ten minutes ay na bored ako kaya napagdesisyunan ko na magbukas ng messenger. Nagulat ako dahil nag chat si Lauren Venice.
Lauv:
Martha musta ka??Martha:
Buhay pa ako humihinga.Lauv:
Ano palang desisyon mo?Naguluhan naman ako sa tanong nya kaya napakunot ang noo ko.
Martha:
Saan?Lauv:
If lilipat ka ba or hindi.Martha:
Nag aayos na ako hg documents ko
You sent a photo.I sent a photo na pumipila sa cashier at maya maya ay nagsend na rin sya sakin na umiiyak na dahil daw mamimiss nya ako atsaka hindi ko daw kasi sinabi sakanila ng maaga na aalis na ako pero I assure them na iuupdate ko pa rin sila sa ganap ko and ganon din sila.
"Eto na po yung receipt." Sabi ko sa registrar pagkabalik ko sakanila.
"Expect it after 2 weeks pero mas better if tatawag ka muna para sure na meron na."
Pagkatapos ko mag request ng documents at sinigurado ko muna na wala akong nakalimutan tsaka ako umuwi.
"Ang bilis mo. Narequest mo na ba lahat ng kailangan mo?" Tanong sakin ni daddy.
"Opo. Certificate of transfer, course description, true copy of grades, good moral." Sagot ko sakanya at tumango sya sakin.
Dahil amoy araw na ko. Sobrang init kasi sa labas kaya naligo nalang ulit ako pagkatapos ay nanood nalang ako ng korean drama since wala naman akong gagawin. 7 months ang pahinga ko dahil sa August pa ang start ng papasukan ko hindi kasi ako umabot para sa second semester nila.
"Tambay for 7 months. Lubus lubusin mo na para kapag pasukan na ulit puro aral ka nalang." Sabi sakin kaya napatango nalang ako.
Pinapanood ko na korean drama yung sinuggest sakin ni mommmy, daily dose of sunshine yung title. Yung bida na girl is psychiatric nurse sya tas nakaka encounter sya everyday ng iba't ibang patient from psychiatric ward.
Dumating na ang weekend and as usual ay nasa bahay lang kami at nanonood lang din sila ng korean drama habang ako ay nasa kwarto nagbabasa ng wattpad.
"Ate, pahiram ako ng phone mo i-lolog in ko lang yung foodpanda mo alam ko kasi may discount kapag first timer." Sabi nya at binigay ko naman agad sakanya.
"Kailangan po ng email ni Destine kasi sakanya itong account." Pag eexplain ko sakanya,
"Oo nga wait ka lang wag kang magmadali." Naiirita nyang sabi sakin.
"Sinasabi ko lang po." Magalang kong sabi sakanya.
"Sumasagot ka pa talaga." Sabi nya sakin.
Kaya ang pangit dito sa pilipinas kapag nag eexplain ka sasabihan kang "sumasagot ka" pero kapag sila walang preno sa pinagsasabi okay lamg kasi magulang sila kahit nakakaoffend na.
"Tas ganito po gagawin..." Pagpapatuloy ko,
"Ako na bahala manahimik ka nalang. Umiinit lang ulo ko sayo!" Sigaw nya skin.
"Tangina ka manahimik ka na kasi sigawan kayo ng sigawan atsaka ikaw." Tinuro ako ni daddy habang nagsasalita sya " Wag kang nagmamagaling. Bobo at tanga ka nga kaya nga na kick out ka sa school nyo kaya manahimik ka nalang."
Bago ko nawalan ng pake ay narinig kong sinabi nya na "sana mamatay ka nalang"
Muntik na nga din nya akong masampal pagkatapos nun kaya nanahimik nalang ako tsaka nagbukas ng television hindi naman nakakaiyak yung pinapanood ko pero lumuluha ako habang nanonood. Naisipan ko tuloy maglaslas kaso wala naman akong blade na makita kaya I push my finger into my arm at nagkabakat ito tsaka ko tinanggal.
"Kasalanan ko ba na pinanganak nyo ko? Sana pinabayaan nyo nalang ako na mamatay nung nagkasakit ako nung bata ako." Mahina kong sabi at umiiyak pa rin.
Yakap yakap ko ang aking unan na parang ayon ang karamay ko sa problema ko. Pagdating naman sa gabi ay agad agad akong nag ayos para sa kanilang higaan. Tahimik lang ako habang nag aayos tinutulungan ako ni mommy.
"Pagpasensyahan mo na yung daddy mo alam mo namang minsan di nya naprepreno yung mga sinasabi nya." Sabi sakin ni mommy.
"Hindi, dapat alam pa rin nya na below the belt na sya." Paninindigan ko sa sarili.
Nanahimik nalang sya kasi alam nya hindi nya mababago ang isip ko.
Kahit kaibigan o kapamilya yan dapat hindi sila nagsasabi ng below the belt o kaya nasasabi dahil lang sa galit sila.
BINABASA MO ANG
Staining your Confused Emotions (Holding You Series #1)
Teen FictionHolding You Series #1 Kristel Martha Regacion is a college student. Ang goal lang naman ay makagraduate ng mapayapa pero may di inaasahang dadating sa buhay niya. Malayo sa standard niya. What if pakitaan siya ng motibo or let's just say mixed signa...