Kabanata 27

45 2 0
                                    

"Birthday ng pinsan ko sa saturday kaya monday nalang natin macecelebrate yung anniversary natin." Bungad na sabi ni Kaiden at hinalikan ako sa noo.

"Really? Mother or father side? Atsaka ilang taon?" Tanong ko sakanya.

"Four years old and girl sa father side ko." Sagot naman nya sakin kaya tumango ako sakanya.

"Do you have a gift na?"

"Wala pa. Wanna come with me? I'll buy present for my cousin." Nakangiti nyang sabi sakin.

"Of course. I love shopping." Sagot ko at nilagay ang kamay sa braso nya.

Ganon nga ang naging ganap namin pumunta na kami sa mall para bumili ng regalo para sa pinsan nya.

"Ano bang balak mong regalo?" Tanong ko sakanya.

Nakakahiya naman if mag susuggest ako and then he has something in mind.

"Your choice." Sabi nya at ngumiti ako.

Dahil four years old naman ang pinsan nya ay damit nalang naisipan kong regalo kasi baka marami na rin na toys sa bahay tas pagsasawaan din edi hindi rin magagamit.

"Hello ma'am and sir, pang ilang taon po?" Magalang na sabi ng saleslady.

"four years old po." Sagot ko naman.

"Ang laki na pala ng anak nyo. This way po." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng babae at natawa naman ang katabi ko.

"Shut up." Irap kong sabi sakanya.

"I am not saying anything." Defensive nyang sabi at hinila na ako sa mga linya ng damit.

Agad-agad ko naman hinawi ang mga damit tsaka tumingin ng magandang damit na babagay sa edad ng pinsan nya kaya nang may nakita ako ay hinarap ko ito kay Kaiden.

"Eto?" Tanong ko sakanya.

"Cute." Compliment nya.

"May pang 4 yeara old po ba kayo na size nito?" Humarap ako sa babae.

"Opo. Bagong labas po na design namin yan atsaka sure po ako na maganda po yan para sa anak nyo." Sabi nya at umalis na.

Ang dami pang sinabi ni ate hindi nalang sumagot ng oo or hindi.

"Bagay daw sa anak natin." Ayan nanaman si Kaiden.

"Sure na ba na tayo magkakatuluyan hanggang dulo?" Mapaglaro kong tanong sakanya.

"Ako pa ba ang tinatanong nyan? Syempre oo." Confident nyang sabi sakin.

Pagkatapos namin mamili ng damit ay kumain na rin kami. Well, sya naman ang may sagot para daw pa thank you nya sakin.

"Kunwari ka pa kaya mo lang naman ako inaya kumain gusto mo lang naman makipag date sakin." Natatawa kong sabi sakaya.

"Guilty, your honor." Sagot nya at natawa na rin ako.

Balik to daily routine na ulit. Papasok ng school, mag aaral sa study room para mag advance study ulit. Sobrang bagal ng oras kung titignan pero okay lang kasi mag 3rd year na ako next year konting kembot nalang talaga at matatapos na.

Sumapit na ang sabado kung kailan aattend ng birthday si Kaiden. Well, nag update sya sakin kanina na papunta na sila kaya ginawa ko nalang ang morning routine ko which is jogging kasama sila mommy.

"Saan tayo mag breakfast?" Tanong ni mommy.

"Mcdo nalang." Suggest ko sakanila.

Doon nga kami nag breakfast syempre ganon pa rin ang order ko. Chicken fillet pero minsan ay big breakfast kasi gusto ko nung meron na pancake syrup.

Staining your Confused Emotions (Holding You Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon