"Thank you sa pagpunta." Nakangiting sabi ni Arwen.
"Bast ikaw. Malakas ka sakin." Sagot ko at kumindat pa sakanya.
"Alagaan mo kaibigan ko ah. Apat kaming susugurin ka sa FEU kapag sinaktan mo yan." Pagbabanta ni Arwen.
"It will never happen. Baka ako pa saktan nyan." Pabirong sabi ni Kaiden at inirapan ko lang sya.
Habang pauwi kami ay walang nagsasalita pero hawak nya ang kamay ko na namamahinga sa kanyang kandungan habang ako naman ay nakasandal lang sa upuan. Napagod rin ako.
Dumiretso kami sa garden kasi sabi ko sakanya gusto ko munang makasama sya kahit kaonting oras dahil bukas ay may pasok na ulit at magiging busy sya. Gusto ko din syang sagutin na.
"Thank you for today." Basag ko sa katahimikan sa pagitan namin.
"I am happy to know the other side of you. Atleast nalaman ko na ngayon na ganon ka pala ka friendly na tao." Sabi nya sakin.
"Baka magselos ka na nyan sa mga makakakilala at kakilala kong lalaki nyan." Natatawa kong sabi sakanya.
"Wala naman akong karapatan magselos." Mahina nyang sabi.
"Edi bibigyan kita ng karapatan." Sagot ko agad sakanya.
"What do you mean?" Tanong nya sakin.
"I love you. Sinasagot na kita." Nakangiti kong sabi at niyakap sya agad naman sinuportahan ng kanyang kamay ang likod ko.
"Really? Hindi 'to prank?" Hindi nya mapaniwalang sabi.
"Oo nga. Gusto mo bawiin ko pa?" Sabi ko sakanya.
"Of course not. I love you so much and I will not going to waste this chance." Malambing nyang sabi and he kissed my forehead.
Masaya ako kinabukasan sino ba naman hindi? First boyfriend ko sya well sya na sana ang last. Hindi kami magsasabay today kasi mamaya pang hapon ang class nya.
"Bakit ang saya-saya mo ata?" Tanong ni Riana.
"Hmm?" Sabi ko saya habang nagsusulat ng notes.
"Bakit iba ang glow mo ngayon? I mean nagkita naman tayo ni friday." Naguguluhan na sabi ni Jax.
"Wala lang. Nakatulog kasi ako ng mahimbing." Pagpapalusot ko sakanya.
Theories of Personality ang subject namin ngayon at sobrang attentive ko talaga.
"Weird." Bulong ni Riana.
"Tignan ko nga kung nag aadvance study kayo." Sabi ng prof namin kaya nag iiwasan ng tingin ang mga kaklase ko.
"Ms. Regacion, please stand up." Tawag nya sakin kaya tumayo ako.
"Yes ma'am?" Pag rerespond ko.
"What are the big four theories of personality?" Tanong nya agad.
Buti nalang nag aadvance study na ako ngayon kasi madalas talaga nagpaparecitation sila.
"Psychoanalytic, humanistic, trait, and social-cognitive perspectives." Confident kong sabi sakanya.
"Well, impressive." Nakangiti nyang sabi at tumango ako.
Natapos din ang klase namin at may vacant kami ng hanggang 6pm kasi may PE kami.
BINABASA MO ANG
Staining your Confused Emotions (Holding You Series #1)
Teen FictionHolding You Series #1 Kristel Martha Regacion is a college student. Ang goal lang naman ay makagraduate ng mapayapa pero may di inaasahang dadating sa buhay niya. Malayo sa standard niya. What if pakitaan siya ng motibo or let's just say mixed signa...