Pagkatapos ng tagpo na iyon ay saktong dumating na ang prof namin kaya sobrang nagpapasalamat talaga ako. Nung pumasok kami ay nauna na akong pumasok sa loob tsaka umupo.
"Aerol pala ah." Pang aasar sakin ng kagrupo ko.
"Issue kayo masyado." Sabi ko sakanila.
Maya maya ay dumating na ang prof namin na may hawak na test paper kaya nagising ulit lahat ng kaba ko.
"Regacion, please get your test paper."
Habang naglalakad ako ay rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko. Bawat hakbang ay nananalangin ako na sana pumasa ako.
Pagkakita ko sa test paper ko ay bigla akong napangiti. Omg, it's 40/60 my love. Umabot ako sa passing score.
"Yes!" Sigaw kong sabi
Napatingin naman sakin ang mga kaklase kong nakarinig sakin kaya bigla akong nahiya. Maya maya ay bigla kong narinig ang tunog ng cellphone ko.
Mommy:
Diretso ka na sa SM doon nalang tayo kumain.I replied to her and mabilis kong tinago ito sa bag ko.
"For your next activity, please make a phylogenetic tree sa 10 herbarium." Instruct samin ng prof ko
Sumama na ako sa mga kagrupo ko para kumuha ng mga kailangan namin na herbarium. Pagkaupo ko ay mag search na kami ng mga informations patungkol sa mga halaman.
"Ako na bahala sa limang herbarium hati tayo." Sabi ko sa kasama kong gumawa at pumayag naman sya.
Habang gumagawa ay nagpapatugtog ako para naman wala akong maisipan na ibang gawin. Pagkatapos ko gumawa ay nag alok ako sa kagrupo ko na.
"Dahil wala na tayong oras ay pwedeng ituloy sa bahay pero kailangan muna mag provide ng isang 1/4 paper at pupunta ako bawat grupo." Instruct samin kaya agad agad kaming kumuha ng papel.
Akala ko naman kung anong kailangan gawin pero sasabihin lang kung anong progress sa ginagawa namin.
After namin ay nag ayos na ko ng gamit at pagkalingon ko saktong nakita ko sila Precious na paalis na.
"Wait nyo ko sa labas ah. Mag aayos lang ako." Sabi ko sakanila.
Mabilis naman ako nag ayos at sinigurado ko muna na wala akong maiiwan.
"Gusto ko mag elevator pababa. Pagod na oagod na ako." Parinig ko.
Nagulat ako kasi kasama pala namin sila Twinkle pati si Aerol. Binati ko sila Twinkle pero nagkatingin lang kami ni Aerol. Nauna silang maglakad habang kaming dalawa ay nasa hulihan na.
"Thank you pala sa pasalubong." Mahina nyang sabi.
"Ah..wala yun." Sagot ko sakanya.
Hindi kami nagkikibuan pagbaba pagkarating namin sa baba ay tuloy tuloy na kaming bumaba.
"Nakita mo ba si Dhanise?" Tanong ko sakanya habang naglalakad palabas.
"Kanina pero kasama nya sila Jelly kanina." Sabi nya sakin.
Kinuha ko ang cellphone ko tsaka chinat si Dhanise.
Martha:
Sabay ba tayo uuwi?Dhanise:
Oo. Hintayin mo nalang ako sa entrance. May dinaanan lang kami.Martha:
OkayGanon nga ang ginawa ko hinintay ko sya sa may labas habang nakikipag kwentuhan kila Precious.
"Martha, sabay din ako sainyo mag LRT. Susunduin din ako ni daddy sa 5th Avenue." Sabi ni Arwen sakin
"Tama yan para pare-pareho tayong naiistress sa tagal ng LRT na dadating." Natatawa kong sabi sakanya
Dumating na din si Dhanise at kasama nya sila Jelly. Kaya ang saya saya ko kasi ang dami naming naglalakad papuntang KKK.
"Alam nyo ba nagchicheat pa rin si ano like nahuli sya kasi naka hoodie pa tas naka video." Sabi ni Jelly kaya napatingin ako.
"Nahuli ba? Akala ko hindi?" Pagsasabat ko sa usapan.
"Oo daw." Pag coconfirm nya.
"Nakakahiya nga yun kasi isipin mo nung 1st sem tayo mali ba naman yung kinopyahan sa exam yung set b pa." Sabi ni Precious.
Actually ngayon ko lang nalaman na may ganon pala na nangyari kala ko literal na bumagsak lang talaga sya.
Pagkarating namin sa KKK ay nagpaalam na kami sa isa't isa at dumiretso kaming tatlo sa LRT. Pagkarating namin doon ay marami na agad pila.
"Next time talaga bibili na ako ng sarili kong train." Natatawa kong sabi at natawa din sila.
"Ang dami daming tao palagi." Sabi ni Dhanise at nag agree naman si Arwen.
Nakalimang train bago kami nakasakay tatlo literal na siksikan talaga. Wala ng space sa pagitan. Tiis tiis lang talaga para makauwi agad.
Martha:
Pauwi na po ako.Pagkasend ko nyan ay tinabi ko na ang phone ko kasi ang hirap kapag may hawak baka maisnatch pa. Ilang station pa ang dinaanan bago ako nakababa.
"Mag chat kayo ah pag nasa bahay na kayo. Ingat." Sabi ko tsaka ako bumaba.
Agad agad akong sumakay sa tricycle at nagpahatid ako sa SM dahil tuloy daw ang pag didinner namin doon.
"Bakit ang tagal mo?" Tanong ni daddy.
"Sobrang hirap sumakay ng train. Punuan pa." Sabi ko tsaka umupo sa tabi nya.
Ilang minuto ang lumipas tsaka dumating na ang pagkain namin. Tahimik nga lang akong kumakain kasi gutom na talaga ako.
"May gusto kang dessert?" Tanong sakin ni mommy.
"Ice cream nalang" Sabi ko at tumango naman sya agad.
Napili kong ice cream ay DQ kaya doon kami dumiretso. I bought my favorite ice cream which is chocolate kitkat.
"Tara na" Sabi ko tsaka naglakad na pauwi.
Pagkarating ko sa bahay ay wala na akong inaksayang na oras at naligo na ulit ako tsaka humiga. Feeling ko nawala lahat ng pagod ko.
Martha:
May sasabihin ako sa iyo.Crush nya si Lauv:
Ano iyon?Ang bilis talaga nya magreply baka kasi nasa bahay na kaya ganon. Bago pa ako makapagtipa ng bagong mensahe ay tinawag ako ni mommy.
"Nag wash ka na ng face mo?" Tanong nya sakin.
"Yes. Done na" Sabi ko sakanya tsaka binalik ang tingin sa cellphone.
Crush nya si Lauv:
Hoy ano yun?Martha:
Excited ka ba masyado? HAHAHAHA.Pabiro kong sabi pero sa totoo lang ay kinakabahan na talaga ako di ko alam kung tama ba na sabihin ko or wag na muna. Wala naman kasing masama if magkakagusto ako sakanya.
Martha:
What if?Crush nya si Lauv:
Hilig mo sa what if pero what if ano?Martha:
What if sabihin ko sayo na crush na kita?

BINABASA MO ANG
Staining your Confused Emotions (Holding You Series #1)
Novela JuvenilHolding You Series #1 Kristel Martha Regacion is a college student. Ang goal lang naman ay makagraduate ng mapayapa pero may di inaasahang dadating sa buhay niya. Malayo sa standard niya. What if pakitaan siya ng motibo or let's just say mixed signa...