Pag uwi ko ay nag aral na agad ako dahil 7pm na kaya naman binilisan ko lang kumain tsaka kinuha ang notes ko.
The epidermis is the outermost skin layer. Contains cells that produce pigment. Protects the body from the external environment.
The dermis is the middle layer of the skin. Contains nerve endings, oil and sweat glands, and hair follicles. Protecting your body from harm, supporting your epidermis, feeling different sensations and producing sweat and hair.
Hypodermis, Made up of fat, connective tissue, and larger blood vessels. The innermost layer of the skin is the hypodermis. Insulates your body to protect you from the cold and produces sweat to regulate your body temperature, protecting you from the heatNag rerecap lang ako ng mga topic kasi naaral ko na sya nung bakasyon kaya confident ako kinabukasan.
"Kinakabahan ako." Wala sa sarili kong sabi habang nakatayo.
"Kaya natin yan last push nalang." Sabi sakin ni Lauren Venice kaya tumango ako.
Kaya natin ito sabi ko sa sarili ko. Nag start na kami papilahin dahil moving exam ang finals namin. Parang lalabas ang puso ko sa sobrang kaba. Kailangan ko kasing umabot ng 75 percent para makapasa ako.
"Okay times up, move." Sabi ng prof namin kaya nagmadali ako magsulat.
Pinasa ko na sakanya dahil last number na din naman at pagkalabas ko ay nakatulala ako. Iniisip ko kung aabot ba sya. Pagbaba namin ay nakita ko si Lyka na nakatingin sa kawalan kaya umupo ako sa tabi nya.
"Kamusta?" Tanong ko sakanya.
"Ang dami kong walang sagot." Sabi nya sakin.
"Ako nga walang laktaw pero mga di naman ako sigurado." Natatawa kong sabi sakanya pero kinakabahan talaga ako.
Dalawang araw pagkatapos namin mag exam ay biglang nag chat ang prof namin sa teams.
"Grades are already encoded through CRS, you may now check your final grades. For those who want to seek grade consultation..."
Ang haba ng sinabi nya kaya todo kaba ako pero hindi ko muna tinignan yung grade ko since may i-eexam pa kami mamayang hapon. Maya maya ay nakita ko sila Precious.
"Tinignan mo na grade mo sa zoology?" Tanong ni Lauren.
"Hindi pa kayo?" Tanong ko sakanila.
"Hindi pa din." Sabay na sabi ni Michaela pati ni Lauv.
Habang nag eexam ako ng evolutionary biology lecture ay hindi ko maiwasan na isipin. Nananalangin na nga ako na kahit tres lang masaya na basta umabot ako.
Mga 5pm na nung natapos kami kaya agad agad kaming bumaba at naglalakad na sila Precious kasama si Aerol.
"Tignan nyo na kaya yung grade nyo." Suggest ni Aerol habang nasa gilid kami ng gazebo.
Nilabas na naming tatlo nila Michaela at Lauren ang cellphone tsaka nag log in sa CRS. Pikit mata kong tinignan ang grade.
General Zoology Laboratory - 5.00
Nakatulala nalang ako nung nakita ko yan. Ginawa ko naman ang best ko pero hindi pa rin pala sapat. Tinignan ko naman ang mukha ni Lauv at Michaela.
"Pumasa kayo?" Tanong ko.
"Sumabit ako sa tres." Masayang sabi ni Lauv.
"Hindi ako umabot." Mahinang sabi ni Michaela kaya yumakap ako sakanya.
"Hindi rin ako." Mabigat kong sabi sa kalooban ko.
Tinignan naman kami nila Precious at Aerol kaya nauna na kaming maglakad ni Micha at sumunod na sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/355513800-288-k62875.jpg)
BINABASA MO ANG
Staining your Confused Emotions (Holding You Series #1)
أدب المراهقينHolding You Series #1 Kristel Martha Regacion is a college student. Ang goal lang naman ay makagraduate ng mapayapa pero may di inaasahang dadating sa buhay niya. Malayo sa standard niya. What if pakitaan siya ng motibo or let's just say mixed signa...