"Class dismissed." Sabi ng prof namin kaya inayos ko na agad ang gamit ko habang ang katabi ko ay nakaupo pa rin.
"Hindi ka ba uuwi?" Di ko napigilan na tanong sakanya.
"Hinihintay lang kita mauna." Sagot naman nya kaya inirapan ko nalang.
"Bakit naman kasi sa dami ng upuan bakit sa tabi ko pa napili." Bulong kong sabi sa sarili ko.
"May sinasabi ka?" Tanong nya.
"Wala. Sabi ko uuwi na ako at sana naman di na kita katabi." Straight forward kong sagot sakanya at ngumisi sya.
"Ingat ka, Kristel Martha." Paalam nya sakin at napalingon ako sakanya.
"How did you know my name?" Curious kong sabi sakanya.
"I saw you making a calligraphy using your name." Confident nyang sabi.
Di ko na sya pinansin at umalis na ako dahil mag 6:30 na at rush hour tsaka nakakatakot since nasa recto pa ako. Ito pa naman ang lugar na maraming magnanakaw.
"Kumain ka na mukhang pagod na pagod ka." Bungad ni mommy.
"Sige po." Sagot ko sakanya.
Pagkatapos kong kumain ay naghugad na agad ako ng plato at maya maya ay biglang nag notify ang phone ko.
Forrest Kaiden Craig sent you a friend request.
Accept | Decline"Decline." Sabay na pagsabi ko ang pagpindot ko ng decline button.
I don't see any reason para iaccept sya. Mabilis lumipas ang araw kaya hindi ko napansin na natapos na ang isang buwan.
"Hindi mo pa rin inaaccept friend request ko." Reklamo ni Forrest sa tabi ko
"Wag kang maingay. Nagdidiscuss si ma'am." Saway ko sakanya at tinuloy ang pagsusulat ng notes.
"Friend request lang naman ang damot mo naman." Pagmamaktol nya.
"Anong sunod ng pag accept ko ng friend request mo? Magchachat ka sakin ng hi tas magtutuloy tuloy na yun tapos ano? Araw araw tayong mag uusap tas nag uupdate pa with picture tapos sa dulo wala lang pala sa dulo friendly gesture lang then di na tayo mag uusap kasi ang gulo gulo na." Sunod sunod kong sabi sakanya.
"Wow." Ayon lang ang sinabi nya.
"What?" Masungit kong sabi.
"Masyado mo namang pinapangunahan ang lahat atsaka wala pa naman atsaka hindi ka naman sure. Atsaka let me remind you psychology kinuha mong course hindi manghuhula." Sabi nya pero di na ako nakinig after sakanya.
Well, kahit sinasabihan ko na sya palagi na wag tumabi sakin ay makulit talaga kaya hinayaan ko nalang kasi wala naman akong choice kung paulit ulit ko lang babanggitin sakanya.
"For your research I'll assign your groupmates. Kristel, Julia, Kat, Zakie and Forrest..." Pagbabasa nya ng paper kaya napatingin ako sakanya.
"I think you have a reason now to accept my friend request." Sabi nya at ngumisi.
Palagi nalang ako binibigyan ni Lord ng plot twist sa buhay ko.
Napangisi ako sa naisip ko. "Sorry pero still no." Panindigan kong sabi.
"But how can we make ——" Di ko na sya pinatapos at sumabat na agad ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/355513800-288-k62875.jpg)
BINABASA MO ANG
Staining your Confused Emotions (Holding You Series #1)
JugendliteraturHolding You Series #1 Kristel Martha Regacion is a college student. Ang goal lang naman ay makagraduate ng mapayapa pero may di inaasahang dadating sa buhay niya. Malayo sa standard niya. What if pakitaan siya ng motibo or let's just say mixed signa...