Crush nya si Lauv:
Edi crush mo ko HAHAHA.Martha:
Luh. Tinawanan.You cleared Aerol Jazper Macarig nickname.
Aerol:
Nagselos bigla kaya nag cleared nickname.Martha:
Guni guni mo talaga atsaka what if lang yun di totoo.Syempre di ko sasabihin na totoo kasi sa dulo ako lang naman yung talo saming dalawa. Ayan kasi pinagsabihan na ng mga kaibigan na mixed signals pero go pa rin.
Aerol:
Kunwari ka pa.Martha:
Baka mag assume ka na nyan.Aerol:
Totoo naman kasi na may gusto ka sakin. Dinedeny mo pa.Bumilis ang tibok ng puso ko na hindi ko alam kung anong dahilan. Hindi naman pwede na dahil sa kape dahil hindi pa ako umiinom ulit.
Hindi ko nalang sya nireplayan tsaka pinatay ang internet at nagtungo nalang sa wattpad. Malakas loob ko magbasa kasi online lang bukas.
"Mag momove na tayo sa next topic which is the redox titration, sa oxidation and reduction ay sinasabi lang dito na icoconsider mo sya na oxidation if they loss electron while sa reduction kabaliktaran nya which is gaining of electron."
Sa umpisa ay medyo attentive pa ako kasi nagegets ko pa sya pero pagdating sa gitna ay hindi na ako nakakasunod dahil may computations na.
"Ms. Regacion, can you please repeat what are the five EDTA titration technique?"
Napabalik naman ako sa sarili ko dahil sa tanong sa sobrang lutang ko ay di ko na sya nasusundan. Buti nalang nakabukasan yung pdf na sinend nya sa teams.
"Direct titration, Back titration, Displacement titration, Indirect titration and Masking Agent po."
Buti nalang ay di na nya ako tinawag ulit kaya kahit inaantok ako ay sinusubukan ko talaga maging focus sa lesson nya.
"For our face to face next week, please prepare for your short quiz about our topic." Huling sinabi nya bago nya iend ang call.
Pagkatapos ng meet namin sa chemistry ay tinanggal ko ang salamin ko tsaka pumikit maya maya ay nag text si mommy sakin.
Mommy:
Tumawag na sakin yung shopee nandyan na yung order ko.Napabuntong hininga ako tsaka tumayo na at lumabas ng bahay pagkababa ko ay saktong nag aabang na yung sa delivery.
Ganon lang ang ginawa ko halos maghapon umattend ng online class tas nag short break if may time pa since masakit sa mata ang tumutok ng matagal.
Kinabukasan naman ay umalis na ako ng 7:30 dahil may klase pa ako ng 9:00 am.
"Round table po. Estudyante." Sabi ko sa driver ng jeep.
Pagdating ko sa school ay medyo maaga pa kaya tumambay muna ako sa gazebo. Naghintay lang ako ng ilang minuto at biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Dhanise.
"Saan ka?" Bungad nyang tanong.
"Nasa gazebo 7." Sagot ko agad.
BINABASA MO ANG
Staining your Confused Emotions (Holding You Series #1)
Novela JuvenilHolding You Series #1 Kristel Martha Regacion is a college student. Ang goal lang naman ay makagraduate ng mapayapa pero may di inaasahang dadating sa buhay niya. Malayo sa standard niya. What if pakitaan siya ng motibo or let's just say mixed signa...