Teka teka, totoo ba tong naririnig ko? na tong hearthrob na to niyaya ako na maging boyfriend ko sya? O may gad! Bading din sya hala! Grabe, maraming maha-heart broken nito! isang malaking story to!
Batok
"Hoy! Baka kung anu-ano naman yang iniisip mo ha! &%$# ka!"
Nanlaki lang ang mata ko sabay hawak sa ulo ko kung san nya ko binatuka.
"O ano kaya mo bang bayaran tong longsleeve ko o hindi?" Tanong nya sakin.
"Oh bakit magkano ba?"
"1,000"
"Eh 1,000 pesos lang pala eh! sige sige babayaran ko nalang!" Shit! bakit ang mahal ng long sleeve nya? San ako kukuha ng pera nito?
Kunwari huhugot nalang ako ng 1k sa wallet ko tas kunyari nakalimutan ko pera ko, sige ganun nga.
"One thousand pesos no? Teka lang" wika ko sabay arte na kunwari kukunin yung pera sa wallet.
Nang bigla syang nagsalita...
"Anong pesos sinasabi mo? 1,000 dollar hindi 1,000 pesos!"
Haaaaah &%$#!!!!!!!
Nagulat ako sa sinabi nya, kinuha ko agad yung cellphone ko para iconvert ang dollar sa pesos. Magkano nga ba ang palitan ngayon. 44 pesos no? 1k times 44 equals 44,000!!!!!!!!!
Halos mahulog ako sa upuan ko ng makita ko sa screen ng cellphone ko kung magkano yun babayaran ko. Bakit ba may mga ganitong kamahal na damit at sino naman bibili ng ganitong kamahal na damit!? Sabihin nyo!!!!!
Ow! nga pala marami nga naman palang pera tong mokong nato. Bakit sakin pato nangyari? Eh anong connect ng gusto nya kong maging boyfriend.
Nag-iisip pako ng bigla syang nagsalita.
"Ano? Di mo kayang bayaran diba? So how about accepting my deal?"
Sabi nya sakin na parang confident na confident na tatanggapin ko ung gusto nya.
"Choosy pa? May mawawala sayo?! Ang swerte mo nga ikaw ang nagkataon na napili ko para sa operation hulog ko eh!"
Sabagay may point nga naman sya. Una sa lahat di naman ako talo dito wala naman mawawala sakin, may instant boyfriend pako at di basta-basta boyfriend pinagkakaguluhan at pinagpapantasyahan pa ng sambayanan.
"Sure ako papayag ka! So heres the deal magboyfriend lang tayo pag nasa harap natin sa Hana and this will last after one year since na im pretty confident na mapapasagot ko na si Hana within one year. Di moko pwedeng tawagan ako ang tatawag sayo. Ako ang masusunod sa lahat, di ka pwedeng magsalita at lalung lalong di mo pwedeng sabihin tong deal natin or else bayaran mo nalang yung 44,000 pesos at lastly bawal kang mainlove sakin. Bawal kang ma attach or kahit anong feelings para sakin oh ano? May tanong kapa??"
Halos mapanganga lang ako sa sinabi nya
Medyo naguguluhan pa ko sa nangyayari ngayon. Paki remind nga ulit ako kung pano ako napasok sa sitwasyon nato? May boyfriend nako at yung boyfriend ko yung sikat at hearthrob pa :). Totoo ba to?Habang hindi ako makapaniwala sa nangyayari bigla nyang hinablot sa kamay ko yung cellphone na hawak ko at nag type sa dipindot kong cellphone. yeah, yeah i know dipindot parin ang cellphone ko hindi pa touch screen.
Habang hawak nya cellphone ko nakatingin din sya sa screen ng cellphone nya.
"Teka?! May load kaba!?"
Hindi ko alam kung ano nangyayari sakin parang di ako makapag isip ng matino. Nung nagtanong si Jason na kung may load ako napailing lang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Strange Love BOOK 1 (BL Romance)
Romance(Highest rank: # 1 ) Dahil sa katangahan ko napilitan akong tanggapin ang deal ng ka-schoolmate ko. gusto nyo bang malaman kung sino sya? sya lang naman ang pantasya ng bayan. nagkagusto sya sa isang babae na naaattract lang sa mga lalaking bisexual...