"Anong ginagawa mo rito Francis?" Tanong ko.
"Sabi kasi ni Ramon nag-igib ka kaya pumunta ako dito para tumulong" sagot nya sabay lapit.
"Ang dami mo namang ini-igib, tatlong timba?" Tanong nya sakin.
Tignan mo tong si Jason nakalimutan nya pa tong timba nya.
Binuhat ni Francis yung timba naming may lamang tubig at dinala sa tent namin habang ako kinuha ko naman yung dalawang timba na dala ni Jason para ilagay sa labas ng tent nila pero syempre walang laman yun hehe.
Nilapag ko sa gilid ng tent nila yung dala kong dalawang timba, aalis na sana ako ng marinig ko yung boses ni Jason na may kausap. Sa tingin ko sa Philip yung kausap nya.
"Anong problema pre? Wag mo sabihing..."
"Hindi ganun pare! Kilala mo naman ako! Naguguluhan lang ako!" Boses ni Jason.
"Ano bang gumugulo sayo? Alam mo kung ako sayo, iwasan mo lahat ng tao sa paligid mo at mag focus ka kay Hana pare! Tandaan mo chance mo na to! Diba ito naman talaga yung plano? Anong nangyayari sayo?" Paliwanag ni Philip.
Nang marinig ko yun bigla akong nalungkot kasi ito nanaman ako, kailangan ko nanamang harapin yung katotohanan.
* * *
Pagkalipas ng ilang minuto tinawag na kami ng student council para sa mga activities.
Unang activity, human centipede dito raw masusubok yung trust at coordination namin sa isat isa. Nag grupo kami ng 15 member, niyaya ko si Jason pero di nya ko pinansin.
Magkagrupo pala sila ni Hana, magkasunod silang dalawa sa pila kaya naman magkahawak ang mga kamay nila.
Halos sa kanilang dalawa lang ako nakatingin, kitang kita ko ang saya sa muka ni Jason at Hana.
Bigla ko tuloy naisip tignan mo tong si Hana parang kinikilig pa ngayon! samantalang nuon tinanggihan nya si Jason.
Talo kami sa unang laro, ganun din sila Jason pero parang panalo tong dalawang to ha. Kung maglandian kala mo sila na!
Second acitivity na namin, tatawid naman sa lubid. Ang goal kailangan makalipat lahat ng member sa kabilang side na hindi nahuhulog sa tubig.lilipat kami sa pamamagitan ng pagtawid sa lubid.
Hindi ko nakikita si Jason na tumitingin sakin kahit pa na todo cheer ako sa kanya lalo na nung sya na ang tumatawid sa lubid.
Syempre lahat sila nagulat sa cheer ko, ang iba natuwa kasi todo suporta ako sa kanya. Pero pagkatapos ng makatawid ni Jason kinausap nya agad si Hana todo tawanan pa silang dalawa.
Nakita ko pa na hinawakan ni Hana yung mga palad ni Jason na para bang tinatanong kung okay lang yung kamay nya dahil sa paghawak sa lubid.
Nakita ko pa na ini-ihip ihipan pa ni Hana yung mga kamay ni Jason! Anong kala nya kay Jason, bata?
Tignan mo tong mokong nato, ang labo kausap ako pinagbabawalan nya na makipag landian kay Francis kahit na hindi naman talaga!
pero sya tignan mo! halos ipagdukdukan na sa buong mundo na sweet sila! Nako ha nakakapang init ng ulo!
Pangatlong activity na, paunahan gamit ang mabigat na kahoy na sabay sabay nyo dapat buhatin this activity requires team work talaga.
Todo cheer parin ako kay Jason para malaman ni Hana na hello andito kaya yung partner ni Jason at para rin mapansin ako ng mokong nayun!
Pero kahit anong gawin ko para lang akong hangin sa kanya. Parang hindi nya ko kilala dinadaan daanan nya lang ako.
Hanggang matapos yung last activity namin nanalo yung grupo nila.
BINABASA MO ANG
Strange Love BOOK 1 (BL Romance)
Storie d'amore(Highest rank: # 1 ) Dahil sa katangahan ko napilitan akong tanggapin ang deal ng ka-schoolmate ko. gusto nyo bang malaman kung sino sya? sya lang naman ang pantasya ng bayan. nagkagusto sya sa isang babae na naaattract lang sa mga lalaking bisexual...