Tumakbo ako ng mabilis papunta sa mansion nila Jason wala nakong pakilam kong ano ng mangyari sakin kahit pa na madapa ako wala ng hihigit pa sa sakit na nararamdaman ko ngayon parang tinutusok tusok ng karayom ang puso ko.
Ang tanga tanga ko bakit hindi ko pinakinggang si Jason!
Pumara ako ng jeep para mas mabilis na makarating kila Jason. Habang nakaupo ako sa jeep paulit ulit na nag ple-play sa isip ko yung pag-uusap namin ni Philip.
"Philip anong nangyari kay Jason?" sabi ko.
"gusto ko lang ipaalam sayo na si Jason ---"
Hindi pa tapos magsalita si Philip agad na akong sumagot.
"alam ko dati ayaw moko para kay Jason pero, gusto ko lang malaman kung nasaan si Jason ngayon.." sabi ko kay Philip.
Yumuko lang sya at nanahimik.
"ang sabi mo sa UK na mag aaral si Jason pero bakit umattend parin sya nung enrollment?" dagdag ko pa.
"tama ka na sa UK na mag aaral si Jason, pumunta sya duon dahil...
dahil hanggang ngayon may nararamdaman parin sayo si Jason!" sigaw nya.Di ko inaasahan na tataas ang tono ng pananalita ni Philip.
"tama na Philip! alam ko alam mo na mahal ko parin si Jason, pero wag mo naman akong saktan ng ganito, wag mo na kong paasahin kay Jason.. masaya na sila ni Hana! gusto ko lang naman sya kausapin."
"cant you see Brent! Una palang, ikaw na ang pinili ni Jason! That day, bago ka umalis... sinabi ni Jason na ikaw talaga ang laman ng puso nya! na nahulog na sya sayo!(pasigaw parin nyang sabi sakin)
Pero nung hinanap ka na ni Jason sa venue wala kana " sabi ni Philip na may pagka emotional na ang boses.
"kung totoo yang sinasabi mo... Bakit kahit isang beses di nya ko pinuntahan! kung totoo yan sinasabi mo dapat nuon palang, nuon palang pinuntahan na nya ko at di na nya pinatagal ng ganito!!" tumaas narin ang tono ng boses ko.
"dahil kay Francis!"
Bigla akong nanghina ng marinig ko yun.
"teka.. kay Francis?.. panong dahil kay Francis...?"
"sa tingin mo ba hindi ka pupuntahan ni Jason nun? para namang hindi mo kilala si Jason Brent, gagawin nya lahat ng kaya nyang gawin pag gusto nya ang isang tao. pero pano nya gagawin yun kung mismong ikaw masaya na sa iba?"
halos manhina nako sa jeep habang inaalala ko lahat ng mga sinabi sakin ni Philip.
"pero huli na ang lahat... wala ng sense kung sabihin ko pa lahat sayo to, makikita mo si Jason sa kwarto nya pero gusto ko lang sabihin sayo na....
.
.
.
.
si Jason....."nakatingin lang ako kay Philip na ngayo'y nakayuko at ramdam na ramdam mo yung lungkot sa kanyang mga mata.
napatakip ako ng bibig ng biglang tumulo ang kanyang mga luha.
bigla akong nakaramdam ng takot at kurot sa aking puso.
"anong ibig mong sabihin Philip? nasan si Jason?" tanong ko sa kanya, pero tumingin lang sya sakin habang umiiyak..
"sorry Brent.... sorry..."
nang marinig ko yung mga salitang yun hindi nako nagdalawang isip at agad na pumunta sa bahay nila Jason.
habang tumatakbo ako patuloy din ang pagdaloy ng aking mga luha.
naiinis ako sa sarili ko at nagtatanong na kung sana binigyan ko ng pagkakataon na magpaliwanag si Jason na kung sana pinansin ko nalang sya.
BINABASA MO ANG
Strange Love BOOK 1 (BL Romance)
Storie d'amore(Highest rank: # 1 ) Dahil sa katangahan ko napilitan akong tanggapin ang deal ng ka-schoolmate ko. gusto nyo bang malaman kung sino sya? sya lang naman ang pantasya ng bayan. nagkagusto sya sa isang babae na naaattract lang sa mga lalaking bisexual...