Naghihiyawan halos lahat ng istudyanteng kasama sa laro ng spin the bottle ng i-dare nila si Jason na halikan yung taong gusto nya.
Halos matanggal naman yung braso ko kay Ramon na sobrang kilig na kilig. Ayan tuloy! pati ako nahawaan na ng kilig nila.
"Ano na Jason? Kanino mo ibibigay yung halik mo?" Tanong nung isang estudyante.
Narinig ko yung iba na sinasabing di paraw ba obvious? Syempre sakin daw nya ibibigay yun.
Tumayo si Jason na naging dahilan para magsigawan pa lalo tong mga estudyanteng to. Halos magwala sila sa kilig. Napayuko nalang tuloy ako para naman di masyadong obvious na kinikilig din ako.
Nakatingin lang ako sa mga kamay ko habang hinihintay si Jason. Lahat kami nun naka indian seat.
Pumikit ako saglit ng biglang tumahimik ang paligid na pinagtaka ko naman.
Agad akong tumingin sa grupo at nakita ko yung mga muka nila na parang shock na shock.
Kaya naman tumingin ako kay Jason na ngayo'y nakadikit ang mga labi sa pisngi ni Hana.shit! Ang sakit sa pakiramdam!!!
Yumuko ako at ngumiti, naramdaman ko naman yung paghawak ni Ramon sa likod ko.
"Okay lang yan... Wag mo nalang pansinin" bulong ni Ramon.
Parang nagulat naman ang lahat sa nangyari ang akala ng lahat sa akin ibibigay ni Jason yung halik nya.ayan! Masyado kasing assuming! Bagay lang yan sayo!!!
Tumingin ako kay Hana na parang wala lang sakanya.
Napatingin nalang ako sa kanan ko ng bigla akong sikuhin ni Princess.
Inabutan nya ko ng panyo, una nagtaka pako kung para saan yung panyo hanggang tinuro nya yung mata ko.
Pagkapa ko sa mata ko di ko namalayan na kusa na palang tumutulo yung luha ng mga mata ko. Halos nakatingin naman ang lahat sakin including Hana and Jason.
"Nako! Napuwing ako! Teka nga saglit lang, mag hihilamos lang ako ha... Sige sige tuloy nyo lang yan." Sabi ko sabay alis.
"Brent! Brent!" Sigaw ni Jason pero hindi ko sya nililingon.
"Brent! Stop!" Sigaw niya sabay hila sa braso ko.
"What was that?!" Sigaw sakin ni Jason na halata na sa boses ang galit.
"Wala... Napuwing lang ako." Sagot ko sa mahinahong boses. Di ako tumitingin sa kanya.
"Wag mo kong gawin tanga Brent! We both know na hindi ka napuwing! What the hell are you thinking! Tanga kaba ha?! (Hinampas nya yung kamay nya sa noo nya)
Sinisira mo yung diskarte ko Brent eh! Ano bang problema mo ha? This is my only chance para maging kami ni Hana! Pero dahil sa ginawa mo..
Wait? Are you falling... Dont tell me?We have a deal Brent! Dont tell me nagseselos ka? Na my feelings kana para sakin ha!" Sigaw nya parin sakin.
Pero di ako sumasagot sa kanya.
"Brent! Ano! Magsalita ka! Sabihin mo kung ano yung problema mo bakit kailangan mo pang gumawa ng ganung eksena!!!! Parang ang dating sa lahat niloloko kita na sinaktan kita! Ano! Brent sumagot ka! Ano!!!!" Nang gigigil nyang sigaw.
"Oo na!! Nagseselos ako! Nasasaktan ako!! Ayun ba yung gusto mong marinig, ha? Na ako nahulog sa taong tulad mo?! Oo may feelings nako sayo!!"sigaw ko sa kanya hindi ko narin kasi napigilan yung sarili ko. Para bang hindi ako makahinga na parang gusto ong ilabas lahat ng nararmdaman ko.
Pagkatapos kong ilabas yung nararamdaman ko naglakad na ko para makalayo sa kanya.
"Let me remind you Brent this is just only a deal nothing's personal! Nagpapanggap tayo na mag boyfriend para mainlove sakin si Hana! Kaya lahat ng ginagawa ko sayo! lahat yun palabas lang!" Sigaw nya parin habang hinahabol ako sa paglalakad.
Bigla nyang hinawakan ng mahigpit yung mga braso ko para huminto ako sa paglalakad.
"Sinabi ko na sayo dati na magpapanggap tayo na mag boyfriend pero no string attach diba? You were there nung sinabi ko yun diba? So ano to ngayon? Sabihin mo sakin anong mahirap dun Brent! Magpapanggap kalang! Di ko sinabing sirain mo yung plano!"
Di ako sumagot sa kanya nakatingin lang ako sa baba.
"Gusto kong ipaalala sayo na ginagawa natin to para magustuhan ako ni Hana! This is part of our deal kaya tanggalin mo yang nararamdaman mo para sakin!"
"Brent!" Sigaw ni Princess.
Nakita ko yung muka ni Jason na parang lalo pang napikon pero hindi sya humarap kay Princess nakahawak parin sya ng mahigpit sa braso ko.
Umiiyak parin ako that time ng tumingin ako kay Princess andun din sina Ramon at Francis sa itchura nila ngayon? Mukang narinig nila lahat ng pinag tatalunan namin ni Jason.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko sa gilid si Hana yung sakit na nararamdaman ko napalitan ng takot at kaba.
Nakita ko na parang pinipigilan nalang niya yung galit na nararamdaman nya.
Tumingin ako kay Jason at nagtama ang mga mata namin sabay tumingin ako kay Hana.
"Jason?" Wika ni Hana.
Napatingin din sakin si Jason na gulat na gulat at dahan dahang humarap kay Hana. Bigla nyang binitawan ang braso ko at tumingin lang kay Hana.
Halos maluwa narin si Hana sa nalaman nya. Sino ba naman kasi ang hindi masasaktan sa ginawa namin, parang pinag laruan lang namin sya. Hindi, pinaglaruan pala namin talaga sya.
"Hana... Let me explain..." Sabi agad ni Jason sabay lapit sa umiiyak na dalaga.
Agad naman syang nakatanggap ng isang malutong na sampal mula kay Hana.
"Anong ginawa ko sayo Jason ha?! Anong kasalanan ko sayo?! Bakit mo nagawa sakin to ha (sinampal nya ulit si Jason)"
Hindi sumasagot si Jason, nakayuko lang sya.
"Nandamay kapa ng iba sa kagaguhan mo! (Tumingin sakin si Hana) im so disappointed on you Brent. Kala ko isa kang kaibigan!"
Napapikit nalang ako ng sabihin sakin ni Hana yun, masakit para sakin pero alam ko mas masakit para sa kanya yung ginawa naming panloloko sa kanya.
Nakatanggap ng hampas at sampal si Jason mula kay Hana habang inuusal ng dalaga ang sakit na nararamdaman nya.
"Sumagot ka Jason! Anong ginawa ko sayo! Bat pinaglalaruan mo ko! Anong kasalanan ko sayong hayup ka!!! Kala ko iba ka, na mali lang yung pagkakakilala ko sayo!"
Walang ibang nasabi si Jason kundi sorry habang tinatanggap lahat ng hampas at sampal ni Hana sa kanya.
"Akala ko iba ka... Akala ko nagbago kana! Pero hinding hindi kana talaga magbabago!" Yun yung huling sinabi ni Hana sabay alis.
Nakayuko lang si Jason hindi ko alam kung pano ko sya kakausapin.
Nagulat ako ng tumingin sya sakin nakita ko yung lungkot sa mga mata nya kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha.
"Masaya kanaba Brent? You ruined everything..."
BINABASA MO ANG
Strange Love BOOK 1 (BL Romance)
Romance(Highest rank: # 1 ) Dahil sa katangahan ko napilitan akong tanggapin ang deal ng ka-schoolmate ko. gusto nyo bang malaman kung sino sya? sya lang naman ang pantasya ng bayan. nagkagusto sya sa isang babae na naaattract lang sa mga lalaking bisexual...