Chapter 8: Try

6.6K 219 2
                                    

            Ngayong araw na to ang bigat ng pakiramdam ko parang tamad na tamad akong kumilos.

Nang malapit nako sa gate natanaw ko agad si Jason kung saan sya tumatambay tuwing umaga.

Tumingin ako sa kanya... Nag isip ako kung pano ko sya haharapin or iiwas nalang ba ako?

Huminga ako ng malalim at naglakad papasok ng gate. Sumalubong sakin ang magandang ngiti ni Jason.

"Parang medyo late kanang pumasok ngayon ha!?" Bungad niya habang maganda parin ang ngiti.

Sasagutin ko na sana sya ng makita ko yung babaeng nagbanta sakin kahapon ang sama ng tingin nya sakin.

Tumingin ako kay Jason at sinagot ko lang sya ng tango. Aalis na sana ako ng bigla nyang hawakan ng mahigpit ang braso ko.

"Brent anong problema!?"

Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa braso ko at umalis ng wala man lang sinasabi.

"Huy anong problema mo?" Tanong sakin ni Princess na hindi ko na naman mapaliwanag kung saan nang galing.

"Ahh wala..."

"Tara, andun si Ramon sa CV park breakfast muna tayo!" Yaya sakin ni Princess di pako sumasagot kung sasama ako ng bigla nya kong hilahin papunta dun.

Pagdating namin sa CV park nakita ko agad yung ulo ni Ramon, nako kumakain na agad di man lang kami hinintay.

"Tama ba tong ginagawa ko?"

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong sakin ni Princess habang umo-order ng pagkain nya.

"Na tama ba na pumayag akong magpanggap na kami ni Jason?"

"Masaya kaba?"

Napatingin ako bigla kay Princess ni hindi ko masagot yung simpleng tanong nya sakin.

Sa totoo lang nung una medyo naiinis ako sa kanya pero lately...

Nung unti-unti ko syang naki-kilala iba na yung nararamdaman ko sakanya. Pag kasama ko sya, yung feeling na ang gaan-gaan ng pakiramdam mo. Yung gustung- gusto mo syang makausap at makasama.

Kung kailan nakikilala ko pa lang sya dun naman kami pinaglalayo ng tadhana.sigh

Nagising ako sa pag iisip ng bigla akong batukan ni Princess.bakit ba lagi nalang akong binabatukan!

"Ano bang problema? Alam mo kilala kita hindi ka mag kaka-ganyan kung wala kang problema."

Hinila ako ni Princess at pinaupo sa gitna nilang dalawa ni Ramon. Wait a sec.. Bakit yata ako lang yung walang pagkain!

Agad akong sumigaw kay kuyang tindero para umorder ng hotdog sandwhich.

"Alam mo ikaw patay gutom ka rin eh no?"   Biro ni Ramon.

Actually di ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila o hindi, natatakot kasi ako baka madamay rin sila pero natatakot narin ako para sa sarili ko.

Kulang nalang may lumabas na usok sa ilong ni Ramon at Princess ng malaman nila kung ano yung nangyari sakin kahapon.

Buti nalang sinabi ko sa kanila atleast kahit papano medyo gumaan yung pakiramdam ko at sinabi rin nila na aalamin nila yung pangalan ng babaeng tinutukoy ko yung background nya.

Nag pasalamat ako sa kanilang dalawa kahit papano nakaramdam ako na may karamay ako at medyo gumaan yung pakiramdam ko.

Nag uusap kaming tatlo ng biglang dumaan sa harap ng table namin yung lalaking nag abot sakin ng panyo kahapon.

Strange Love BOOK 1 (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon