Chapter 20: Fixed

6.1K 223 7
                                    

            Kinabukasan...

Nagising ako ng maaga, naalala ko pa kung pano kami nag-usap ni Hana. Nararamdaman ko pa yung kaba na nararamdaman ko nun mga oras nayun sumabay pa ang lamig ng hangin nung gabing yun.

Hindi tumitingin sakin si Hana halata na may nararamdaman parin syang galit.
Salamat nalang at may taglay syang kabaitan kaya naman hinayaan nya kong magsalita at magpaliwanag.

Bumagon ako sa higaan ko at agad na inayos yung binili kong kapalit na damit ni Jason na natapunan ko ng mayonaise nuon.

Nakausap ko na si Hana kaya naman ngayong araw nato si Jason naman yung kakausapin ko.

Habang nasa jeep ako papunta kila Jason bigla ulit nagflash back yung nangyari samin ni Hana kagabi.

"Hana alam ko galit ka... Pero wag mo naman sanang isara yang puso mo..." Malumanay kong sinabi.

"Lahat naman ng to Hana nangyari dahil gusto ka ni Jason eh... (Yumuko lang si Hana) Hana nakita mo naman siguro kung ano yung kayang gawin ni Jason diba dahil sa pagmamahal nya sayo." Wika ko pero wala parin akong natatanggap na response kay Hana.

"Hana alam mo na mayabang si Jason mataas ang pride pero lahat ng yun nilunok nya ni wala syang pakilam kahit anong isipin ng iba nung magpanggap kami na magboyfriend.... Hana ginawa nya lahat ng yun para sayo."

"Hindi ko hiniling na gawin nya sakin yun" sabi ni Hana na nagsisimula ng mawala ang galit.

"Hindi mo sinabi pero ginawa nya dahil mahal ka nya... Hana kung ako tatanungin mo matapang si Jason na gawin lahat ng yun para sayo bilang nalang yung mga ganun tao ngayon na gagawin ang lahat para sa taong mahal nila... Sana naman Hana bigyan mo ng chance si Jason...."

Tumingin lang sakin si Hana.

Ngumiti ako sa kanya habang naiiyak.
"Kung bibigyan mo ng pagkakataon Hana si Jason magugulat ka... Hindi sya yung Jason na kilala mo ngayon..."

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Hana.

"Si Jason.... Kahit na ganun sya mapagkakatiwalaan mo sya hinding hindi ka nya lolokohin Hana... Nakita ko kung gano ka nya kamahal.. Oo mayabang sya pero sa likod nun nag tatago yung taong mapagmahal. Minsan nahihiya syang ipakita yun.. Maarte rin sya ayaw nya sa mayonaise. Madali rin syang mag alala pero hindi nya aaminin na nag aalala sya. Ayaw nya rin na pinagseselos sya.." Sabi ko sabay tulo ng aking mga luha. Bawat salita nanggagaling sa aking puso.

"Kaya Hana please bigyan mo naman ng chance si Jason..." Pakiusap ko kay Hana na ngayo'y nakatingin lang sakin.

"Pano ka...?" Tanong sakin ni Hana.

Ngumiti ako sa kanya habang umiiyak.

"Kung may isa man akong natutunan kay Jason... Yun yung pasayahin yung taong mahal mo kahit na ang kapalit panun ay masaktan ka."

Pagkatapos namin mag usap para syang naliwanagan sa mga sinabi ko. Kinuha ko yung contact number nya bago ako magpaalam sa kanya.

* * *

Bumaba ako ng jeep at naglakad papunta sa bahay nila Jason. Tama ba tong ginagawa ko? Pag ginawa ko to masasaktan ako. Nagdadalawang isip nakong kausapin si Jason ng biglang sumagi sa isip ko yung sinabi ni Philip na kung mahal ko talaga si Jason i will not hold him back.

Pipindutin ko na sana yung doorbell ng makita ako ni kuya Guard kilala nako ni kuya Guard kahit isang beses palang kami nagkikita siguro dahi mismong si ate Raquel yung nagpapasok sakin nun.

"Sir Brent! Bibisitahin nyo po ba si Sir? Pasok po kayo nasa loob na si manang Raquel." Pagpapatuloy sakin ni kuya Guard.

Dahan dahan pakong pumasok sa living room nila.

"Ate Raquel.... Te Raquel..." Tawag ko sa kasambahay nila Jason.

"Sir Brent? Ikaw bayan? Nako pasensya na nag aayos kasi ako ngayon darating nextwik si maam!" Bungad sakin ni Ate Raquel.

"Uuwi yung mama ni Jason?" Tanong ko sa kanya.

"Uo eh, parang bibisita lang yun para makita si sir Aw tas aalis narin alam mo naman pag mayayaman diba mas mahalaga yung nego-negosyo nila."

"Oo nga po eh..." Sabi ko.

"Ay! Muntik ko ng makalimutan! Sir Brent buti nalang andito ka! Si sir Aw hindi pa kumakain yan... Ni hindi pa lumalabas ng kwarto yan simula nung nanggaling sya sa seminar ng school nyo. May problema ba kayong dalawa sir?" Bulong sakin ni ate Raquel.

Umiling lang ako sa kanya at tumingin sa taas kaya naman pinaakyat na ako ni ate raquel sa kwarto ni Jason na may dala-dalang pagkain na niluto nya kanina. Pilitin ko raw kumain si Jason pakiusap nya sakin.

Ng nasa labas nako ng pintuan ni Jason huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok.

Tok! Tok! Tok! Walang sumasagot. Hindi rin binuksan yung pinto.

Kumatok ulit ako Tok! Tok! Tok!  Pero wala paring response si Jason.

Yumoko agad saglit habang nakatingin sa mga daliri ng paa ko. Huminga ulit ako ng malalim para humugot ng lakas.

"Jason..." Wika ko sabay katok ulit.

"Jason... Si Brent to... Pwede bakong pumasok?" Sabi ko.

Pero wala parin akong sagot na nakukuha. Siguro galit parin sakin to o kaya ayaw paistorbo. Nalungkot ako bigla ng hindi nya buksan yung pinto, wala ng pag asang maayos ko pa to.

Tumalikod nako sa pintuan ng biglang bumukas yung pinto. Nagulat ako ng marinig ko na bumukas yung pinto napalingon agad ako.

Nakita ko si Jason na nakayuko.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong nya sakin sabay pasok sa loob ng kwarto nya, umupo sya sa kanang bahagi ng kama nya.

Nag aalangan pakong pumasok nun pero pumasok parin ako at dahan dahang sinara yung pinto. Nilapag ko yung dala kong pagkain sa maliit na table

"Dinala ko natong pagkain mo, di kapa raw kumakain sabi ng yaya mo."

Sabi ko sabay umupo rin sa kaliwang bahagi ng kama ni Jason.

Magkatalikuran kaming nakaupo sa magkabilang side ng kama ni Jason.

"Kamusta kana?" Tanong ko kay Jason pero wala akong natatanggap na sagot sakanya.

"Gusto ko sanang humingi ng sorry sa--- " hindi pako tapos magsalita ng biglang sumagot si Jason.

"Wala ka dapat ihingi ng sorry... Wala kang kasalanan.."

"Kasalanan ko kung bakit nagalit sayo si Hana dahil mas pinili kong magselos kesa gawin kung ano yung dapat... (Sabi ko sabay tingin sa kanya.) Jason sorry... Sorry kasi nainlove ako sayo kahit una palang sinabi mo na, na no string attached tayo! na deal lang ang lahat ng to.."

Di ko na napigilan pa yung nararamdaman ko at napaiyak nako. Nakita ko naman na gumalaw yung ulo nya, siguro gusto nya kong makita pero pinipigilan nya lang yung sarili nya.

"Jason sorry... Sorry talaga.. Pero wag kang mag-alala i will fix everything! Gagawin ko lahat para magkaayos kayo ni Hana."

Pinunasan ko yung mga luha ko gamit ang mga kamay ko at kinuha ko yung dala kong paper bag.

"May isa lang akong favor sayo Jason... Pumunta ka sa MSE restaurant bukas ng 7pm and i want you to wear this." Sabi ko sabay lapag ng paper bag sa kama nya.

"Gusto ko suot mo yan and dont worry this will be the last time na lalapit ako sayo at kakausapin ka.. Gagawin ko lahat para umiwas at hindi mo makita. Dun man lang makabawi ako sayo... Para hindi mo maalala lahat ng nangyari.." Nanginginig kong sinabi sa kanya habang pinipigilan yung luha ko.

Tumayo ako at tumingin sa kanya nakatalikod parin sya sakin, di nyo lang alam kung gano ko sya gustong yakapin sa mga oras nato. Pero hindi pwede.

"This is it Jason.... Alagaan mo sarili mo.. Paalam" tumalikod nako at nagsimulang maglakad, napatigil lang ako ng nasa pinto nako.

Humarap ulit ako sa kanya.

"Salamat sa lahat lahat, hinding hindi ko yung makakalimutan.." Sabi ko habang nanginginig yung boses ko dahil sa pag iyak ko.

Ni hindi man lang nya ko tinignan kahit sandali lang. Pero kahit ganun alam ko na magiging okay na ang lahat.

Strange Love BOOK 1 (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon