Chapter 1: meeting

20.6K 386 6
                                    

            "Bilisan mo naman Brent! Pachicks pa! Daliii" sigaw ni Princess pababa ng hagdanan na para bang taing-tae sa sobrang pag mamadali.

"Uy Princess san ba tayo pupunta?!" Malamang kalandian na naman aatupagin nito eh.

Pagbaba ko ng hagdanan agad akong hinila ni Princess sa labas ng mini gym namin. Salamin ang pinto nito kaya naman makikita mo yung loob.

Nagtaka ako kung bakit ang dami ring istudyanteng nandun sino ba yung pinag kakaguluhan nila?

Hindi pako tapos magtanong sa sarili ko ng bigla akong hilahin ni Princess sa harap mismo ng pinto ng mini gym namin. ni hindi man lang nya inisip na maiipit ako  :'(

Halos masiko-siko, maipit-ipit at matulak tulak ako kung saan man ako nakatayo ngayon.

"Brent dali tignan mo si Francis! O my god ang gwapo nya talaga!" Sa ngayon wala akong pakialam kung sino yung tinuturo nya ang nasa isip ko lang ay kung pano ako makakaalis dito.

Nag-iisip palang sana ako ng dahilan para makaalis sa kalokahang yun ng bigla akong makaramdan ng sabunot galing kay Princess.&%$# naman!

Pag kinikilig kailangan na nanabunot?

"Brent nakatingin sya sakin?! Nakatingin sakin si Francis!!!!"

Sigaw ni Princess habang hinahampas hampas ang balikat ko, to think na siksikan pa kami dun ha! My god!

Napatingin ako sa tinuturo ni Princess yung nag pra-practice sa volley ball, pero sa sobrang inis ko umalis nalang ako, mukang di ko kakayanin yung mga ganung eksena.

Parang sardinas na siksikan sa lata, isama pa yung mga katabi mo na kung makasigaw kala mo bingi mga tao dito.

"Uuuyy! Brent san ka pupunta!?" Sigaw ni Princess sakin habang makikita mo sa muka nya ang saya at kilig.

"May pupuntahan lang ako saglit!" Sagot ko sa kanya na kailangan pang isigaw para lang marinig nya.

Wala naman talaga akong pupuntahan ni hindi ko nga alam kung saan ako pupunta, mamaya pa naman yung klase ko. Naloko na, San ako tatambay nito ngayon?

Naglakad lakad na lang ako habang inaalala yung mga masasaya and kilig moments namin ng mga kaibigan ko nung highschool palang kami.

Naaalala ko pa nga, may crush kami nuon na laging tumatambay sa hotdog cart sa labas ng school namin aba andun din kami kahit medyo  busog na bibili parin ng hotdog sandwhich para lang makita si crush. Awwww nakakamiss yung ganun. :'(

Ayan! bigla akong nagutom para tuloy gusto kong kumain ng hotdog sandwhich.

Buti nalang may nagbebenta sa di kalayuan, ang maganda pa dun, dito lang din sa loob ng school. yun lang, walang masyadong tao dun.

Kung tatanungin ako siguro kaya di mabenta yung hotdog sandwhich dun kasi mayayaman mga nag aaral dito ma-ngilan ngilan lang din yung may mga kaya sa buhay, isama nyo na ako dun hehe..

I mean sinong taong may ayaw sa hotdog diba? siguro tuwing umaga laging hotdog nalang yung almusal nila with matching itlog at bacon pa kaya pag dating dito mga umay na sa hotdog.

Syempre advantage naman sakin yun diba? konting tao, konti ang kalaban.hehe

Pagdating ko dun, di nga ako nagkamali! Yes! Walang sho-o (tao). Agad akong pumunta kay kuyang nagtitinda ng hotdog na kala mo may kaagaw sa pagbili.

"Kuya! Kuya! Isa pong hotdog sandwhich" sabi ko kay kuya na sinagot ako ng ngiti at pag tango ng ulo.

Medyo gutom narin ako nun kaya naman nakiusap ako na kung pwede paki bilisan ang pag luluto.

Kinuha ko ang bote ng ketchup at mayonaise para pag binigay na sakin yung pinakamamahal kong hotdog sandwhich nakahanda na.

Halos madapa ako sa kinakaupuan ko ng tawagin ako ni kuyang nagtitinda ng hotdog, okay naraw yung order ko.

At last! Yay! :)

Nilapag ko ang order ko sa lamesa at sinimulan lagyan ng ketchup pagkatapos kinuha ko ung bote ng mayonaise at tinaktak, pero walang lumalabas na mayonaise.watdahel!

"Kuya ano po batong mayonaise nyo para namang unang panahon pa to ayaw lumabas ng mayonaise" reklamo kay kuya na medyo pabiro ang boses.

"Nako sir baka po mali yung paghawak nyo sa mayonaise... kaya walang lumalabas!" Sagot ni kuyang nagtitinda.

Di ko tuloy makuha tong si kuya kung nag jo-joke ba o ano eh? dibdiban ko kaya to hehe joke lang di naman ako bayolenteng tao no.

"Abaaaaa kuyaaaa may ganun ganun kapa! Hampasin kaya kita ng basang twalya? Haha" Biro ko sa kanya.

Natawa naman sya sa sinabi ko at natawa pa sya ha! actually di ko alam kung natawa sya sa sinabi ko or natawa sya kasi di bumenta yung joke nya sakin haha.

Kahit ikaw nagets mo naman yung gusto nyang sabihin diba? na mali yung hawak ko kaya walang lumalabas bastos ka haha.

"Sir, ito nalang po gamitin nyo bago pa. Pigain nyo lang po sa gitna lalabas nayan, dahan-dahan nga lang po baka tumalsik yung takip."

"Brent! Andyan ka lang pala! letse ka!" Sigaw ng isang babae. Sigh

kahit di nako lumingon alam ko na kung kanino galing yun boses nayun.

Walang iba kundi kay Princess. Kinuha ko yung mayonaise na binigay ni kuya at umupo ulit sa inupuan ko kanina.

"Hoy wag ka munang kumain oorder din ako, sabay na tayong kumain" pagpigil sakin ni Princess. pero nagugutom nako. :'(

"Bilisan mo nalang..." Sabi ko sakanya sabay lunok ng laway.

"Oh ano? ako magluluto? Gusto mo ako nalang magluto ng order ko. Makapag madali ka naman dyan."

Jusmiyo pinilosopo pa'ko nitong babaeng to, nakatingin lang ako sa hotdog sandwhich ko habang naririnig yung kalam ng sikmura ko. Matagal pa ba? Nagugutom na talaga ako promise.

Ng narinig ko si kuya na sinabing okay na ang order ni Princess nabuhayan naman ako ng loob na para bang galing sa init at  biglang nakatikim ng malamig na hangin mula sa aircon.

Agad kong kinuha ang mayonaise sabay alog sa plastic bottle tinaktak ko ang bottle ng mayonaise habang pisil pisil ang gitnang bahagi nito.

Pagtaktak ko, nagulat ako wala na yung takip ng container na hawak ko at natapon ang ibang mayonaise sa sandwhich ko, kasabay nito may narinig akong sumigaw sa likod ko.

"Oh shit! Ano to!" Boses ito ng lalaki.

Nakita ko si Princess na tumingin sa likod ko sabay tingin sa hawak kong mayonaise. Thanks a lot Princess ang laking tulong.. Ang laking tulong sa kanya na ituro na sakin galing yung tumalsik na mayonaise.

Huminga ako ng malalim yung boses nayun familiar sakin. Pero wag naman sanang sya. please!

Dahan dahan akong humarap sa likod ko para makita kung sino yung lalaking nasa likod ko, pero in my case para maconfirm kung sya nga ba talaga yung hinihinala kong may ari ng boses nayun.

Pag lingon ko sa kanya nanlaki ang mga mata ko. Ow shit!

Strange Love BOOK 1 (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon