Sabi ko na nga ba't parang familiar yung boses nung babaeng yun eh. Humarap kaming dalawa ni Jason at nakita namin sa harapan namin si Hana na nakangiti.
"Away? Sinong nag aaway? Kami? Hindi ha!" Sabi agad ni Jason sabay akbay sakin. Ngiting ngiti naman tong mokong nato bahala na sya basta ako hindi ngingiti.
Nakatingin lang ako kay Hana ng biglang bumulong si Jason na nakangiti parin at nakatingin kay Hana.
"Umayos ka.. Ngumiti ka!" Halos di ko maintindihan yung boses nya nagsasalita kasi sya na sarado ang bibig.
"Ngingiti ka o 44k??" Dagdag pa nito.
Nang marinig ko yung sinabi nya, parang bell yung narinig ko at agad akong ngumiti, abot tenga pa.
Nakatingin lang samin si Hana na para bang natutuwa sa kagaguhan namin.
"Anyway, how are you guys?" Tanong samin ni Hana.
"Ayo--" di pa tapos yung sasabihin ko ng biglang takpan ni Jason yung bibig ko at sya ang nagsalita.
"Okay lang kami ayos na ayos!" Sabi ng mokong nato na ang sarap tadyakan sa mukha sobra sa kaplastikan, kung di lang talaga dahil sa 44k na yan di ako makikipag lokohan dito eh.
"Haha, i dont know na may iba ka palang side Jason.. interesting." Sabi ni Hana.
Blah blah blah maglandian na kayo para makawala nako dito. Pagkasabi ni Hana nun agad naman natahimik tong mokong nato nanghinayang siguro na sana dati nya pa ginawa tong set up namin.
"Kawawa sayo tong si Brent kagabi ha, pinahirapan mo. Buti nalang andun sya kagabi para sayo." Sabi ni Hana
Nakita kong ngumiti si Jason at tumungin sakin sandali.
"Anyway kaya pala ako nandito bibigyan ko kayo ng ticket namin mamayang gabi sa event. Punta kayo ha." Sabi ni Hana at inabot samin ang dalawang kulay green na ticket sabay nagpaalam na umalis.
Nakaakbay parin si Jason sakin, tumingin ako sa kanya at nakatingin parin to kay Hana habang nag lalakad papalayo.
Tinanggal ko yung braso nya sa balikat ko siguro naman pwede na, wala naman na si Hana isa pa dyusko sa laki ng katawan nya nangalay yung balikat ko ha.
"Hoy okay ka lang ba!? Huy!"
Abaaaa wala ka sa katinuan mo? Tinaas ko yung mga kamay ko na parang babatukan sya ng bigla nyang hawakan ito.
"What the hell are you doing?!" Oh shit busted!
"Haha kakamot lang ako ng ulo! Hehe sige sige alis nako may klase pako" Palusot ko.
"Anong nangyari kagabi?" Tanong nya sakin sa seryosong boses. Aray humigpit yung hawak nya sa kamay ko :(.
"Ano kaba wala naman! Di mo ba maalala? Wala lang normal lang" paliwanag ko.
"Kung walang nangyari hindi ako pupuntahan ni Hana!" Hindi lang naman ikaw yung pinuntahan, ako rin kaya.
At this point humarap sakin si Jason.
"Sabihin mo kung ano nangyari?"
Tumingin ako sa baba sabay tingin sa mga mata nya.
"Nothin' special, its not a big deal" sabi ko sabay hila ng kamay ko at naglakad papalayo.
Habang nag lalakad ako nakita ko naman ang ibat ibang grupo ng mga bading at babae na nakatingin samin at parang nagbubulungan, ang iba nagpaparinig pa.
Pero wala akong pakilam sa kanila for now siguro mga naiinggit lang, kasi ako kinakausap ni Jason ng malapitan eh sila ni hindi pinapansin. Wait para na ba akong ambisyoso magsalita? Hehe.
BINABASA MO ANG
Strange Love BOOK 1 (BL Romance)
Romantizm(Highest rank: # 1 ) Dahil sa katangahan ko napilitan akong tanggapin ang deal ng ka-schoolmate ko. gusto nyo bang malaman kung sino sya? sya lang naman ang pantasya ng bayan. nagkagusto sya sa isang babae na naaattract lang sa mga lalaking bisexual...