Chapter 4: Last night

7.8K 241 0
                                    

            Pag mulat ko ng mga mata ko naramdaman ko na may nakayakap sakin kaya naman sinilip ko yung may ari ng kamay nagulat ako at napalundag sa kama ng makita ko si Jason.

Tumingin ako sa paligid ko agad kong napansin na hindi to yung kwarto ko kaya naman inalala ko kung paano ako napunta dito.

Dahan dahan kong kinuha yung dalawang medyas ko at nagmadaling isuot yun hinahanap ko yung sapatos ko saan ko nga ba nalapag yun?

Daha dahan parin ang pag galaw ko baka kasi magising tong halimaw nato basta ang goal ko makaalis na dito.

Pero nagkamali ako ng bigla syang magsalita.oh shit gising na sya.

"Bakit ka nandito?" Tanong nya sakin na halata pa na inaantok.

Kumamot sya sa dibdib nya at nagulat ng mapansin nya na wala syang suot na damit para syang pusang binasa ng tubig gising na gising ang mokong at itinago pa nga ang katawan sa kumot.

"Anong ginawa mo sakin ha! Pinag samantalahan mo ba ako!?" Sigaw nya sakin.

Tumingin ako sa kanya na may malisya at kumagat sa labi.

"Nakalimutan mo na ba yung nangyari?!" Seryoso kong sabi sa kanya.

Ni hindi mo maipinta yung muka nya di mo alam kung takot ba o nadidiri na nasusuka or parang sising sisi eh.

Ngumiti ako sa kanya at sinuot yung sapatos ko na nasa ilalim pala ng kama.oh my god andun lang pala!

"Sige una na ko may pasok pa'ko, sana okay na pakiramdan mo, ang dami mong nilabas kagabi eh" sabi ko sa kanya na parang may gustong iparating.

Lumabas ako ng kwarto at dahan-dahang sinara ang pinto naririnig ko pa sya na sumisigaw pinapabalik ako at pinagpapaliwanag kung ano nga ba yung nangyari kagabi.

Ano nga ba nangyari kagabi? Curious karin kung ano nangyari no?

Well ganito nangyari... *Ting!

Pakatapos akong yakapin ni Jason nagulat ako ng bigla nya kong halikan sa pisngi di ako makagalaw, napansin ko na pa-iling iling na ang ulo ng mokong nato, lasing na talaga.

Kumuha sya ng onion rings at tinapat sa bibig ko.

Umiling ako, kasi di rin ako komportable sa ginagawa nya, i mean okay lang sakin na subuan pero pag sya ang magsusubo parang di ako komportable.

"Isubo mo to wag mo kong pahiyain!" bulong nya sakin sabay ngiti.

Wala nakong nagawa kundi isubo nalang yung sinusubo nya sakin.

Mapapansin narin kasi na may tama na tong lalaking to.

Kumuha pa sya ng isang kutsarang sisig at pilit na pinakain sakin. Meron naman akong kamay para kumain di naman na kinakailangang subuan pa eh.

Basa narin sa pawis si Jason epekto siguro ng alak, nag iinit na sa katawan nya.

Nagpatuloy yung pagiging sweet nya sakin sinusubuan nya ko ng pagkain ako naman nakaupo lang at tanggap ng tanggap sa pinapasubo nya.

Nang bigla syang magsuka sa harapan ko shit naman! yung damit ko puro suka nya, halos masuka rin ako.

Tanging nagawa ko lang ay sumigaw. dahil sa gulat, na umagaw naman ng atensyon ng ibang tao na naruon kasama na si Hana.

Agad nya kaming pinuntahan.

"Okay lang ba kayo?!" Tanong nya sakin

Una, hindi ko pa alam na si Hana na pala yung babaeng nagtatanong sakin kaya naman pag tingala ko sa babaeng nakatayo sa harap namin halos matulak ko papalayo si Jason.

Strange Love BOOK 1 (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon